Angeline Quinto on singer Bryan Termulo: "Hindi naman nanliligaw, pero kung manliligaw, e, di manligaw."

Angeline Quinto on Bryan Termulo’s statement that she is affectionate to him: "Sweet ako, talaga? E, ako naman kasi kahit na kaninong tao sinasabi ko, ’Ingat ka.’ ’Ingat ka sa mga lakad mo.’ Mga ganyan. ’Tapos si Bryan, alam ko na busy na tao yun. Madalas ko lang tinatanong, ’O, kumusta ka diyan?’"


Marami ang nagulat nang tuksuhin ni Kris Aquino sa show niyang Kris TV sina Angeline Quinto at Bryan Termulo nang sabay na mag-guest ang dalawang singers.

Naisip tuloy ng iba na mukhang may espesyal na namamagitan kina Angeline at Bryan dahil hindi naman daw manunukso on air ang TV host kung wala itong pinagbabasehan.

BRYAN TERMULO. Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star Power winner na si Angeline kung ano ang totoo sa kanila ni Bryan.

Aniya, "Yung kay Brian, magkaibigan lang kami. Kumbaga si Ate Kris lang talaga ang nang-aasar sa aming dalawa.

"Nagkaka-text kami, ayun."

Hiningan namin ng reaksiyon si Angeline sa sinabi ni Bryan sa interview sa kanya na hindi siya naniniwalang tibo o tomboy si Angeline dahil sweet ito sa kanya.

"Sweet ako, talaga? E, ako naman kasi, kahit na kaninong tao, sinasabi ko, ’Ingat ka. Ingat ka sa mga lakad mo.’ Mga ganyan.

"’Tapos si Bryan. alam ko na busy na tao yun. Madalas ko lang tinatanong, ’O, kumusta ka diyan?’"

Dagdag pa ni Angeline, "Hindi naman nanliligaw, pero kung manliligaw, e, di manligaw.

"Pero ako kasi, trabaho ako muna. Doon muna ako naka-focus.

"Kung may manligaw, okay lang.

"Yung tomboy issue na ’yan, alam naman nila na talagang girl na girl ako.

"Kung napapansin man nila na ganito ako, boyish ako, dati pa naman sa Star Power, ganito na ako.

"At kung anuman ang nakikita nila, ganito lang talaga ako."

Ano ang mga nagugustuhan niya sa kapwa singer na si Bryan?

"Malambing saka makulit. Kalog din na ’tulad ko."

XIAN LIM. May mga bulung-bulungan din na lumalabas na pinopormahan daw siya ni Xian Lim, sa kabila ng mga lumalabas na balita na nagkakamabutihan na ang young actor at si Kim Chui.

"Wala," mabilis namang tanggi ni Angeline.

"Hindi ko nga alam, wala namang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi totoo. Promise, wala kaming communication.

"Yun ang totoo talaga.

"Alam kong masaya si Kim at si Xian, bakit ako eeksena sa kanila?

"Wala talaga kami ni Xian."

COCO MARTIN. Masaya namang ibinalita ni Angeline na patapos na ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Coco Martin, ang You Light Up My Life sa Star Cinema.

Sabi ng singer, "Three days, matatapos na rin yun.

"Awa ng Diyos, okay naman yung movie.

"Kinakabahan, natural lang naman na kabahan ako, lalo na first time ko itong umarte.

"Pero sobrang excited ako kasi makikita ninyo na kung paano ako umarte."

Hindi pa ba nawawala ang paghanga niya kay Coco?

"Totoo namang may paghanga ako kay Coco Martin.

"Pero sabi ko nga, siguro hanggang doon lang yun.

"Kumbaga kasi, sobrang bait naman talaga na tao ni Coco, at saka mas lalo ko siyang nakilala dahil sa pelikula namin.

"Natutuwa naman ako kasi hindi niya ako pinabayaan," saad ni Angeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN