Part 1. Martin Escudero admits to prioritizing ex-girlfriend Jennica Garcia over his family

Martin Escudero on his past relationship with Jennica Garcia: “Hindi ko naman po sinasabi na mali na nakarelasyon ko siya. Hindi pagkakamali na siya ang nakarelasyon ko. Ang pagkakamali, pagkakamali ko kasi, yun ang pinili ko. Hindi lang naman sa siya ang naging priority ko, marami pa akong ginawa noon na na-realize ko ngayon na sana, hindi ko ginawa. Marami akong naging pagkukulang sa pamilya ko noon kaya nga ngayon, lahat ng oras ko na puwede kong ibigay sa kanila, ibinibiga


Isa sa mga tanong sa cast ng Moron 5 and The Crying Lady sa presscon ng pelikula ay kung ano ang pinaka-bobong ginawa nila sa kanilang buhay.

“Bobo” kasi ang roles ng limang bidang aktor dito, kabilang na si Martin Escudero.

Sagot ng young actor sa tanong, noong may girlfriend daw siya ay mas inuna raw niya ito kesa sa pamilya niya.

Nang makaharap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa naturang press conference na ginanap noong Huwebes, March 22, sinabi namin sa kanya na nagkaroon ng impression ang entertainment press na si Jennica Garcia ang tinutukoy niya.

Hindi naman itinanggi ni Martin ang bagay na ito.

Aniya, “Oo, siya naman po ang huling nakarelasyon ko talaga.

“Hindi ko naman po sinasabi na mali na nakarelasyon ko siya. Hindi pagkakamali na siya ang nakarelasyon ko.

“Ang pagkakamali, pagkakamali ko kasi, yun ang pinili ko.

“Hindi lang naman sa siya ang naging priority ko, marami pa akong ginawa noon na na-realize ko ngayon na sana, hindi ko ginawa.

“Marami akong naging pagkukulang sa pamilya ko noon kaya nga ngayon, lahat ng oras ko na puwede kong ibigay sa kanila, ibinibigay ko.”

Nakalimutan ba niya ang kanyang pamilya dahil kay Jennica?

Ayon kay Martin, “Hindi naman completely nakalimutan ang pamilya, pero may pagkakataon na sana, nandoon ako, pero hindi ko nagawa.

“May stages sa buhay na katulad sa mga kapatid ko na maliliit, sana nandoon ako sa mga oras na ito, event na ito na hindi ko napuntahan.”

Sa palagay ba niya, sa susunod niyang relasyon ay mas kontrolado na niya ang sarili at ang oras niya?

“Sa totoo lang, mahirap sabihin ‘yan na kapag may relasyon na ‘ko, ganito na ako.

“Pero hangga’t maaari, tamang oras, tamang panahon.

“At sana, handa na ang lahat para do’n sa relasyon na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi dahil sa gusto ko lang itong babaeng ‘to, pero dahil sa kaya ko at karapat-dapat ako.”

Wala pa rin ba sa ngayon?

“Sa ngayon, wala pa. Hinahanda ko muna ang sarili ko sa maraming bagay,” sagot niya.

Aminado si Martin na pagkatapos ng relasyon nila ni Jennica, hindi pa siya nagkakaroon ng kasunod na girlfriend.

Naging mahirap ba talaga sa kanya to move on o nasaktan ba siya masyado?

Sabi naman ni Martin, “Lahat naman tayo nasasaktan sa mga relasyon.

“Pero hindi totoo at napakaimposible na hindi ka maka-move on dahil nabuhay ka ng ilang taon na wala ‘yan.

“Paano mo kinaya yun?

“Saglit na panahon lang yun na dumating sa buhay mo. Imposible na hindi mo kayanin at malagpasan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN