Part 2. Martin Escudero admires former President Ferdinand Marcos: “Tinitingala ko siya. Gusto kong sundan ang yapak niya—yung mabuti at tuwid na daan.”

Martin Escudero is related to many political figures in the country which include Senator Chiz Escudero, Senator Gringo Honasan, and the Levistes. He says he is also an admirer of the late President Ferdinand Marcos. No wonder, politics run in his veins, thus his calling to run for public office may be in the offing.


Pagkatapos ng matagumpay niyang indie film na Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington, tila nalilinya na ngayon sa comedy si Martin Escudero.

Heto nga at kasama naman siya sa Moron 5 and The Crying Lady.

Okay ba na comedy ang ginagawa niya ngayon?

“Oo naman,” sagot niya.

“Bata pa lang ako, comedy na ang number one sa akin.

“Si Jim Carrey, mula bata pa ako. Si Vandolph Quizon… ‘yan ang mga pangarap kong makasama talaga.”

Hindi ba’t nakasama na niya si Vandolph?

“Nakasama ko siya sa Babaeng Hampaslupa, sobrang bait. Tuwang-tuwa ako.

“Pangarap kong makasama ulit siya.”

Dugtong din niya, “Sa totoo lang po, ang comedy, sobrang enjoy.

“Hindi ka tatanda sa paggawa ng comedy na pelikula.”

Magaling siya sa comedy, pero unang nakilala si Martin sa drama.

“Siguro po, depende rin naman sa actor ‘yan.

“Sa tingin ko, ako naman, hindi naman nila ako tinitingnan bilang komedyante kung hindi bilang aktor.”

Ayaw niya rin bang ma-tag bilang komedyante?

“Sa akin naman, walang problema kahit ano pa ang sabihin nila.

“Basta ako, gagawa at gagawa ako ng magagandang pelikula.


“Dito, binigyan ako ng drama na eksena ni Direk Wenn [Deramas] para maipakita ko pa rin na kaya kong mag-drama.

“May mga isiningit kaming eksena.”

MARCOS. Sa Moron 5 and The Crying Lady, ang pangalan ng karakter ni Martin ay Michael Angelo Marcos—hango sa pangalan ng isang sikat na pintor at isang presidente.

Nakakuha rin ang atensiyon ang naging pahayag ni Martin na natuwa siyang Marcos ang apelyido niya sa pelikula dahil malaking impluwensiya raw sa kanya ang dating Pangulo ng bansa.

Paano niya nasabi yun to think na hindi pa siya tao noong si Marcos ang presidente ng Pilipinas?

Sabi ni Martin, “Pinag-aralan ko yung buhay ni Marcos.

“Ngayon lang din, three years ago siguro.

“Ngayon lang, nagkaroon ng anniversary ang People Power, nakita ko na marami rin siyang nagawang magagandang bagay at napakatalino ni Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinitingala ko siya. Gusto kong sundan ang yapak niya—yung mabuti at tuwid na daan.”

Marcos loyalists ba ang pamilya nila?

“A, hindi, pero pulitika rin ang pamilya namin.

“Siyempre, bukod sa pamilyang pulitika ang ano namin, born ako… mindset ako na leader.

“Yung daan na gusto kong makamit, gusto ko na hindi ako makakalimutan ng tao at ng buong mundo dahil isa akong magaling na leader.”

ENTERING POLITICS. Bakit siya biglang nagkainteres na pag-aralan ang leadership o mga nagawa ni Marcos, sa kabila ng sinasabing pagiging dikatador nito noon? May plano rin ba siyang pasukin ang pulitika?

“Opo,” pag-amin ni Martin.

“Naiisip ko na kung anuman ang nagawa ni Marcos na maganda, bakit hindi ko kayang gawin yun?

“Siyempre, kaya kong gawin at kaya ko pang lagpasan para sa bansa natin siyempre.”

Nasa proseso na ba siya na naghahanda na siya sa pagpasok sa pulitika?

“Naghahanda pa lang po.

“Unang-una, marami nang naitulong ang lugar ko sa akin, ang Cavite.

“Ang plano ko, maibalik ko rin ang tulong na nakuha ko sa kanila.

“Gusto kong maglingkod sa bayan, sa mga taong dapat tulungan, dapat paglingkuran.

“Siyempre, mamumuno ako, gusto kong umpisahan sa kinalakihan kong lugar.”

Ano ang posisyon na plano niyang takbuhin?

“Hindi ko pa naman nakikita na ngayong 2013 na tatakbo ako.

“Uumpisahan ko pa lang sa normal na pagtulong. Sa mga proyekto na puwede kong itulong.

“Siyempre, marami pa akong proyekto na puwedeng matutunan at mapag-aralan.”

IT RUNS IN THE BLOOD. Tiyuhin ni Martin ang senator na si Chiz Escudero. Taga-Sorsogon talaga ang pamilya nila pero sa Cavite na lumaki ang young actor.

Ayon kay Martin tungkol sa kanyang Tito Chiz, “Hindi pa kami nag-uusap. Pero alam na niya na yun [pulitika] din ang puwedeng kapuntahan ko.”

Bukod kay Senator Chiz, kamag-anak din daw ni Martin si Senator Gringo Honasan at ang mga Leviste.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, plano raw ni Martin na kumuha ng kursong Public Speaking at saka siya kukuha ng Poilitical Science.

Pero sa ngayon, ang pagiging aktor pa rin daw ang prayoridad niya.

“Sa ngayon, ito ang kinabubuhay ko. Ito ang mahal ko sa ngayon. Ito ang passion ko.

“Siyempre, hanggang sa pinakamalayong mararating ko sa showbiz, e, gagawin ko muna.

“Kukunin ko muna ‘yan dahil darating din ang oras na lalagtawan ko rin ang showbiz at papasukin ko rin ang pulitika.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN