Vina Morales to try theater in the musical Rock of Ages

Vina Morales says she was very nervous when she auditioned for the musical, Rock of Ages. The singer-actress has been performing for years, yet she was still worried because, "Iba ’yong pagtingin talaga kapag theater, parang ang taas."


"Kumpleto na!"

Ito ang naging masayang reaksiyon ni Vina Morales nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagkakasama niya sa local adaptation of the rock musical, Rock of Ages.

Nakausap ng PEP si Vina sa press conference na inihanda para sa kanya bilang isa sa mga cast ng Rock of Ages, na ginanap sa Picasso Boutique Serviced Residences sa Makati Sabado ng tanghali, Marso 23.

Natagalan din bago magkaroon ng lakas ng loob ang singer-actress na subukin ang pag-arte sa teatro.

Ilang beses na raw nakatatanggap ng mga e-mail si Vina tungkol sa audition para sa casting ng mga stage play subalit lagi niya raw itong hindi napupuntahan dahil, "Parang hindi ko pa kaya. I’m not ready."

Naalala pa ni Vina, "Last year, may isang character na mag-audition sana ako, but I chickened out na naman.

"Maganda sana ’yong character.

"Then, when I was ready after a week, they got somebody na for that character.

"I said, ’Oh no, it’s really not meant for me.’"

Subalit nang matanggap niya ang tungkol sa Rock of Ages, agad daw niyang sinabi sa Star Magic ang kanyang interes na mapasama sa cast nito.

"[When] they sent me Rock of Ages, I said, ’I’m doing this. I’m doing the audition!’

"I called Tita Mariolle [Alberto, Star Magic executive], ’Tita Mariolle, I really want to do the audition. I’m ready.’

FIRST TIME. Bagamat marami nang naging karanasan si Vina sa pagpe-perform, inamin niya na sobrang nerbiyos niya nang mag-audition ito.

"Siguro kasi masyadong mataas ang tingin ko sa theater," paliwanag ni Vina, na may taguring "showgirl" sa local show business.

Dagdag pa niya, "I’ve done several concerts, sing and dance. It’s almost the same din naman kasi ito din naman ang gagawin ko, e, sing and dance, ’tapos acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang ’yong level na parang, ’Shucks, ayaw kong magkamali.’

"Iba lang talaga ’yong, being in this kind of business, iba ’yong pagtingin talaga kapag theater, parang ang taas."

At dahil nga napasama na siya sa isang musical play, isang katuparan daw ito sa kanyang mga pangarap.

Sabi ni Vina, "My dream talaga is to have a concert at Araneta Coliseum and it happened for Showgirl.

"Then, I’ve done several movies, kontrabida roles, teleseryes, [I’ve recorded] songs.

"Ito na lang talaga ang kulang.

"At least now, I can say na I’ve done everything. Ito na, at least nag-theater na ako for the first time."

Bilang paghahanda, sasadyain ni Vina ang pagpapalabas ng Rock of Ages sa Fresno, California, habang may tour ang Star Magic sa America ngayong Abril.

Makakasama ni Vina sa local adaptation ng rock musical ang international Pinoy rock star na si Mig Ayesa, na naging bahagi rin ng Broadway version ng Rock of Ages bilang Stacee Jaxx.

NO OTHER PROJECTS. Dahil sa pagkakasama niya sa Rock of Ages, maaaring matagalan bago masundan ang ginawa niyang teleserye, ang Nasaan Ka, Elisa?

"Since Rock of Ages is my priority, I’m not doing any other show," sabi ni Vina.

"Gusto ko talaga. Kaya lang because of Rock of Ages, hindi ako makakapag-start ng soap opera.

"Kasi we’ll rehearse every day, 9 a.m. to 5 p.m., na parang office din. We can’t be absent for our preparation.

"Ang taping naman ng soap is thrice a week, that’s a whole day, so talagang malabo. I really cannot [do it]."

Gayunman, umaasa si Vina na pagkatapos ng Rock of Ages, na ipalalabas mula June 17 to July 5, ay magkakaroon siya ng pagkakataong umarte ulit para sa telebisyon.

"After nito, siguro another soap opera kasi baka ma-miss na naman ako ng mga tao," sabi ni Vina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN