Venus Raj’s first showbiz boyfriend is Andrei Felix: "It was around October or November last year noong maging very close na kami ni Andrei."

“Imagine, every morning magkasama kami. Start of the day pa lang, maganda na ang lahat. Hanggang sa pag-uwi ‘yan. There is something to look forward to every day, ‘di ba?” says Venus on her four-month relationship with Andrei Felix, her segment co-host on the morning show, Umagang Kay Ganda.


Wala na ngang tinatago pa ang former Bb. Pilipinas-Universe na si Venus Raj tungkol sa kanyang relasyon sa TV host at MYX VJ na si Andrei Felix.

Four months na raw ang kanilang relasyon at kitang-kitang masaya si Venus ngayon dahil nagsisilbi raw inspirasyon niya sa kanyang trabaho si Andrei.

Ayon sa 2010 Miss Universe 4thrunner-up, sa morning show ng ABS-CBN 2 na Umagang Kay Ganda sila naging close ni Andrei.

Magkasama sila parati sa isang segment kaya hindi nakakapagtaka na mggkadebelopan sila.

Nang tanungin namin sa press conference ng mga Mercator Models (Dulcinea Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City nuong March 20) si Venus kung kelan siya opisyal na niligawan ni Andrei, sinabi nito na hindi na raw sila dumaan sa paligaw-ligaw.

Basta nagkaintindihan na lang daw silang dalawa at naging sila na.

“It was around October or November last year noong maging very close na kami ni Andrei," ani Venus.

“Nandiyan na yung nagtatawagan kami kung anong oras kami nasa studio dapat. Kumustahan kami parati.

"Nagtatanungan kami kung ano ang gagawin namin [sa araw na yun] sa show. Mga gano’n-gano’n lang.

“Hanggang sa dumating na nga sa ganitong magandang pagsasama naming dalawa.

“I think, hindi na kami kailangan magligawan pa siguro kasi maayos na ang pagkakakilala namin sa isa’t isa. Wala na kaming ilangan pa with one another.

“Imagine, every morning magkasama kami. Start of the day pa lang, maganda na ang lahat. Hanggang sa pag-uwi ‘yan.

“There is something to look forward to every day, ‘di ba?” ngiti pa ni Venus.

Pinakamaganda raw sa samahan nila ni Andrei ay mga simpleng bagay lang daw ay masaya na sila.

Ayon kay Venus, regaluhan lang daw siya ng bulaklak, kahit hindi mamahalin, ay masaya na siya.

“Mababaw lang talaga ang kaligayahan ko. Sa simpleng mga regalo lang, sobra na akong masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako humihiling ng mamahaling regalo mula kay Andrei. Yung magkausap lang kami at magkuwentuhan, masaya na ako roon,” diin niya.

FIRST SHOWBIZ BF. Masasabing unang showbiz boyfriend ni Venus si Andrei pero nagkaroon na siya noon ng dalawang boyfriend when she was still in high school sa Bicol.

“Matagal na rin yung naging last relationship ko. Batang-bata pa ako noon.

"Ngayong mature na ako, ready na ako to get into a new relationship.

“Andrei is a lot older than me kasi. He’s like six years older than me, kaya mas marami siyang alam sa pakikipagrelasyon.

“Alam ko rin ang mga past relationships niya, lalo na yung sa kanila before ni Jennylyn Mercado. Wala naman siyang tinatago sa akin at gano’n din ako sa kanya.

“Ganyan kami ka-open with one another kaya nagkakasundo kami. Mabait kasi si Andrei at tulad ko, mababaw din ang kaligayahan niya.”

Nagkaroon na ba sila ng tampuhan ni Andrei?

“So far, sa pagkakaalam ko, wala pa. At sana wala namang mangyaring gano’n sa amin.

“Pareho naman kaming madaling kausapin. Kung may ayaw siya or may ayaw ako, masasabi namin agad sa isa’t isa.

"Gusto kasi namin na transparent ang relationship namin. It’s better that way kesa naman sa malalaman mo pa sa ibang tao ang ganitong balita.

“Kaya we keep our communication open at diretsahan na pag-uusap lang. We don’t need to sugar-coat anything anymore,” diin pa ni Venus.

Bukod sa kanyang morning show, may sisimulan na online TV talk show si Venus na The Queen, produced by Mercator TV.

She also signed a contract with Regal Entertainment to star in her first movie.

DREAMS COME TRUE. Dahil sa sobrang sipag ni Venus, natutupad lahat ng mga pangarap niya sa buhay.

Malapit nang matapos ang pinapagawa niyang bahay sa kanilang probinsya sa Bato, Camarines Sur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinakita ni Venus ang pictures ng malapit nang matapos na bungalow na katabi lang ng kanilang bahay kubo kunsaan siya lumaki.

Hindi pinagiba ni Venus ang kanilang bahay kubo dahil paalala daw iyon sa kanilang pamilya na nagsimula sila sa maliit na bahay na iyon at ang kanilang pangarap na malaking bahay ay natupad na.

“Una akong nangarap ng magandang buhay sa bahay kubo na iyon. Hinding-hindi ko iyon ipapagiba. Ime-maintain ko pa para maging maayos pa siya.

“Kahit na lilipat na kami this coming April sa malaking bahay, ang puso ko ang nandoon pa rin sa original na bahay namin.

"Hindi ko basta-basta tatalikuran kung saan ako nagmula,” ngiti pa ni Venus.

Mahigit na isang taon din daw ang paggawa sa bungalow ni Venus. Once a month daw siya kung bumisita sa Bato para makita ang construction.

“Marami kasi akong trabaho sa Manila kaya ang sister ko ang nag-aasikaso doon. Kapag may time naman ako, luluwas talaga ako sa Bato para makita ang pagpapagawa.

“Every month na pagpunta ko, nakikita ko ang improvement. Napapangiti ako kasi ito ang matagal na naming pangarap na bahay.

“Ngayon, finishing na lang, makakalipat na kami this April. May mga gamit na kaming nabili para sa bagong bahay at ang sister ko na ang namahala rin doon,” diin niya.

INVESTMENTS. Bukod sa bahay sa probinsya, pina-renovate din ni Venus ang kanyang nabiling condo unit sa Quezon City.

Ilang buwan din daw niyang pinaayos ang kanyang condo unit kaya tamang-tama lang daw ang hitsura nito para sa isang beauty queen na tulad niya.

“Investment ko rin yung condo unit balang araw. Kapag nagsawa na ako, puwede akong bumili ng iba at ibebenta or ipapa-rent ko na lang ang condo.

“Kaya nag-hire ako ng interior decorator para gumanda siya. Para kapag ready ko na siyang ibenta or ipa-rent, maayos siya at worth it ang ibabayad,” paniguro ni Venus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga gustong pasukin na negosyo si Venus. Habang kumikita raw siya ng maganda, gusto niyang mailagay ang kanyang kita sa isang negosyo na ang makikinabang ay ang pamilya niya.

“Kaya maingat ako sa mga kinikita ko. Hindi ako maluhong tao kasi. Mabuti na lang at may mga sponsors ako kaya tipid ako sa mga gastusin.

“Kaya marami tayong naiipon. Iniisip ko pa kung ano ang magandang negosyo.

"Para makadagdag pa iyon sa mas ikakaganda ng buhay ko at ng pamilya ko,” pagtatapos pa ni Venus Raj.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN