Aga Muhlach considering running for Congress in Camarines Sur: "It’s a…I mean, why not? Tagaroon kami."

Aga Muhlach sort of confirms he may run for Congress in Camarines Sur: "Nag-rehistro na ako roon," he says. "You know, for one…kasi tagaroon naman talaga kami, ano? So parang…para maiba naman. Nagrehistro ako roon. And…tingnan natin, di ba?”



Si Aga Muhlach ang nanalong Best Actor-Drama kagabi, March 24, sa Golden Screen Awards ng EnPress (Entertainment Press Society) ginanap sa Teatrino sa Greenhills, San Juan City.

Pangalawang best actor trophy na niya ito for this year’s awards season para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang In The Name Of Love.

Ang una ay ang best actor trophy na ibinigay ng 28th PMPC Star Awards For Movies.

Matapos siyang i-congratulate ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media na nasa Golden Screen Awards, hindi inaasahan ni Aga ang sunod na naging tanong sa kanya.

Ito ay tungkol sa napapabalitang pagtakbo umano niyang Congressman sa Camarines Sur sa darating na eleksiyon.

“Nag-rehistro na ako roon,” aniya.

“You know, for one… kasi tagaroon naman talaga kami, ano? So parang… para maiba naman.

“Nagrehistro ako roon. And… tingnan natin, di ba?” sabay ngiti ni Aga.

But is he really considering entering politics?

“Yeah!” diretsong pag-amin ng aktor.

“Yeah… of course!

“It’s a… I mean, why not?

“Tagaroon kami.

“And it’s nice also na… ibig sabihin makapag…

“Tingnan natin. Tingnan natin.

“Honestly, I’m really considering it.

“So kung magiging maganda ang opportunity. At makakagawa tayo ng maganda talaga roon… makabalik naman tayo sa pinanggalingan ng magulang ko.

“So… bakit hindi, di ba?”

‘Yon nga lang, kapag pinasok na niya ang kanyang pagiging public servant, sa ayaw man niya o sa gusto… posibleng maisakripisyo niya ang kanyang pag-aartista.

“Tingnan muna natin. Iisa-isahin ko muna.

“So… hindi ko muna alam, e.”

Hindi madaling desisyunan na i-give up ang kanyang showbiz career kapalit ng politics. Kailangan talaga niya itong pag-isipang mabuti.

Lalo pa at sa ngayon, muling nari-recognize na naman ang kanyang kalibre bilang isang mahusay na aktor. Sa magkasunod nga niyang panalo bilang best actor sa Star Awards at Golden Screen Awards, may mga nagsasabi na posibleng maka-grandslam siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito’y dahil nga sa bigat ng performance niya sa In The Name Of Love.

“Naks!” tawang reaksiyon niya.

“Ang sarap naman!

“Sana.

“Pero kung hindi naman, okey rin lang.

“Basta… maraming salamat sa mga nagri-recognize sa nagawa kong trabaho.”

Speaking of his work, ano ba ang mga bagong aabangan sa kanya bukod sa Pinoy Explorer ang TV show niya sa Kapatid network?

“Ang alam ko, may uumpisahan akong bagong show sa TV 5 by end of May.”

Ang tema ng programa?

“Basta… maganda!” matipid niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN