Vicky Morales defends fellow broadcaster Arnold Clavio on Azkals and racism issues

Vicky Morales on Arnold Clavio: “He’s very affected by the Twitter comments. I think he admitted to me, he told me, ’You know, there’s really a lesson to be learnt here for everyone. For myself included,’ sabi niya. You know, we have this think before you click. Siguro now, you can carry it to other things... Think before you speak, think before you act.”


Noong Lunes, March 26, ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang news anchor na si Vicky Morales sa GMA Network building sa Quezon City, para sa anibersaryo ng public affairs show niyang Good News.

Bukod sa Good News, na nagdiwang ng isang taong anibersaryo kasama ang GMA News TV, napag-usapan din sa naturang pocket presscon ang isyung kinaharap ni Arnold Clavio kamakailan tungkol sa Azkals.

Si Arnold ay co-anchor ni Vicky sa Saksi, ang late-night news program ng GMA-7.

Matatandaang marami ang nag-react sa pahayag ni Arnold sa mga pahayag nito laban sa Azkals, na ginawa nito bilang reaksiyon sa sexual harassment issue ng ilang miyembro ng Azkals laban kay Cristina Ramos.

Maraming nagpahayag na "racist" diumano ang pahayag ng veteran broadcaster laban sa national football team.

(CLICK HERE to read related story.)

Suportado ni Vicky ang co-anchor.

Ayon sa kanya, hindi intensiyon ni Arnold na maging racist sa kanyang ipinahayag.

“Kasi parang that never came to his mind. That was not part of his intention, yung racism issue,” sabi ni Vicky.

Dagdag pa niya, nasa nature daw ni Arnold ang pagiging “outspoken” kaya naman mabigat talaga ang mga pahayag nito.

“I mean, that’s why he’s a very successful radio commentator, di ba?

"Even... kahit kami-kami na lang nag-uusap, oh my gosh, talagang hard-hitting talaga siya.

“At the same time, yung mga na-offend naman sa mga commentary niya, they have a right to their own course of action.

“I guess the lesson to be learned na lang here is restraint for both parties...”

Pero aminado si Vicky na apektado si Arnold sa mga pangyayari.

“He’s very affected by the Twitter comments.

"I think he admitted to me, he told me, ’You know, there’s really a lesson to be learnt here for everyone. For myself included,’ sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, we have this think before you click.

"Siguro now, you can carry it to other things... Think before you speak, think before you act.”

IMPEACHMENT. Para kay Vicky, importante sa isang broadcaster na hindi makitang biased.

Kaya naman nag-iingat daw siya kapag siya ang nagiging anchor sa coverage ng GMA News TV sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona.

“Hay naku, I’m very careful with impeachment.

"Well, it’s good sometimes people tell you you’re biased towards this side, and you’re biased towards to other side.

"That’s the perfect compliment. That means you’re playing fair,” saad niya.

Para lalong maging fair ay matiyaga raw pinag-aaralan ni Vicky ang lahat ng panig sa impeachment.

“I ask naman the questions in my head. I do a lot of reading—that’s what I really do these days.

"Lahat ng mga commentary, lahat ng mga diyaryo, lahat nasa harap ko na.

"Because I want to know as much as possible, as I can, all the kuro-kuro ng lahat ng editors.

"Para at least, I can form my own opinion, and help others form theirs.”

GOOD NEWS. Isa pa sa mga pinagkakaabalahan ni Vicky bukod sa impeachment trial ay ang programa niyang Good News sa GMA News TV.

Ngayong naka-isang taon na ang Good News, inamin ni Vicky na hindi siya kumbinsidong tatagal ang programa noong nagsimula ito.

“When we started out, sabihin ko na yung totoo, na parang I was iffy about Good News.

"I was questioning the producers na, ’Magki-click kaya yung para good news, wala ka-bad news, bad news?’

"Kasi ang alam naman natin, even sa pagkain, gusto natin may maalat, may bitter, yung may sweet.

"E, parang ’eto, hindi kaya mauumay ang tao na lahat panghimagas siya, walang sense of alat, ganyan?” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pumayag siyang subukan ang programa ng ilang season.

Noong una raw ay hindi ito nagre-rate. Pero matapos ang ilang reformat ay nakuha na nila ang kiliti ng manonood at nagta-top na sila sa ratings.

“Medyo nag-tweak tweak lang kami ng kaunti, changes here and there.

"Made it more masa, made it more women-oriented, mas naglabas kami ng tipid tactics na stories.

"And apparently, yun ang kinagat ng tao.

"Now, medyo Top 5 na tayo. Sometimes top sa buong GMA News TV,” nakangiting pahayag ni Vicky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN