Model-actor Kerbie Zamora gets first acting award; willing to do another kissing and bed scenes with Martin Escudero

Kerbie Zamora gets his first Best Supporting Actor award from the recent 10thGawad Tanglaw for Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington. Humbly, Kerbie says, “Hindi ko po talaga inasaahan, kumbaga, masaya na po ako na nakapasok ako sa showbiz, na naging artista ako, ’tapos ngayon may award pa, kaya talagang feeling ko napakasuwerte ko.”


Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang model turned actor na si Kerbie Zamora na nanalo siya bilang Best Supporting Actor sa nakaraang 10thGawad Tanglaw para sa pelikulang Zombadings1: Patayin Sa Syokot Si Remington.

Ginanap ang awards night last March 15 sa University of Perpetual Help System sa Las Piñas City.

Nanghinayang nga lang si Kerbie dahil hindi siya naka-attend sa mismong awards night para tanggapin ang kanyang tropeyo.

“May shooting po ako para sa isang commercial.

“Nauna na po kasing naka-schedule iyon kesa doon sa awards night kaya kahit gustung-gusto ko na um-attend, wala akong nagawa,” pahayag ni Kerbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya.

Habang nasa shooting nga raw siya ay alumpihit siya at hindi mapakali dahil iniisip niya na ng mga oras na iyon ay tinatawag na ang kanyang pangalan bilang winner.

“Talaga pong hindi ako mapakali, sobrang excited ako.

“At the same time, medyo malungkot na hindi ako nakapunta doon sa awards night.

“Pero okay lang po, ang mahalaga, nanalo,” nakangiting sinabi pa ni Kerbie.

Pinakaunang acting award ito ni Kerbie sa buong showbiz career niya.

Sabi pa niya, “Hindi ko po talaga inasaahan.

"Kumbaga, masaya na po ako na nakapasok ako sa showbiz, na naging artista ako, ’tapos ngayon may award pa, kaya talagang feeling ko napakasuwerte ko.”

GAY ROLE. Isa pang dahilan kung bakit ikinatuwa ni Kerbie ang pananalo niya ay nagwagi rin si Martin Escudero bilang Best Actor para rin sa Zombadings movie nila.

Si Kerbie ang “leading man” ni Martin sa naturang pelikula.

Gumanap si Martin na isang lalaking isinumpang maging bading si at si Kerbie ang kaibigan na napagtuunan ng pansin at nagustuhan nang naging bading siya.

Pinag-usapan nga ang kissing scene nina Kerbie at Martin sa hagdan sa Zombadings.

“Tinawagan ko nga po si Martin, nag-congratulate ako sa kanya, nag-congratulate rin siya sa akin," banggit ni Kerbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga mapaniwalaan ni Kerbie na mahuhusay na artista ng teatro at telebisyon ang mga nakalaban at tinalo niya, tulad nina Michael Bonapos (Anatomiya ng Korupsyon), Jopit Lorenzo (Anatomiya ng Korupsyon), Jaime Pebanco (Patikul), at si Roderick Paulate na kasama rin nila ni Martin sa Zombadings.

Ayon kay Kerbie, “Sobrang idol ko po si Kuya Dick [Roderick], sobrang taas po ng respeto at paghanga ko sa kanya.

"Napakagaling po niyang artista kaya talagang shocked ako na ako ang nanalo.”


MOVIE SEQUEL. May sequel na nga raw ang pelikula nila.

“Sabi po, sana nga, sana nga,” asam ni Kerbie.

May kissing scene ulit sila ni Martin?

“Meron po yata, this time, sa bubong!” sabay-tawa ng modelo.

Kung sakaling may offer sa kanya na isa ulit gay-themed project, papayag ba siya na mas higitan ang ginawa niya sa Zombadings?

Papayag na ba siya sa torrid kissing scene at bed scene sa kapwa niya lalaking artista?

“Hindi ko po alam, depende sa istorya at sa direktor.

“Kung kasing-ganda ng Zombadings, okay lang po siguro," sagot niya.

KISSING AND BED SCENES. Sinong artista lalaki ang papayag siya na maka-torrid kissing scene at maka-bed scene?

“Si Martin ulit!” at napatawa muli si Kerbie.

Bakit si Martin?

“E, kasi po, magkabigan kami. Kumbaga, sanay na kami sa isa’t isa kasi nga nagkasama na kami sa Zombadings.

“Kumbaga, hindi na kami magkakailanganan.”

INSECURE. Talent ng Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud si Kerbie.

Karamihan sa mga kasamahan niyang talents ay mga Brazilian-Japanese hunks ’tulad nina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Hideo Muraoka, at Akihiro Sato.

Ang mga nabanggit, bukod sa pagkakaguwapong mga foreigners, ay pagkakatangkad at pagkagaganda ng mga katawan.

Pero ni minsan faw ay hindi nakaramdam ng insecurities si Kerbie sa mga ito.

Aniya, “Magkakaibigan po kami-kami, para na rin kaming magkakapatid.

“Pagdating naman po sa projects, may kanya-kanya naman kaming kakayahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga bagay sa aking roles na hindi bagay sa kanila, at may mga roles or projects naman na sa kanila bagay, sa akin hindi.

“Kaya wala po talagang inggitan.”

At siya ay may acting award na.

Since awardee na siya, mataas na ba ang talent fee niya?

“Itanong po ninyo kay Jonas!” tumatawang sagot ni Kerbie bilang pagtatapos sa aming interbyu.

Napapanood si Kerbie sa Valiente ng TV5 at sa My Beloved ng GMA-7.

Mapapanood din siya sa upcoming movies ’tulad ng The Mommy Returns at Boy Pick-up The Movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN