John "Sweet" Lapus on long absence from Kapuso drama series or sitcom: “Hindi naman ako nagtatampo... nanghihinayang lang ako."

John "Sweet" Lapus says the Internet generation has changed popularity trends in the showbiz industry: “Modesty aside, feeling ko, noong panahon ko noon, kung may Twitter, million followers na rin siguro ko. Kaya lang, wala pa naman tayong Twitter noon. Pager lang tayo noon."


Sino ang hindi makakapansin kay John “Sweet” Lapus sa pagpapalit niya ng gowns–apat na beses–bilang host sa 9th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress) noong Sabado, March 24?

At sa bandang huli nga ay tinotoo niya ang kanyang biro noong una na bra at panty na lang ang susuutin niya.

Pero nauna rito, sa press conference ng bago niyang pelikula, ang Moron 5 and The Crying Lady noong Huwebes, March 22, ay dumating si Sweet sa presscon na naka-gown din.

Bilang "crying lady" ay “babae” talaga ang karakter na ginagampanan ni Sweet sa pelikulang ito ni Wenn Deramas para sa Viva Films.

PRESSURE. Inamin ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may pressure pa rin siyang nararamdaman tuwing may ipinapalabas siyang pelikula.

Aniya, “Aminado naman ako na I don’t have a lot of fans like Vice Ganda, na siguradong susuportahan at papanoorin siya kahit na ano pang pelikula ang gagawin niya.

“Aminado naman ako—I am an artist.

“If I have to choose between having a beautiful movie and a box-office movie, of course, I would choose a beautiful movie.

“Pero siyempre, bilang sa producer side, gusto rin naman natin na kikita rin naman para hindi nakakahiya sa mga producer.

“Pero ako, lagi ako, hindi ako nagmamadali as long as maganda yung pelikulang ginagawa ko.

“As long as naa-appreciate ng tao at nae-entertain sila, hopefully, slowly but surely, dadami rin ang mga fans ko.

“And hopefully, Viva and ibang production company will give me finally a commercial solo movie.

“So, siyempre, gusto ko rin yun.

"Napi-pressure lang ako kasi ang mga press, sinasabi, ’Dapat next movie, solo ka na.’

“Kaya nga sinasabi ko, suportahan n’yo ang pelikulang ito dahil kapag naging successful naman ito, damay-damay rin kaming lahat.”

CO-STARS. Kasama ni Sweet sa Moron 5 and The Crying Lady sina Marvin Agustin, Luis Manzano, Billy Crawford, DJ Durano, at Martin Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kahit marami sila sa title role, masaya si Sweet dahil masaya si Sweet dahil "damay-damay" rin sila sa pressure.

“Kapag may kasama ka kasi sa pelikula, walang masyadong pressure unlike kapag ikaw lang ang bida.

“Kahit si Vice, tinatanong ko, pressured na pressured siya bilang siya ang title ng pelikula.

“Kahit si Kris Aquino, kapag may mga horror siya na siya ang bida talaga, pressure talaga.

“At least ito, marami kami.

"So, kapag natiyempo na naging tagumpay ito, sabay-sabay kami, damay-damay ‘ika nga," saad ni Sweet.

RIVALRY? Sinabi ni Sweet na mas maraming fans si Vice. May nagsabi namang naunahan siya ni Vice magkaroon ng solo movies.

Pero ano sa tingin ni Sweet ang pagkakaiba nila ni Vice?

“Well, ako naman, palagi kong sinasabi noon, ang lahat naman ng tagumpay na tinatamasa ni Vice ngayon, na-experience ko na rin noong araw pa.

“But of course, because it’s the Internet generation na, the social networking generation na, so mas madali kay Vice to accumulate fans because of Twitter, Facebook, and of course, kahit yung Showtime niya na nag-rate rin.

“Modesty aside, feeling ko, noong panahon ko noon, kung may Twitter, million followers na rin siguro ako.

“Kaya lang, wala pa naman tayong Twitter noon. Pager lang tayo noon.

“But I’m honored and flattered, at the same time, na ako pa rin ang unang baklang nakapag-show sa malaking venue—Folk Arts Theater nga lang at hindi Araneta.

"Ako rin ang unang gay na nagkaroon ng endorsement, yung Sweet Talks.

“Ngayon nga lang, mas maraming fans si Vice, mas mayaman siya sa akin.

“But I think siguro, ang advantage ko lang is yung longevity ko rito sa showbiz," pahayag ng Showbiz Central host.

REGAL COMMITMENT. Pinaalala ng press na bibigyan siya ng solo movie ng Regal. Wala ba siyang tampo kay Mother Lily na hanggang ngayon ay wala pa siyang solo movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No," sagot ni Sweet.

"Actually, mas na-appreciate ko nga si Mother.

“In fairness kay Mother, siya ang unang producer na nagsabi na, ‘Si John Lapus, he’ll also be a bida in his own movie.’

"Kaya lang nga, inuna lang namin yung Super Inday and The Golden Bibe namin ni Marian [Rivera].

“So, technically, kahit dalawa kami ni Marian do’n, isa pa rin ako sa bida.

“’Tapos, here comes Viva Films na nag-offer ng contract na non-exclusive naman siya.

"Ang deal nga lang sa Viva, kapag naging successful ang Moron 5, ang follow-up, sa kanila.

“And after Moron 5, meron akong The Mommy Returns nina Pokwang, Gabby Concepcion, at Ruffa Gutierrez.

“After no’n, meron akong indie sa Cinemalaya, yung Posas.

ALA-BROKEBACK MOUNTAIN. Bukod sa mga nabanggit na projects, kasama rin si Sweet sa upcoming primetime series ng GMA-7, ang Rancho Paradiso.

Ayon sa TV host-comedian, “Definitely, it’s with Richard Gutierrez and a lot of dramatic actors and actresses kaya may pressure talaga on my end.

“Maganda ang role ko. Competitor niya [Richard] ako noong una–naging best friend.

“Cowboy kaming pareho. Magaling akong cowboy... magaling akong mangabayo.

“’Tapos parang nai-insecure ako kay Chard, bago siya sa Rancho.

“Akala ni Chard, galit ako sa kanya, pero type ko siya.”

Ayon pa kay Sweet, “Parang Brokeback Mountain na akala ni Chard, best friend niya ako, pero hindi niya alam, may pagnanasa ako.

“First time, bibigyan ako ng GMA ng chance na mag-drama.

“Of course, hindi mawawala ang comedy. Pero ito, may puso ang character ko.”

SITCOM WITH MARIAN. Yung sitcom nila ni Marian Rivera sa GMA-7, tuloy na rin ba?

“Hindi ko nga alam.

"Yung mga fans lang ni Marian ang nagsasabi na may narinig daw sila na it’s about bakery raw or something."

“Kasama pa raw nila si Chef Boy Logro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pang tumatawag sa akin, but yes, it was promised by GMA sa last taping namin ng Show Me Da Manny, na definitely, sa next sitcom ni Marian... nai-prioritize lang niya ang My Beloved pero kapag naka-adjust na siya, sisimulan na niya ang sitcom.

“Part din naman ng contract niya.

“At prangkahan na, sayang kung hindi mo bibigyan ng sitcom si Marian dahil napakagaling niyang komedyante.

“So ngayon, wala pa, hindi pa kami nag-i-storycon.

“Pero ibang look naman siguro, kasi palagi naman kina-careerko ang looks ko.”

HARD FEELINGS. May impression na may tampo siya sa GMA-7 dahil hindi pa nasundan ang regular show niya sa Kapuso network at sa Showbiz Central lang siya napapanood ngayon.

“Hindi naman ako nagtampo. Pero siyempre, pina-follow-up ko.

“Nasabi ko nga noong araw, noong nasa ABS ako, six years ago, nalaos ako.

“Umasa ako masyado na may mga offers na darating mula sa mga kaibigan ko.

“Kasi, nasanay ako sa ganoon. Kaibigan kong EP, kaibigan kong writer, director.

“So, ngayon, marunong na ‘ko, ‘O, ano na, ano na ang show ko?’

“Hindi naman ako nagtatampo... nanghihinayang lang ako.

“Nasabi naman namin through my manager sa GMA, si Ricky Gallardo na, ’Ano ba? Kung kailan nagkaroon ng dalawang Best Comedy Actor award si John Lapus, saka naman siya walang sitcom o soap!’

“And since, nagbabayad din naman ako ng bahay at wala nga akong ginagawa, pinayagan naman nila ko na mag-guest muna…

"Nag-guest ako sa Ikaw Ang Pag-Ibig, Wansapanataym.

“Minsan nagge-guest din ako sa TV5, sa Talentadong Pinoy.

“At itong promo ng Moron 5, iikot ako. Pinayagan naman nila ako.

“Sabi ko sa GMA, kapag nag-flop ito, damay-damay, host ako ng Showbiz Central.

“But of course, mas priority ko ang guesting ko sa GMA na full support din sa Moron 5.

"Like nag-guest na ako sa Eat Bulaga and next week… One week akong co-host ni Boy Logro sa Kusina Master na ang taas-taas pala ng rating no’n!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN