Ara Mina confirms breakup with Fil-Chinese businessman

Ara Mina kept mum on her recent breakup with a Filipino-Chinese businessman so as not to create new issues or repeats that the press might feast on. The breakup, according to Ara, was her decision. She admits, “I guess siguro, hindi rin naman ka-proud-proud na i-announce mo na ’Hey, wala na kami.’ Kumbaga, parang hindi mo lang akalain na mauuwi rin sa gano’n. But I’m the one… ako rin ang nag-decide."


Nabalita ang breakup ni Ara sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Raymond Ilusorio-Yap, isang Filipino-Chinese businessman.Raymond Ilusorio-YapRaymond Ilusorio-YapRaymond Ilusorio-Yap

Pero hindi ito masyadong napag-usapan sa media dahil mas pinili ng aktres na manahimik; bagay na ipinagtaka ng maraming nakakakilala sa kanya.

“Hindi naman siya kasi showbiz,” rason ni Ara sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Nanahimik ba ako?” natatawang reaksiyon pa niya.

SILENCE. Nag-mellow na ba ang isang Ara Mina pagdating sa pagbabahagi sa publiko ng mga kaganapan sa kanyang lovelife?

“Yeah, nag-mellow na nga ako,” sagot niya.

“I guess siguro, hindi rin naman ka-proud-proud na i-announce mo na, ’Hey, wala na kami.’

“Kumbaga, parang hindi mo lang akalain na mauuwi rin sa gano’n.

“But I’m the one… ako rin ang nag-decide,” pagtatapat niya.

Pero tumanggi nang magsalita si Ara nang tanungin ng PEP kung ano ang dahilan ng kanilang breakup.

“Sa amin na lang yun kung ano ang reason, kasi hindi naman siya showbiz para ilabas kung ano ang dahilan," sabi niya.

Namangka sa magkabilang mundo si Ara noong sila pa ng kanyang non-showbiz boyfriend.

INFIDELITY? Sa gitna ng kanyang pagtatrabaho bilang aktres, sumasama siya sa kasintahan sa business meetings nito—hindi lang dito sa Pinas kundi sa abroad.

Hindi ba niya nakayanang makibagay sa mga tao sa mundo ng kasintahan?

“No, it’s not that,” mariing tanggi niya.

Hindi kaya “infidelity” ang rason?

Napaisip si Ara at hindi agad nakasagot.

Umiwas din si Ara sa tanong kung may nahuli ba siyang ibang babae sa boyfriend niya.

“Basta, pero trinay naming i-work out, pero wala na talaga, e.

“Hindi ko na… ano, e… and trinay din niyang suyuin ako,” sabi niya.

Ipinagpasalamat din ni Ara na hindi pa nauuwi sa kasalan ang relasyon nila ng boyfriend.

“Buti na lang, kasi ang dream ko kasi, magkaroon ng buong pamilya. Ayokong magkaroon ng broken family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, buti na lang at maaga pa lang, na-discover namin sa isa’t isa na hindi kami para isa’t isa.”

NO MORE TEARS. Hindi itinanggi ng aktres na dumaan din sila sa ilang problema sa kanilang relasyon bago ito naging maayos.

Sabi ni Ara, “Noong una, marami kaming differences, pero na-settle naman.

“Then, something happened na parang ano… hindi ko ma-take.

“Ayoko na kasi ng madramang buhay na magpapa-interview ako na iiyak-iyak ako.

“Tapos na yung mga Jomari [Yllana], Polo [Ravales] days ko na yung mga ganun-ganun.

“Tapos na ako sa gano’ng stage ng lovelife ko.”

SETTLE DOWN. Positibo naman si Ara sa magiging kinabukasan niya. Gusto raw talaga niyang makasal at magkaroon ng pamilya.

Aniya, “Ayokong tumandang dalaga. Kumbaga, hayaan na lang natin.

“Darating din ’yan, huwag nating pilitin.

“Siguro masyado akong nag-i-expect na ‘eto na ito, ‘eto na itong lalakeng makaka-settle down ko.

“Tapos, yun pala, hindi pa pala!

“Buti na lang at hindi siya nag-propose!” dugtong niya habang natatawa.

September noong nakaraang taon nang makipagkalas si Ara sa boyfriend niya at mag-aanim na buwan na siyang single.

“Wow, ang tahi-tahimik ng buhay ko, ha!

“Parang masaya at walang masyadong pressure.”

MONEY ISSUES. May balitang kumalat na pera raw ang dahilan ng isyu sa kanila ng ex-boyfriend niya. Totoo ba ito?

“Money? No… no! Of course not! Money? Hello!

"May bahay ako, ’no! Saka maykaya yung pamilya niya.

"Kung ang isyu pera namin sa isa’t isa, walang gano’n.

“It has nothing to do with that kung bakit kami naghiwalay.

“Wala kaming problema sa gano’n.

"It’s not a financial thing. Personal ang dahilan,” diin niya.

Dagdag pa ni Ara, “In fairness naman, he tried his best to win me back.

“Talaga lang ano, e... effort siya talaga—love letters, flowers every day.


“Ang problema kasi, wala nang trust sa relationship, hindi na magwo-work out… Yun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero he’s a good man, he took care of me naman,” puri niya sa dating kasintahan.

SISTERS. Hindi ba siya natatakot para sa kapatid na si Cristine Reyes na sinasabing matindi rin kung umibig gaya niya?

“Hindi! Mas ano pa nga niya, e... feeling ko, mas wise siya pagdating sa love.

“Ako pa nga yung mas all out, e," sabi niya.

Itinanggi niyang baliw rin sa pag-ibig ang nakababatang kapatid, gaya noong sila pa ni Dennis Trillo at ngayon naman ay kay Rayver Cruz.

Ani Ara, “Hindi, may control siya. Pero kaya niyang tiisin ang lalake, e, sa nakikita ko.

“Ako, hindi ko kaya ang isang araw na hindi kami okey.

“Talagang kahit pa siya yung may kasalanan, ako pa rin yung naggi-give in, nagpapakumbaba.

“Si Cristine, ‘Ikaw ang may kasalanan, problema mo ’yan!’ Ganun siya. Magkaiba kami ng character.”

Hindi ba tipo ni Cristine ang papayag agad na magpakasal kapag inalok ito ng kanyang boyfriend?

“Uhm… si Cristine kasi ‘pag love niya, love niya.

“Pero once na… feeling ko ’pag nakitaan niya na hindi okey, parang nawawalan na siya ng gana.

“Sa nakikita ko lang, ha. I really don’t know.

“Sa akin kasi, kahit ano pa ang flaws nitong lalakeng ito, sige, tanggapin ko kasi... kasi you can’t change naman and nobody’s perfect.

“Pero meron ding limit ’yan.

“’Pag may foul na ginawa… sabihin nating nawalan ako ng gana o yung pagmamahal ko sa kanya.

“I guess, mas mature na ako in terms of lovelife.

“Hindi na ako yung… I decided na tumahimik kasi parang ilang years na akong pinagpipiyestahan yung lovelife ko, since 2000.

“Parang ang tagal na no’n! Ngayon, nae-enjoy ko yung tahimik.

“Kung gusto ko talagang gumawa ng ingay, madali yun.

“I decided huwag na lang magsalita.”

WHAT’S COOKING? Hindi naman daw nababakante ang karisma ni Ara dahil maraming mga lalake ang nagpapapansin sa kanya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga lang niya ito priority sa kasalukuyan.

“Relax lang kaya nag-cooking muna ako para bini-busy ko muna ang sarili ko.”

Pagkuha ng Culinary course ang ibig tukuyin ni Ara.

Bukod sa culinary short course na kinukuha niya, ang kanyang soap business at ang regular na pagyo-yoga ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

“Yung course, three months lang.

"Then after that, I will decide if I will continue pa my schooling to a full course," sabi niya.

Gusto uling balikan ni Ara ang food business na matagal na niyang isinara dahil nalugi ito.

“Before, no’ng may restaurant ako, gusto ko na talagang mag-aral ng culinary pero wala akong oras.

“Mas may time ako ngayon kaya kumuha ako ng short course.

“Kasama ko yung kapatid ko, yung sister-in-law ko, and some of my friends.

“At yung brother ko na si Holy is starting a family and we’re planning to put up a catering business next year.

“Saka for self-improvement na rin," saad ni Ara.

COOKING WHILE DIETING. Malaki raw ang nagawa sa kanyang pagpapayat ang culinary course niya.

“Ganun pala yun, ano?

“Nawawalan ka ng gana kumain ’pag ikaw ang nagluluto!" natatawa niyang sabi.

Ipinapalagay ng marami na baka ginustong magpapayat ni Ara para hindi siya mag-suffer ng comparison sa nakababata niyang kapatid na si Cristine na napaka-sexy.

“Iniiwan ko na sa kanya ang trono ko," sabi naman ni Ara.

“Siyempre, iba na ang level natin ngayon. Isa na tayong ganap na woman.

“Kumbaga, napagdaanan ko na yun.

"Ano na tayo ngayon, gusto ko alagaan yung sarili ko—i-enhance pa.

“I’m not getting any younger. Ayoko namang magmukha akong losyang, ’no!

“Kaya kina-career ko yung pagda-diet.

“Aside from regular yoga, yung lifestyle ko, iba na rin.

“Puro mga healthy food ang mga kinakain ko… para malayo rin sa mga sakit-sakit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

YOGA CLASSES. Sa Bikram Yoga Clinic uma-attend ng class si Ara.

Ito ang clinic na pag-aari ni Al Galang, na minsang na-link kay Dra. Vicki Belo at naging dahilan daw ng breakup nito kay Hayden Kho.

“Yes, the very controversial Al Galang!” tawa ni Ara.

Hindi raw nagtaka si Ara na maging "crush ng bayan" si Al at ma-link kay Dr. Belo dahil napakaguwapo at sexy raw nito.

“Al naman is really goodlooking and he’s young pa.

“Actually, mas bata pa siya sa akin. And talagang friendly siya.”

Hindi makapagbigay ng detalye si Ara sa isyu kina Dra. Belo at Al dahil wala raw siyang masyadong alam sa kaganapan sa dalawa.

“Pero minsan lang naming nakasama si Dra. Belo sa session ko kasi yung sa akin, special class.

“So, minsan lang nag-join si Dra. Belo sa amin.

"Before kasi ano sila, one-on-one sila.

“Then si Ruffa Gutierrez at si Cristalle Belo, nag-special class din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN