EnPress president on Asiong Salonga team’s alleged snubbing of the Golden Screen Awards: "Desisyon nila ’yon."

Jun Nardo on Golden Screen Awards’ reputation as "most credible" award-giving body: "Ayaw lang namin siyempreng pagmalakihan pa na, ’Ay, kami ang pinaka-credible,’ hindi naman. Basta, thank you na lang sa papuri at pinapatunayan naman namin."


Inisnab nga ba ng cast at production staff ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ang 9th Golden Screen Awards for Movies?

Iyan ang tanong ng maraming nakapansin sa kawalan ng kinatawan ng nasabing pelikula sa naganap na awards night noong Marso 24, Sabado, sa Teatrino Greenhills sa San Juan.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay naghayag ng kanyang pagkadismaya ang publicist ng Asiong Salonga na si Jobert Sucaldito dahil sa hindi pagkakasama sa listahan ng Best Actor nominees ni Laguna Governor ER Ejercito.

(CLICK HERE to read related story)

Matapos ang awarding ceremony, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Entertainment Press Society (EnPress) president Jun Nardo na nagbigay naman ng kanyang reaksiyon tungkol sa hindi pagdalo ng nominees mula sa Asiong Salonga.

"Desisyon nila ’yon," sagot niya, patunay na wala silang sama ng loob sa cast at production ng pelikula.

"Kumbaga, nakita n’yo naman, di ba? Kahit na nagkaroon ng problema, may mga awards pa rin silang nakuha."

Dalawa ang napanalunang awards ng Asiong Salonga: Best Cinematography para kay Carlo Mendoza at Best Production Design para kina Fritz Silorio, Mona Soriano, at Ronaldo Cadapan.

Imbitado ba ang Asiong Salonga cast at production team sa awards night?

"Oo, meron sila. Lahat ng mga nominees merong certificate, merong invitation na nakalakip.

"Iyon, lahat iyon nabigyan lahat ng nominees."

DINGDONG DANTES. Bukod sa isyu kay Governor Ejercito, isa pa sa kinuwestiyon ni Jobert ang pagkakanomina ni Dingdong Dantes bilang Best Actor para sa pelikulang Segunda Mano.

Ayon sa publicist, posibleng may kinalaman daw ang EnPress member at publicist ni Dingdong na si Rose Garcia sa nominasyon ng aktor.

Ipinagtanggol naman ni Jun ang kasamahan at nilinaw ang isyu: "Sa isyu kay Dingdong, Dingdong is a nominee, pero yet, nandito rin siya, di ba?

"Pero with [regards to] kung si Dingdong ang mananalo dahil nandito siya, e, nakita n’yo naman kung sino iyong nanalo. Iyon ang katunayan doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na lang namin pinalaki pa iyong issue dito sa awards night namin.

"Inuna muna namin iyong winners. Ayaw naming sabihin [ng iba] na nagdu-dwell kami doon sa issue. Hindi.

"First things first and isusunod na namin iyan."

Si Aga Muhlach ang nagwaging Best Actor para sa pelikulang In The Name of Love.

"MOST CREDIBLE" AWARD-GIVING BODY. Dahil sa mga isyung ipinukol sa EnPress, tila marami naman ang humanga sa grupo at ngayon ay tinatawag ang Golden Screen Awards na "most credible" award-giving body sa industriya.

Ano ang masasabi ni Jun tungkol dito?

"Thank you very much, siyempre, oo, nagpapasalamt din kami doon sa mga ganoong nakakarating sa aming mga papuri.

"Ayaw lang namin siyempreng pagmalakihan pa na, ’Ay, kami ang pinaka-credible!’ Hindi naman.

"Basta, thank you na lang sa papuri at pinapatunayan naman namin.

"Kapag hindi naman credible, siyempre sasabihin ninyo o susulatin niyno iyong opinion ninyo, ’Ay, hindi naman,’ ganyan.

"So kung ano man iyong lumabas na resulta, pinaninindigan ng EnPress.

"Ipinakita ko kanina iyong mga members ng EnPress para sabihing nagkakaisa kami through thick and thin sa desisyon namin."

Bukod sa magagandang komento sa kanila ng publiko ay nagpasalamt din si Jun sa mga artistang dumalo sa awards night, partikular sa host na si John "Sweet" Lapus.

"Basta kami nag-imbita kami, kahit hirap kami, pera namin itong ginagastos namin. solicitation namin, so kung dumating sila, salamat.

"At maraming-maraming salamat sa mga artista at performers na nagpunta at nakisaya sa Golden Screen especially kay John Lapus na nakita n’yo naman iyong hirap niya effort talaga, di ba?

"Pasabog talaga iyong kanyang ginawa."

Apat na beses nagpalit ng gown si Sweet at sa bandang huli ay nag-bra at panty na lang siya!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN