PEP EXCLUSIVE: Joseph Marco reveals his new soap; talks about faith

Joseph Marco shares: “Kasi nga as Christians, parang wala naman talaga tayong sinusunod na rule, e.”


Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Joseph Marco sa isang recent event na dinaluhan nito.

Kumusta na kaya si Joseph matapos ang kanyang soap na Sabel?

“Okay naman.

“[After] the longest wait, I’m gonna have my teleserye soon.

“It’s another primetime, so it’s worth the wait,” masayang balita ng binata.

Unang nakita si Joseph Marco nang i-launch ito kasama sa 15 new discoveries ng GMA Artist Center noong 2007.

Una niyang naging proyekto ang La Vendetta kung saan gumanap siya bilang isang geek na si Santi Domingo. Nakasama niya rito sila Jean Garcia, Sunshine Dizon, at Jennylyn Mercado.

Gumanap din siya ng maliit na role sa remake ng Dyesebel noong 2008, bilang assistant ni Fredo na ginampanan ni Dingdong Dantes.

At noong 2010 nga ay lumipat ito ng Kapamilya network. Sa paglipat niya napili naman siya bilang isa sa lead cast ng Sabel bilang Raymond Sandoval. Dito nga nakasama niya ang napakagandang si Jessy Mendiola at ang namayapang young actor na si AJ Perez.

Dagdag pa nga niya, “I can’t reveal the co-actors so… ayon.

“By… I think by April—so we’ll start [taping] by April.”

THE REUNION. Ang pinagkakaabalahan diumano ngayon ng young actor ang movie kung saan makakasama niya sila Xian Lim, Enchong Dee, Kean Cipriano, at Enrique Gil.

Ang The Reunion ay directed by Frasco Mortiz—isang barkada movie na ipapakita ang journey ng isang grupo na hinahanap ang tunay nilang mga kaligayahan.

Ani Joseph, “Kami yung parang ano, rival group nila [Enchong].

“So kami yung medyo, parang yung kaaway palagi—palaging kasuntukan gano’n, palaging kaasaran, so nakakatuwa naman.”

Paglalarawan pa niya, “Ang name ko do’n is Gerry Rick.

“So parang isa ako do’n sa ano, sa grupo nila…

“Kasama ko sa grupo si Tom Rodriguez, Ivan Dorschner, at saka si Bryan Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ‘yon nga, kami nga ‘yong parang bully kina Enchong.”

Bully ka rin ba sa totoong buhay?

“Hindi, sobrang hindi, very friendly,” mabilis na pagtanggi ng aktor.

Pagpapatuloy niya, “‘Tapos ayon ang alam ko magiging pulis yata ako do’n, e.

“I’m not really sure, hindi ko pa nabasa ‘yong final script namin.

“Pero ‘yon nga yung brief [description] na kami nga yung rival group nila.”

HOLY WEEK. Tinanong na rin ng PEP kung ano ang plano ni Joseph sa darating na Holy Week.

“I’m going out of the country with family and friends.

Wala ba silang mga usual “panata” pag-Holy Week?

“Ahm… wala, wala naman.

“Because I’m a Born-Again Christian, so may panata ba sa atin?” pagtanong nito.

Aniya, “I don’t think so. Wala, wala.

“Kasi nga as Christians, parang wala naman talaga tayong sinusunod na rule, e.

“Kung, kung ano talaga yung… what’s between you and God—kung ano yung nasa heart mo talaga, so [ayon].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN