Joshua “Yoyo Tricker” Davis finally joins showbiz

The first Ultimate Talentado tells this year’s finalist “‘wag ka kakabahan, mag-praise kay God, ‘wag mong uunahan ng yabang, ‘wag magsasalita ng tapos, at saka lagi mag-practice.”


Matapos magwagi sa pinakaunang “Battle of the Champions” sa talent search ng TV5 na Talentadong Pinoy, pinasok na ni Joshua “Yoyo Tricker” Davis ang showbiz.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua nang dumalaw kami sa set ng Sunday variety show ng TV5 na Sunday Funday kamakailan sa Splash Island, Biñan Laguna.

“Ah, so far sobrang nage-enjoy naman po ako sa ginagawa ko,” wika ng 16-year-old na baguhang performer.

“Kahit minsan medyo nahihirapan ako pumick-up sa dance, ginagawa ko naman po ang best ko para makuha.

“Sobrang enjoy!

“Katulad nito, actually sakto summer ko na, so ‘yon eksakto po na wala na kaming ginagawa, mas matututukan ko na po ‘yong ginagawa ko ngayon.”

ENTERING SHOWBIZ. Hindi raw agad naisipan ni Joshua na pumasok ng showbiz, matapos niyang manalo sa Talentadong Pinoy.

Ito’y hanggang sa maalala niya ang pangarap nila ng kanyang kuya.

Kuwento niya, “Ano po kasi, gusto po talaga namin ng kuya ko [na manalo] ‘yon parang, ‘yes, natupad ko na ‘yong pangarap namin ng kuya ko,’ okay na kami, mission accomplished na.

“Ngayon parang anong next?

“So sunod na po do’n ‘yong pagsali ng showbiz, parang papasukin ko ba ‘to o hindi? So pinasok ko.

“Naisip ko po kasi, nang sumali ako ng Talentadong Pinoy, una po wala pa po sa akin na sumali.

“‘Pag nanalo ko sabi ko, ‘Okay ‘di masaya. Kapag ‘di nanalo okay lang din.’

“E, naisip ko po no’ng manalo ako no’ng battle of the champions, sabi ko, ‘sige nandito na ako, e, try ko na din.’

“‘Di kapag nawala ‘yong opportunity, okay lang, kapag mayro’n dyan, ‘di try lang din po natin, gano’n po.”

BATTLE OF THE CHAMPIONS. Samantala, ngayong Mayo 5 at 6 na magaganap ang ikatlong “Battle of the Champions” ng Talentadong Pinoy.

Ang mga kalahok sa finals ay Dancing is Fun, Astroboy, Ayegee, Monica, Mhebeline, Craig and Samantha, at Sustantivo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga finalist na ito ay madadagdagan pa ng isang wildcard finalist, na magmumula sa maglalaban-laban na 18 wildcard contestants.

Kaya naman, bilang pinakaunang itinanghal na “Ultimate Talentado,” hiningi namin ang payo niya para sa mga finalist para sa taong ito.

Bago nagbigay ng payo’y inalala ni Joshua ang naging karanasan niya noong huling linggo ng finals.

“Kasi no’ng unang nag-battle of the champions, nag-push through ako talaga, e, as in seven days ‘yong naka-a lot para sa amin.

“Sa six days na run-through, hindi ako si Yoyo Tricker, wala akong magawang trick, hindi ko magawa ‘yong sayaw, wala talaga, e.

“Paggising ko ng seventh day sabi ko, ‘hindi pwede ‘to.’ So, ginawa ko, parang pinocus ko, parang nag-mind set ako, sabi ko, ‘dapat ganito gagawin ko, dapat ako manalo.’”

At ang kanyang payo sa mga kalahok, “Sa mga nakapasok sa finals, unang-una basta ‘wag kayong magsasalita ng patapos, ‘wag ninyong unahan ng yabang.

“Kasi proven ‘yan, e, kapag inunahan mo ng yabang maraming ano, e, nauusog kahit sobrang lakas na.

“Importante lang talaga ‘wag kang kakabahan... mag-praise kay God, ‘wag mong uunahan ng yabang, ‘wag magsasalita ng tapos, at saka lagi mag-practice.

“Ito pa, last na tip ko sa inyo, dapat i-mindset ninyo na kayo ang mananalo, ang laki sobra ng maitutulong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN