Jose Manalo’s camp hoping for "amicable settlement" with Anna Lyn

Jose Manalo attended the scheduled hearing for the complaint filed by wife Anna Lyn Manalo against him—alleged violation of Anti-Violence Against Women and Children Act. The two camps were advised by the fiscal to have an "amicable settlement" before Jose formally files his counter-affidavit.


Dumalo si Jose Manalo sa nakatakdang paghaharap sana nila ng kanyang asawa na si Anna Lyn Manalo kanina, Marso 27, sa San Juan City Prosecutor’s Office.

 

Ito ay kaugnay ng reklamong isinumite ni Anna Lyn noong Pebrero 27, 2012, sa diumanoy paglabag ni Jose sa R.A. (Republic Act) 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act.

 

Ayon sa affidavit na isinumite ni Anna Lyn: "As time went by, the respondent’s outbursts of foul language directed towards me were soon accompanied by extreme violence consisting of him destroying some of our house furniture and other items. There were even times that he spat on my face during his outbursts..."

 

"Unthinkably, respondent [Jose] would even call out all of his children, including his minor children, from their respective rooms just to say to them: ’Tingnan ninyo ang nanay ninyo, (expletive) ito, eh."

 

(CLICK HERE for related article)

 

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa noontime news program ng GMA News TV, ang Balitanghali, tanging ang abugado lamang ni Anna Lyn na si Atty. Michael Dauz ang dumalo sa pagdinig ng kaso.

 

Hiniling naman ng abugado ni Jose na magkaroon muna ng "amicable settlement" sa pagitan ng mag-asawa, bago magsumite ng kanyang counter-affidavit ang Eat Bulaga! mainstay.

 

Sa kabilang banda, ikinatuwa naman ni Atty. Dauz ang pagsipot ni Jose sa hearing.

 

Aniya, "We are pleased that Jose Manalo finally presented himself, and he is willing and prepared to submit his counter-affidavit.

 

"But they also requested to give them time to exhaust possibilities of amicable settlement with the complainant, and the fiscal granted it."

 

TRO AGAINST ANNA LYN. Samantala, nagkaroon na rin ng pagkakataon ang kampo ni Jose na linawin ang natanggap na Temporary Restraining Order (TRO) ni Anna Lyn.

 

Sa ilalim ng TRO na ito’y bawal lapitan ni Anna Lyn ang kanyang mister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

Sinabi ng mga abugado ni Jose na ang TRO na ito raw ay galing sa TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga!, kung saan regular na napapanood ang komedyante.

 

Ito ay dahil sa umano’y pangha-harass ni Anna Lyn sa komedyante.

 

Naging matipid naman si Jose sa pagbibigay ng pahayag tungkol dito.

 

Aniya, "Sinet lang ulit ‘yong hearing, ‘yon lang, para maayos lang.

 

"Hindi na [ako magsampa ng kaso], [’yong] mga bata, e."

 

Nakatakdang magharap sina Jose at Anna Lyn sa ikalawang linggo ng Abril.

 

Sinabi ng komedyante na dadalo siya kahit pa galing siya sa U.S. tour ng Eat Bulaga!.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN