Lexi Fernandez denies breaking up with Jake Vargas: “Hindi po naging kami.”

Young actress Lexi Fernandez contradicted her mom Maritoni Fernandez’s statement that she has broken up with her "puppy love"—who most people believe to be Jake Vargas. But the young actress says, “Hindi! Hindi kami mag-on. Hindi kami mag-boyfriend talaga."


Nilinaw ni Lexi Fernandez ang naging pahayag ng kanyang ina na si Maritoni Fernandez na break na ang young actress at ang “puppy love” nito.

Sabi pa ni Maritoni, hindi naman daw siya galit sa nakarelasyon ni Lexi pero ayaw lang daw niya sa “pandak.”

Hindi man direktang nagbanggit ng pangalan si Maritoni, marami ang naniniwala na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Jake Vargas.

(CLICK HERE to read related story.)

MOM SAID, DAUGHTER SAID. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lexi sa thanksgiving presscon na inihanda ng Kapuso network para sa Afternoon Prime block ng GMA-7 na patuloy na namamayagpag sa ratings.

Kasama si Lexi sa cast ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

Ginanap ang presscon sa Studio 6 ng GMA Network kagabi, March 27.

Sa exclusive interview PEP kay Lexi ay itinanggi niyang naging sila at nag-break sila ni Jake

Giit ng 17-year-old actress, “Hindi! Hindi kami mag-on. Hindi kami mag-boyfriend talaga.

“So, nag-usap na kami ni Mama tungkol do’n.

“Kasi si Mama, dahil nga parang hindi siya sanay na may dumadalaw sa bahay na lalake, nanliligaw, ganyan, dati, inakala niya siguro boyfriend na agad.

“Kasi ako, sobrang… ano lang ako, e, barkada ko, babae talaga. Kasi taga-Assumption ako.

"So, hindi talaga siya sanay na may gano’n. So, ‘yon ang inakala niya.

“Pero sa totoo lang, wala pong nangyaring gano’n.

“Hindi po naging kami.”

Pero nanligaw ba sa kanya si Jake?

“No, not anymore.

“But he… dumalaw siya sa bahay, dumadalaw siya dati sa bahay.”

Muli naming tinanong si Lexi kung niligawan siya ni Jake.

“Tanungin n’yo po si Jake!” natatawang sagot niya.

“Hindi ko po alam, e. Siguro si Jake na lang po sasagot no’n.”

Pero okay sila dalawa ngayon?

“Opo! Sobrang okay kami, we’re close friends…”

"AYOKO SA PANDAK." Itinanggi rin ni Lexi na si Jake ang tinutukoy ng mommy niya na “pandak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa young actress, “Hindi, wala naman pong kinalaman sa akin ‘yon, e.

“Di ba, sa statement ni Mama, hindi talaga siya mahilig sa maliit?

“‘Pag nagde-date siya, gusto niya matangkad, gano’n. Yun ang ano niya.

“Pero wala naman pong kinalaman ‘yon sa akin.”

Kasama rin sa cast ng Alice Bungisngis si Jake pero kapansin-pansin na wala siya sa presscon kagabi.

Nang tanungin namin kung bakit wala si Jake sa presscon, bahagyang natawa si Lexi sa kanyang sagot.

Aniya, “Hindi ko po alam!”

DERRICK MONASTERIO. Kung hindi naging sila ni Jake Vargas, kumusta naman sila ng ka-loveteam niyang si Derrick Monasterio?

Sabi ni Lexi, “Kami ni Derrick, ano kami, sobrang best friends na… alam mo yung parang sobrang comfortable ako sa kanya, kami sa isa’t isa.

“Sobrang anything under the sun, we can talk about. So, ayun.

“Saka it’s nice to have that kind of relationship with your loveteam because you feel like walang problema. It’s so light.

“So, importante sa amin yung to remain… to keep that there. And he shares everything with me also.”

Hindi ba posibleng mula sa pagiging magkaibigan ay mauwi sa seryosong relasyon ang samahan nila?

“I don’t know po what will happen sa future. Pero sa ngayon po, friendship lang talaga po muna.

“Ako, focus talaga muna ako sa career,” sabi ni Lexi.

YOUNG KONTRABIDA. Masaya naman si Lexi dahil sa patuloy na pamamayagpag ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis sa ratings.

Kasama niya rito sina Jake, Derrick, Janno Gibbs, at ang title-role na si Bea Binene.

Sa ngayon ay nalilinya si Lexi sa character roles o sa pagiging kontrabida na siyang forte ng kanyang ina na si Maritoni Fernandez.

Kumportable ba siya sa ganitong klaseng roles?

“Okey lang po ‘yon basta may trabaho,” sagot niya.

Pero ito ba talaga ang gusto niyang tahaking landas pagdating sa kanyang acting career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, wala naman po talaga akong peg kasi parang…

“Seventeen pa lang ako, so hindi natin talaga masasabi na ito na talaga yung gagawin ko sa business na ito, ‘eto na yung magiging roles ko.

“Ako, gusto ko masubukan yung mga iba-ibang roles… so, ayun.”

Si Bianca King ay nagsimula sa kontrabida roles pero ngayon ay nagbibida na. Gusto rin ba niyang matulad sa bida ng Broken Vow?

Sagot ni Lexi, “Opo, gusto ko rin po mag-try. Sino naman po ang hindi, di ba?

“Pero the time will come naman po ‘tsaka may tiwala naman po kami sa GMA Network.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN