AJ Muhlach “reinvents” himself as preparation for his upcoming projects

AJ Muhlach continually hones his skills by attending acting workshops and dance classes.


Balak na i-“reinvent” ng batang aktor na si AJ Muhlach ang kanyang sarili para sa mga susunod niyang proyekto.

Eksklusibo siyang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa set ng bago niyang Sunday variety show na Sunday Funday, sa Splash Island, sa Biñan Laguna.

“Balik-diet po ako,” napapangiting sinabi ni AJ.

“Kasi tumaba po ako no’ng taping, e, para kapag may next taping na, next project fresh na fresh.

“‘Tsaka nagbabawi ako ng tulog ngayon.

“Tapos nag-iisip pa ako ng bagong hairstyle, e, kung magpapahaba ba ako [ng buhok] ngayon o sobrang ikli naman.”

SUNDAY FUNDAY. Samantala, habang wala pa siyang bagong show na ginagawa ay abala siya sa bago niyang show na Sunday Funday.

Kung dati raw sa Party Pilipinas ay kasama niya ang grupong XLR8, at sa TV5 variety show na Hey! It’s Saberday ay madalas siyang nakikitang umaawit, ngayon ay mas madalas naman siyang makikitang magsayaw.

“Itong Sunday Funday ‘yong kapalit ng Hey! It’s Saberday, variety show pa rin siya pero parang dito nag-focus na ako sa dance.

“Pino-focus ko na sa dance ‘yong mga production ko kasi alam ko po na do’n ako mas mag-e-excel, at saka passion ko po siya ngayon, e.

“Bagong passion ko siya, e, parang mga last year lang ata ng December.”

ACTING WORKSHOP. Bukod sa pagpapabuti ng kanyang talento sa pagsayaw, hinahasa rin ni AJ ang kanyang talento sa pag-arte.

Katunayan, nang matapos ang kanyang primetime drama series na P.S. I Love You, ay ilang acting workshops na ang nilahukan niya.

Kuwento niya, “Kakatapos ko lang ng workshop kay Ms. Beverly Vergel, mas marami kaming natutunan do’n, ‘tsaka nag-enjoy ako sobra.

“‘Tsaka feeling ko nag-improve talaga ako sa sworkshop na ‘yon, every workshop naman nage-improve ako.

“Pero ayon nga feeling ko, sure ako na nag-improve ako sa acting skills ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ng batang aktor na may ino-offer na bagong drama series sa kanya, ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa niya pwedeng banggitin ang magiging title nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN