Bryan Termulo on Angeline Quinto: "Aaminin ko, yes, attracted ako sa kanya pero hindi ako nanliligaw."

Most showbiz couples tend to hide or deny their relationship from media and the public. Bryan Termulo says he’s not likely to do this with Angeline Quinto.

“Bakit ko naman itatago? Wala pa naman dun, di natin masasabi pero abangan na lang nila."



Kung ang pagbabasehan ay ang panunuksong ginawa ni Kris Aquino kina Bryan Termulo at Angeline Quinto sa nakaraang guesting ng dalawa sa Kris TV, sasang-ayon ang lahat na mukhang merong nade-develop sa pagitan ng dalawa.

Ayon kay Bryan sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, mismong siya ay nagulat sa ginawang panunukso sa kanila ni Kris pero di naman tinago ng male singer na may atrakasyon siyang nararamdaman para sa Star Power champion.

“Ultimo ako nga nagulat sa tanong ni Ms. Kris kasi out of nowhere bigla niyang sinabi, ’Nililigawan mo ba siya?’

"Siyempre dahil wala naman talaga, sabi ko, ’Hindi po. Wala pa kami sa ganung stage, friends talaga kami. Text, madalas mayroon kaming mga shows together, so dun kami nagkaka-usap.’

“Ako kasi gusto ko talaga mga singers, so madali akong magkagusto, ma-attract sa magagaling kumanta.

"Aaminin ko, yes, attracted ako sa kanya pero hindi ako nanliligaw.

"Tingnan natin, basta ang masasagot ko for now, hindi talaga.”

GENUINE. Aminado si Bryan na isa pa sa nagustuhan niya kay Angeline ay ang pagiging totoo nito sa sarili, na ramdam mong wala talagang pretensyon.

“Siguro masyado siyang totoo sa sarili niya na I find it sobrang nakakatuwa. Walang halong ere, siya talaga yun, sobra siyang totoong tao.

Marami sa mga artista ang nagtatago o nagde-deny, kahit obvious na may relasyon na sila.

Siniguro ni Bryan sa amin na hindi niya ito gagawin kung magkatuluyan man sila ni Angeline.

“Bakit ko naman itatago? Wala pa naman dun, di natin masasabi pero abangan na lang nila," aniya.

Hindi rin naniniwala si Bryan sa matagal ng isyu kay Angeline na lesbiyana daw ito.

“Hindi ako naniniwala na lesbian si Angeline. Ang sweet niya as a person, sweet sa akin.”

BOY BAND. Kasama si Bryan sa grupong Boys R Boys. Hindi raw nagiging issue sa kanila ang sapawan, lalo’t pare-pareho silang mahuhusay na singers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo pagdating sa genre ng mga kanta, iba-iba kami pero pagdating sa ASAP, nagla-live kami.

"Ako talaga yung pop ballad; si Markki Stroem soul jazz; then si Alex Castro alternative; tapos si JM de Guzman naman acoustic. So iba-iba talaga kami.”

Hiningan din namin ng reaksyon si Bryan sa isyung lumalabas na imbudo daw sila kay JM. Dahil daw sa sobrang hectic ng sked ng aktor, madalas ay hindi sila makapag-perform sa ASAP pagkat hindi ito available.

“Hindi naman namin iniisip yung ganun, kasi minsan si JM mayroon, ako wala. Minsan ako mayroon, minsan si Alex, minsan si Markki.

"It happens kasi, it’s a matter of scheduling kung kailan kami puwede. Pag nag-agree lahat ng manager and kami, gagawa kami ng prod together.”

Kapansin-pansin na isa si Bryan sa mga singers na kumakanta ng mga theme songs ng mga serye ng ABS-CBN. Anong masasabi niya tungkol dito?

“Siyempre masaya kasi maraming mga singers ang puwedeng piliin ng ABS, tapos isa ako sa pinili nila na kumanta ng theme song ng teleserye nila.

"Sino ba namang singer ang hindi mapa-flatter, matutuwa kapag binigyan ka ng ganito kalaking project?

"Speaking of mga theme songs na kinanta ko, natutuwa ako dahil sobrang nagustuhan ng mga tao, sobra nila naging paborito ang mga kanta ko lalo na ang ’Dadalhin’ [theme sa Walang Hanggan] and now, ’Pagdating ng Panahon’ [theme sa Dahil sa Pag-ibig].

“Sa awa ng Diyos, di ako nababakante. Sobra akong happy na binibigyan ako ng ABS ng mga ganitong projects, nandun siguro ang tiwala nila na kaya kong gumawa ng magagandang version ng mga kanta, so sobra akong nagpapasalamat sa ABS."

ACTING. Kumakailan ay nag-guest si Bryan sa Wansapanataym, bilang love interest ni Toni Gonzaga.

Marami tuloy ang nagtatanong kung papasukin na ba niya ang pag-arte?

“Nakakatuwa, kasi pag nakikita ko [si Toni] sa TV, alam kong smart siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nakita ko siya sa personal dahil sa Wansapanataym, napatunayan ko na talagang mabait siyang tao, approachable, kasi may mga artista na hindi ganun. Pero siya babatiin at babatiin ka niya.

“Di ko kasi alam ang plans ng ABS pero siyempre, mahal ko ang pagkanta. Yun kasi ang first love ko.

"Ngayon binibigyan ako ng pagkakataon ng management na umarte, bakit hindi natin buksan ang pinto sa acting?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN