Bianca King says her mom approves of rumored boyfriend Dennis Trillo: "Nakita ng mommy ko kung gaano ako alagaan ni Dennis.”

Bianca King has a Bachelor of Arts degree in Digital Filmmaking from De La Salle-College of Saint Benilde. "Ngayong na-achieve ko na yung iba kong goals kagaya ng makapag-graduate ng college, maging bida [sa teleseryeng Broken Vow], ang bagong goal ko naman ngayon, ang maging actress-director,” she says.


Aprubado pala sa mommy ni Bianca King ang rumored boyfriend ng aktres na si Dennis Trillo.

Maganda nga ang naging pagtanggap ng mommy niya kay Dennis noong magkasama silang tatlo sa Boracay noong Pebrero bilang selebrasyon sa pag-graduate ng aktres sa kolehiyo.

“Mahal na mahal na niya si Dennis. Naging close talaga sila.

"Sabi nga ni Dennis, ngayon lang siya naka-experience na maging close sa magulang ng babae na dine-date niya.

"Yung ganung ka-close na nag-bonding talaga kaming tatlo.

“Kasi nga only child ako kaya gusto ng mommy ko kinikilala lahat ng mga taong nagiging bahagi ng buhay ko.

"So, nung nandito sila sinulit talaga ng mommy ko ang oras na makilala nang mabuti si Dennis. Pati yung family niya nakilala rin ng mommy ko,” sabi ni Bianca.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa birthday presscon na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanya at kay Rocco Nacino na ginanap sa Forque restaurant sa Pasay Road, Makati City noong Biyernes, Marso 23.

Bianca turned 26 on March 18 while Rocco turned 25 on March 21.

Ano ang mga nagustuhan ng mommy ni Bianca kay Dennis?

“Unang-una, nakita ng mommy ko kung gaano ka-hands-on si Dennis sa anak niyang si Calix. Talagang family first siya, inuuna niya lagi ang family niya before anything else.

"Pati nakita ng mommy ko kung gaano ako alagaan ni Dennis.”

Natutuwa si Bianca na nagiging close na rin siya sa anak ni Dennis. Malaking kaibahan daw noong una siyang makilala ng bata.

“You know what, kasi things change every day e. Siguro ibang-iba na ngayon.

"Ang hirap magbigay ng detalye. Pero every day gumaganda palagi yung mga nangyayari. Nakakabuo na rin ako ng relationship with Calix.”

Mas okay na nga raw sila ngayon ng anak ni Dennis sa tuwing magkikita sila. "Tita" na raw ang tawag sa kanya ni Calix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GRADUATE OF FILMMAKING. Best birthday gift raw ni Bianca para sa kanyang sarili ang pag-graduate niya sa kursong Bachelor of Arts in Digital Filmmaking sa De La Salle-College of Saint Benilde. Ngayon daw ay mas makakapag-concentrate na siya sa career niya.

“Dati kasi ang hirap pagsabayin yung pag-aaral at pag-arte. May mga buwan talaga na masuwerte na ako kung makakatatlong oras ako ng tulog sa isang araw.

"Pati siyempre yung atensyon ko divided. Kaya nga siguro hindi pa ako pinagbigyan ni Lord dati na makapagbida kasi alam niyang hindi pa ako makakapag-focus.

"So ngayong tapos na yung pag-aaral ko kaya pwede ko nang ibigay yung 110 percent ko sa pag-arte.”

Pinakamahirap na stage daw sa kanya yung tinatapos niya ang thesis niya habang nagbibida naman siya sa Sinner or Saint noon na pinagsamahan nila ni Dennis.

Ngayon daw ay mas naibibigay na niya ang lahat sa panghapong teleserye niya sa GMA-7, ang Broken Vow.

ACTRESS-DIRECTOR. Bukod sa pag-arte, gusto ngang i-pursue ni Bianca ang pagdidirek kaya siya nag-aral ng filmmaking.

Aniya nga, “Ngayong na-achieve ko na yung iba kong goals kagaya ng makapag-graduate ng college, maging bida [sa teleseryeng Broken Vow], ang bagong goal ko naman ngayon, ang maging actress-director.”

Kung tutuusin, nakapagdirek na siya ng ilang music videos gaya na lang sa isang kanta ni Frencheska Farr kung saan naging leading man nito si Richard Gutierrez.

Ngayon nga ay may kumukuha kay Bianca na isang production house para maging direktor. Excited daw siya rito.

“It’s a big production house that does TV commercials. I can’t say the name kasi pag sinabi ko alam n’yo na. Ayoko naman pangunahan.”

Napanood daw nito ang mga na-direk niyang music videos.

“Nakita po nila. Humingi po sila ng kopya ng mga short films ko nung nasa school ako. Napanood din nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, aware sila sa body of work ko. Tapos dinuscuss nila yun sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN