Billy Crawford on rumored breakup with girlfriend Nikki Gil: “Hindi kami break at hindi rin kami live-in..."

Billy Crawford on rumor that he and Nikki Gil are secretly married: “Nakikita n’yo ba na may singsing ako? Waley! But Nikki is definitely the girl that I want to be with for the rest of my life... plain and simple."


Hindi naman nakapagtataka kung nag-enjoy nang husto si Billy Crawford at ang iba pang cast ng pelikulang Moron 5 and The Crying Lady ng Viva Films.

Kasama ni Billy sa pelikula sina Luis Manzano, Marvin Agustin, Martin Escudero, DJ Durano, at John "Sweet" Lapus.

Masasabing bagong grupo ito para kay Billy dahil sa cast members ay si Luis lang ang madalas niyang nakakasama bilang miyembro ng Kanto Boys at hosts ng ASAP at Pilipinas Got Talent. Ang iba ay halos ngayon lang niya nakatrabaho.

Ganunpaman, ayon kay Billy, “Sobrang happy ako. I couldn’t ask for more.

“As usual, kulitan kami nang kulitan.

"Kahit si Luis, dito ko rin nakita ang pagiging totoo niya sa akin at pagiging kaibigan.

“Masaya lang talaga sa set.”

PROJECTS FOR KANTO BOYS. Pero bakit nga ba hindi pa matuluy-tuloy ang sinasabing pelikula ng Kanto Boys—na kinabibilangan nina Billy, Luis, Vhong Navarro, at John Lloyd Cruz?

Sagot ni Billy, “Hindi ko alam, e. Just like anything na napag-uusapang mga projects, minsan natutuloy, minsan hindi.

“So there’s many things... many, many reasons kung bakit hindi natutuloy.

“At ang maganda niyan, ‘eto ang outcome, may natuloy na project para sa akin.”

Pero siyempre, magiging masaya rin siya kung tulad ng Moron 5 and The Crying Lady ay magkakaroon din sila ng pelikula ng Kanto Boys.

Aniya, “Minsan napag-uusapan namin, ’Tayo na lang kaya ang mag-produce ng movie?’

“But, of course, everybody has his own agenda. We’re all individual performers.”

NIKKI-BILLY BREAK UP? Bago ang press conference ng Moron 5 and The Crying Lady, kagabi, March 22, kumalat ang balitang diumano’y break na sila ng girlfriend niyang si Nikki Gil.

Bagamat naitanggi na ito ni Nikki, pinabulaanan muli ito ni Billy nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainement Portal) at iba pang entertainment press.

“No, hindi kami break! We’re going on four years in August.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kami break at hindi rin kami live-in… kung gusto ninyong tanungin ’yan na next. Kasi naitanong na ’yan—kasunod na.

“No, I couldn’t be happier with someone.”

Dugtong pa ni Billy, “Si Nikki, I think nag-tweet siya kahapon o kagabi habang nagti-taping siya ng Mundo Man Ay Magunaw.

“Sabi niya, ‘Once and for all, sasagutin ko na at sasabihin ko, pati na rin ako, na hindi kami nag-break!’”

Sa palagay ni Billy, bakit out of the blue, bigla silang naisyu na hiwalay na?

"Siguro dahil sobra kaming tahimik as couple. Gusto sigurong paikut-ikutin ang mga puso namin.

"Basta kami ni Nikki naman, alam namin kung ano ang tama at kung ano ang totoo."

May koneksiyon kaya ang break-up issue dahil malapit na siyang umalis ng bansa?

“Oh no, not at all…”

Hindi kaya secretly married na sila ni Nikki?

Itinaas naman agad ni Billy ang dalawang kamay niya.

“Nakikita n’yo ba na may singsing ako? Waley!" tawa niya.

Pero dagdag ni Billy, “But Nikki is definitely the girl that I want to be with for the rest of my life... plain and simple.”

PARIS TRIP. Sa April 30 ang alis ni Billy papuntang Paris, France. Mananatili siya roon hanggang June 30.

Sa Paris ang destinasyon niya para mag-promote ng bago niyang album.

Hindi kasama si Nikki sa pag-alis niya.

Sabi ng international singer, “May project din si Nikki. May Mundo Man Ang Magunaw at matagal-tagal pa rin ang taping niya.

“At gusto kong ipaalam sa inyo na si Nikki ay sobrang mabuting babae.

“She was raised well. She’s very conservative.

"Hindi lang basta-basta makapunta ’yan kahit saan.

“Of course, yung wala yung magulang niya or either, may kasama siya.

“That’s how strict Nikki is with that and I definitely respect and support that.”

Sa kanyang pag-alis, ano ang mga expectation niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not expecting so much but, of course, palaging puwedeng mangarap. At puwedeng pagtrabahuhan.

“Hopefully, success naman ang pag-alis ko at may mababalikan naman ako dito.

“Hopefully, that’s what ABS-CBN is telling me na nandito naman sila at sumusuporta sa akin.

“Kaya nga nanghingi sila sa akin na sana, hindi ako umalis ng January and wait na lang two months after. Para ma-establish naman ang Showtime muna.

“So, binigyan ko naman sila ng opportunity na ganoon at binigyan din naman nila ako ng opportunity," saad niya.

NO TWITTER ACCOUNT. Nabaling naman ang usapan tungkol sa Twitter na halos karamihan ng mga artista ngayon ay may account.

Pero si Billy ang isa sa wala pa, kahit ang girlfriend niyang si Nikki ay aktibo rin sa Twitter world.

Katuwiran ni Billy, “May mga artists kasi na kapag may nangba-bash sa kanila, pumapatol sila.

“Na-notice ko na if you cannot handle the judgment of other people, don’t join, huwag ka nang makisama.

“Kung hindi mo kayang i-accept ang pananalita ng mga tao—kasi it’s gonna be harsh whether you like it or not.

“So, ako, siguro matatanggap ko for a certain period, pero mapipikon din ako.

“So, I’d rather keep my distance and keep myself private.

“Ayoko rin namang ibulgar sa buong mundo kung saan ako pupunta, kung kumain ako. Kung sino ang kasama ko.

"I don’t need that. Happy ako as is.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN