JM de Guzman tackles saint role in Pedro Calungsod indie biopic; still noncommittal about rumored relationship with Jessy Mendiola

JM de Guzman says he could not just let big breaks pass. “Binigyan ako ng responsibility na dapat patunayan kong kaya ko so kahit pagod, kahit mahirap, kahit ngarag, masaya pa rin kasi masarap yung pakiramdam na pinagkakatiwalaan ka," he explains.


Kasama si JM de Guzman sa all-male singing group na BoysRBoys na regular na napapanood sa ASAP 2011.

Ang BoysRBoys ay binubuo nina JM, Bryan Termulo, Alex Santos, at Markki Stroem. Ngayo ay nakabuo na rin sila ng sariling hukbo ng mga tagahanga bilang grupo at solo performers.

Sa kabila nito, may balitang naiinis daw ang ilang kagrupo ni JM, na dahil daw sa sobrang hectic na schedule ng singer-actor ay hindi mabuo-buo ang BoysRBoys para makapag-perform sa ASAP.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM sa telepono kahapon, March 27, ay nagpaliwanag siya tungkol sa isyung ito.

Aniya, “Sana ‘wag namang mainis o magalit…

“Okay lang sanang mainis, pero ‘wag naman sanang magalit.

“Hindi pa kami nag-uusap, hindi ako aware na may ganyang issue.

“Sana hindi, sana hindi sila galit sa akin.

"Kaibigan ko sila talaga—sila Alex... ang buong grupo.

“Kung may ganitong issue, ia-address ko na sila kaagad.

“Siguro sa ngayon, hindi ko pa kaya to find time na ma-balance at alam ko na naiintindihan nila yun."

NEW ROLE. Kumpirmadong si JM na ang gaganap sa pagsasepelikula sa buhay ng second Filipino saint na si Pedro Calungsod.

Ayon kay JM, sobra ang pasasalamat niya dahil ito ang kauna-unahan niyang lead role sa isang pelikula.

“Yeah, tuloy na!

"Wala pang exact date na mag-i-start, pero ang sabi sa akin, ang target date is October.

“Another big opportunity kasi first leading role ko sa movie, so excited!

“Basta, ang dami ko pang gustong patunayan, e.

“Paghahandaan ko talaga ito nang mabuting-mabuti, ire-research ko siya.

“Nakakatawa nga kasi yung mga nagsasabi na, ‘Baka after niyan maging santo ka na!’"

Dagdag niya, “Kung may mga kailangan akong gawin, gagawin ko for the role.

“Mahirap talaga maging santo, mas mahirap na maging santo sa panahon ngayon kaysa maging masama."

BIGGEST BREAK. Nagpakita ng kakaibang husay sa pagganap si JM sa afternoon soap ng ABS-CBN na Angelito Batang Ama, na maituturing na pinakamalaking break niya sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nalalapit na ang pagtatapos ng pinagbibidahang serye ni JM sa ABS-CBN.

“Malapit nang matapos, mga two weeks na lang.

“Mixed emotions, malungkot na masaya.

“Mami-miss ko yung samahan na nabuo saka yung mga tao.

"Saka siyempre, after Mula sa Puso, ito yung napakalaking project na ibinigay sa akin.

“Mami-miss ko lang yung mga tao, saka si Angelito mismo—yung character ko dito.

"Yun ang isang masayang part kasi ibinigay nila sa akin yung trust na marami naman silang puwedeng bigyan ng trust.

“Binigyan ako ng responsibility na dapat patunayan kong kaya ko.

"So, kahit pagod, kahit mahirap, kahit ngarag, masaya pa rin kasi masarap yung pakiramdam na pinagkakatiwalaan ka.

“Marami silang dapat abangan pa sa Angelito, so sana huwag silang bibitiw sa amin hanggang sa huli.”

OTHER PROJECTS. May kasunod na ba siyang proyekto na gagawin pagkatapos ng Angelito?

“May mga balita na may kasunod na raw, pero ayoko pang maniwala hangga’t di pa nag-i-start.

“Sana nga may kasunod pa.

“I love my craft, I love acting, saka kahit pagod at ngarag, hinahanap na talaga ng katawan ko ang trabaho.”

OPEN CRUSH. Open naman sa pagsasabi na crush niya ang young actress na si Jessy Mendiola.

Ito ay sa kanila ng usap-usapang matagal nang may namamagitan sa kanila.

Kinumusta namin kay JM kung ano na ba talaga ang estado nila ngayon ng aktres.

“Ganun pa rin.

"Nandun pa rin yung friendship, busy kasi siya, busy ako, maraming gagawin.

“Yung paghanga ko, hindi naman nawawala, nandun lang lagi yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN