Ervic Vijandre returns to playing basketball; claims he has been loveless since relationship with Rich Asuncion ended

Ervic Vijandre on ex-girlfriend Rich Asuncion: “Sa lahat naman ng ex ko, hindi nawala yung pagmamahal ko, e. Kasi, gaya nga naging ex ko, minahal ko siya. So, kahit natapos na yung relasyon namin, nando’n pa rin ako."


Panandaliang bakante si Ervic Vejandre habang siya’y naghihintay makapag-taping muli para sa GMA-7 afternoon soap na The Good Daughter.

Tungkol sa pagbabalik-basketball ni Ervic Vijandre ang unang naikuwento niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Mercator talents noong March 20, sa Dulcinea restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

“Naglaro uli ako ng basketball,” banggit niya.

“Bumalik ako sa PBAD [Philippine Basketball Amateur Division] League ngayon.

"Nasa team ako ng Erase Placenta.”

Ano ba ang pagkakaiba ng PBAD sa PBA?

“Ito [PBAD-League] yung one step closer sa PBA.

“Lahat ng nagpi-PBA, dito muna pumupunta. So, semi-pro," sabi ni Ervic.

BALIK-BASKETBALL. Bakit nagdesisyon siyang bumalik sa paglalaro ng basketball?

“Kasi hindi pa ako ulit nakakapag-taping sa The Good Daughter.

“So, tinawagan ko ulit ang agent ko sa basketball.

“Sabi ko, gusto kong mag-basketball ulit. Ayun, pinaglaro niya ako ulit.”

Hindi raw niya alam kung bakit nahinto ang pagti-taping niya sa The Good Daughter.

“Sa story yata, medyo nag-concentrate muna sila do’n sa family [ng character ni Kylie Padilla].

“Kasi ang role ko, lover ni Sharon [portrayed by Alicia Mayer].

“Isa ako sa mag-i-influence sa kanya para guluhin yung family.

“Ang sa akin naman, yung panggugulo ko, para do’n sa asawa niya [Alicia] para mapunta siya sa akin."

CONDITIONING. Dagdag pa ni Ervic, “Medyo nahirapan nga akong bumalik sa basketball. Mahirap magpakundisyon uli, e.

“Kasi after Kokak, medyo naano yung katawan ko dahil puyat nang puyat, so nahirapan ako sa sleeping habits ko.

“Bago ako bumalik sa basketball, siyempre nag-training muna ako sa sarili ko, nag-boxing muna ako.

“Kasi boxing ang pinakamagaang way to work out, e.

“So, nag-boxing muna ako for almost a month din.”

Hindi naman ba siya confused ngayon kung sa basketball ba talaga siya o sa showbiz?

“Hindi naman," tugon ni Ervic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ‘yong focus ko ngayon, nasa showbiz pa rin.

“Para sa akin kasi, hindi kung ano ang priority ko, e. It’s about how I’m gonna manage my time. Parang gano’n.

“Kasi pareho ko silang gusto, e, pareho ko silang mahal.

“And with basketball, fixed na ang schedule niya, e.

“Alam ko na kung kailan yung games, pati yung practice.

“Ang hindi ko lang alam, yung sa tapings.

“And ang maganda naman sa team ko, alam nila na nag-aartista rin ako.

“So parang they give way naman kung may taping ako.

“Yun nga lang, ang magsa-suffer, yung playing time ko.

“So, puwedeng hindi ako ipasok. Puwedeng mabangko ako.

“Almost every day ang practice namin sa basketball.

“’Tapos, ten games kami in one season.

“Depende na lang kung pumasok kami sa quarterfinals, semifinals, finals… may extension yung laro namin.

“So far, ang standing ng team namin, one win, one loss.”

TYPECAST. May pelikula rin daw na tinatapos ngayon si Ervic sa Regal Entertainment, ang The Mommy Returns.

“Kasama ko rito sina Gabby Concepcion, Ruffa Gutierrez, at Pokwang.

“Ex-boyfrined ni Ruffa ang role ko rito na napangasawa niya si Gabby.

“Na parang bina-blackmail ko siya para bigyan niya ako ng pera kasi mayaman si Gabby na napangasawa nga niya.

“Kontrabidang lover ang character ko."

Hindi ba siya nag-aalala na ma-typecast sa kontrabida roles?

“Ay, okey lang naman sa akin kung nata-typecast ako sa kontrabida roles.

“Sa akin, walang problema kahit anong role pa.

“Basta ang importante sa akin, mabigyan ako ng chance na mag-acting.

“Mabigyan ako ng chance na maipakita kung ano ‘yong puwede kong ipakita.

“Parang pasalamat ako na may trabaho ako," saad ng dating Survivor Philippines Celebrity Edition castaway.

LOVELIFE. Kumusta naman ang kanyang lovelife ngayon? Parang wala yatang nali-link sa kanya matapos nilang mag-break ni Rich Asuncion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, wala akong time ngayon sa lovelife,” nangiting sabi ni Ervic.

“Puro basketball ang ginagawa ko ngayon, e.

“Since last year pa nga akong single, e.”

Maayos naman sa umpisa ang naging relasyon nila ni Rich. Hindi akalain ng marami na mauuwi ito sa hiwalayan.

Paliwanag ni Ervic, “Yun nga, that time, busy with school at saka sa mga tapings niya.

"So sabi lang namin, parang friends na lang muna.”

TIME MANAGEMENT. Hindi ba kapag mahal nila ang isa’t isa, kahit gaano pa ka-busy, hindi rason iyon para humantong sa breakup ang relasyon?

“E, hindi kasi… medyo nagkakaproblema din kami with time.

“So, kesa masira yung magandang samahan namin, bumalik na lang kami sa pagiging magkaibigan.

“Minsan nagkikita pa rin naman kami. Parang we still catch up.

“Kasi we’re good friends naman talaga–from the start.”

Sino ba ang mas nawalan ng time sa kanila ni Rich?

“Siya... mas busy siya kasi, e.

“A… siya yung nagsabi na, ‘Let’s be friends na lang muna.’

“Kasi raw, she’s being unfair, parang gano’n.

“Sabi ko, ‘Sige, okey lang. We can still be friends naman. Para hindi lang tayo maging magkaaway.’”

LOVE LOST? Hindi niya ipinaglaban yung relasyon nila at hindi niya pinanghinayangan na humantong sila sa hiwalayan?

“Actually, para sa akin, hindi naman siya nawala, e.

“Kung kami naman talaga, wala naman kaming masamang experience sa isa’t isa.

“So, kung kami talaga, nandiyan pa rin naman. Hindi naman kami nag-away.”

Baka naman meron nang iba si Rich kaya sinabi nito na maging magkaibigan na lang sila?

“A… hindi ko lang alam,” bahagyang nangiting reaksiyon ni Ervic.

O, baka siya ang merong iba?

“Wala… wala naman, wala," tanggi niya.

Kahit yung idini-date lang, wala talaga?

“Wala. Wala akong time para mag-date ngayon, e.

“Sobrang… yun nga, almost every day nagba-baskteball ako—even Sundays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga ako bumalik sa pagba-basketball, e, kasi wala akong lovelife!” sabay tawa ni Ervic.

“Akala ko kapag nag-artista ako, mas marami ang ide-date ko. Pero nawala, e!

“Kaya bumalik ako sa pagba-basketball!"

ONE-WOMAN MAN. Ano ba ang katangiang meron siya na suwerte para sa magiging girlfriend niya?

“E, ang isang maipagmamalaki ko, faithful talaga ako kapag nagka-girlfriend ako. Yun!

“Feeling ko, ’yon ang pinakasuwerte nila sa akin. Kasi one-woman man ako.”

Na hindi na-realize ni Rich?

“Hindi… Kay Rich naman, wala naman kaming problema sa loyalty o faithfulness, e.

“Ang naging problema talaga, yung time lang.

“Kesa mag-away kami, di ba?”

RECONCILIATION. At the back of his mind, nando’n pa rin ba yung thought na gusto niyang balikan si Rich kung pupuwede pa?

“A… hindi natin masabi. Kasi andiyan lang naman ‘yan, e.

“Hindi naman nagsasara yung pinto namin, e.”

Naiisip din kaya niya na kung magbabalikan sila, baka maging sagabal lang ang isa’t isa sa growth ng kani-kanilang career?

“Puwede ring gano’n... na career na lang muna nga kami.

“Kasi iyon naman ang isa sa mga napagkasunduan namin, e.

“Career na lang muna.”

About eight months na ang nakararaan since they broke up. May pagmamahal pa ba siyang nararamdaman para kay Rich?

“Oo! Siyempre nando’n naman ‘yon, e.

“Sa lahat naman ng ex ko, hindi nawala yung pagmamahal ko, e.

“Kasi, gaya nga naging ex ko, minahal ko siya.

“So, kahit natapos na yung relasyon namin, nando’n pa rin ako," saad ng dating boyfriend ni Marian Rivera.

Pagmamahal para sa isang kaibigan na lang siguro?

“Pagmamahal para sa isang kaibigan. At saka sa isang kaibigan na may maganda kaming pinagsamahan," sabi ni Ervic.

SHOWBIZ OR NON-SHOWBIZ. Next time na magka-girlfriend siya, mas gugustuhin ba niyang non-showbiz na para malayo sa intriga ang relasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Depende. Hindi natin masasabi ‘yan, e, di ba?

“Kung talagang may makita ako na... love at first sight, mga tipong gano’n…

“Wala sa akin kung artista siya o hindi.

“Basta na-in love ka, gano’n naman, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN