Valerie Concepcion on wedding plans with just-reconciled boyfriend Dondon Hontiveros: “Siguro if I’m gonna get married sa kanya, siguro mga three years pa."

Valerie Concepcion says that she’s getting by as far as her career is concerned. She admits, “Ako naman basta may trabaho, go lang nang go! Walang problema ke hosting o acting. Basta dire-diretso ang trabaho.”


Aminado si Valerie Concepcion na sunod na lang sa agos ang takbo ng kanyang career kahit na isa lang ang kanyang show sa ABS-CBN—ang E-Boy.

Hindi na raw niya iniisip ang pagnanais na makabalik sa hosting gaya ng ginagawa niya noon sa Wowowee.

“Ako naman, basta may trabaho, go lang nang go!

“Walang problema ke hosting o acting. Basta dire-diretso ang trabaho," sabi ni Valerie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

SURVIVAL. Sabi pa ng Kapamilya actress, masaya naman siya sa takbo ng kanyang showbiz career.

“Siyempre naman, masaya ako.

"Sinasabi ko naman na I don’t work for the fame, e.

“It’s the… you know, survival, dahil ako ang breadwinner ng family ‘tapos may baby ako.

"It’s really more of that, e.

"Okey ako, whether hosting or acting basta meron.”

Per program ang kontrata ni Valerie sa ABS-CBN—kung ano ang TV project, doon lang siya nakakontrata. Ganito rin ang set-up niya noon sa TV5.

“Sana meron [guaranteed contract]. It’s a good thing kasi that’s guaranteed, e.

“Pero so far, wala naman akong mairereklamo kahit nawala yung Pilipinas Win Na Win, nag-100 Days [To Heaven] naman ako and then, after nun, I have E-Boy naman.

“So, parang ganun rin ako, para ka na ring may contract.

“Hindi naman ako pinababayaan.

“So, okey na rin," saad niya.

OTHER PROJECTS. Puwede namang gumawa ng ibang project si Valerie sa ibang istasyon, pero kailangan daw niyang magpaalam sa ABS-CBN bilang respeto rito.

Ayaw na rin daw niyang dumaan muli sa isyung kinaharap noon ng manager niyang si Becky Aguila sa dati niyang network na GMA-7.

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng Kapuso network at Becky nang ilipat ng talent manager ang alaga niyang si Angel Locsin sa ABS-CBN noong 2007.

Si Valerie ay alaga rin ni Becky at nadamay siya sa isyu nang nag-guest co-host siya sa dating noontime show ng ABS-CBN na Wowowee. Ito ay sa kabila ng may show pa noon ang aktres sa GMA-7, ang Fantastic Man, bagamat tapos na ang kontrata niya sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ng aktres, “Kasi nga, di ba before, nagkaroon na ng problem yung manager ko sa GMA-7... na na-burn nga yung bridge?

“So, I don’t wanna do that naman with ABS kaya kailangang magpaalam nang maayos kung meron mang offer.

“E, wala pa naman.”

Patuloy na sinasabi ni Valerie na malaki ang utang na loob niya sa GMA-7 at hindi rin niya maiwasang manabik na makita ang mga taong nakasama niya rito.

Aniya, “The people of GMA-7 are nice people.

“Siyempre, kahit saan ka mapunta, at kahit nasa TV5 ako, maayos rin silang kasama, kaya nami-miss ko rin sila.”

SURGERY? Kapansin-pansin ang paglaki ng dibdib ni Valerie. Napansin na namin ito sa nakaraang Star Awards for Movie kung saan naging presentor siya.

Biniro niya kami na magkakaroon na raw siya ng "dalaw" kaya sigurado malaki ang boobs niya.

Inamin ni Valerie na mayroon siyang iniinom na gamot pero tumanggi na siyang magdetalye tungkol dito.

Hindi lang daw boobs niya ang lumaki kundi ang kanyang lower bumper.

Ayaw talagang papilit ni Valerie na sabihin sa amin kung anong klaseng pills ang iniinom niya dahil sa takot na baka nga naman matumbok na naman siya ng isyu.

BOYFRIEND. Tungkol naman sa kanyang boyfriend, ang basketball player na si Dondon Hontiveros, ibinalita ni Valerie na okey na uli ang kanilang relasyon matapos nilang magkabalikan uli.

“Okey naman kami ngayon… actually, naghiwalay kami nong November last year.

“Nagkabalikan lang kami this year nang Feb [February],” pagbabalita niya.

Dagdag pa ni Valerie, “Siguro we just needed space lang.

“Kasi napapadalas yung pagkikita namin, lagi kaming nagkakasama.

“So, parang feeling namin, kailangan naming ma-miss muna ang isa’t isa.

“So, nung February 9, nagkabalikan kami.

“Plano ko nga sana nung Valentine’s Day. E, hindi ko na siya matiis kaya ayun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw si Valerie ang nag-initiate ng reconciliation nila ni Dondon.

“The whole time na naghiwalay kami hanggang sa bago nung Feb 9, nakikipagbalikan na siya talaga.

“Sobra siyang nagpe-pursue, to the point na kinausap niya yung mommy ko… mga ganun.

“Sobra siyang persistent! Kaya ayun, nagkabalikan kami bago pa mag-Valentine’s Day.”

Wala na raw masyasong mahabang proseso ang pagbabalikan nila.

“Sabi ko nga sa kanya, hindi ko rin nakuha yung space na gusto ko dahil siyempre, nung nililigawan niya ako uli, every day niya akong pinupuntahan dinadalhan ng flowers at kung anu-ano.”

WEDDING PLANS. Going four years na raw ang kanilang relasyon ni Dondon. Hindi naman niya itinangging nabanggit na rin sa kanilang usapan ang tungkol sa kasal.

“Napag-uusapan… nababanggit. Pero kasi ang dami ko pang gustong gawin.

“Siguro if I’m gonna get married sa kanya, siguro mga three years pa.

“Kailangan ko pa kasing matapos yung pagbabayad ng bahay ko.

“Mga two years pa, and then yung another year, ipon na for myself.”

Wala na ring problema sa anak niyang si Fiona dahil tanggap na nito si Dondon.

“Naku, kung siya [Fiona] ang tatanungin, okey na siya,” pagpapatunay ni Valerie na malapit sa isa’t isa ang anak at ang kanyang boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN