Julie Anne San Jose reveals screen partner Elmo Magalona has a girlfriend

Julie Anne San Jose chooses not to have a grand party for her 18th birthday on May 17. "Gusto ko simple lang talaga..." she says.


Isang nakangiting Julie Anne San Jose ang dumalo sa press conference kanina, March 28, kung saan inilunsad ang kanyang collaboration project para sa clothing brand na Team Manila Lifestyle.

Mga konsepto ng dalaga ang designs na ginamit sa shirt line na MY JAPS— na initials ng kanyang buong pangalan na Julie Anne Penaflorida San Jose, at siya ring account name niya sa Twitter..

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Hard Rock Cafe, Makati, ang sabi ni Julie Anne, "Yung Team Manila, they asked me to help them with their designs.

"Yung mga na-conceptualize ko sa isip ko, kumbaga, we’re selling the shirts na galing sa akin.

"It’s also a gift sa mga fans na rin. I want to give something back."

Umabot na raw sa limang designs ang galing sa kanya at plano pa niyang gumawa ng mas marami.

Masaya rin niyang ibinalita na bahagi ng kikitain mula sa mga mabebentang t-shirts ay mapupunta sa napili niyang beneficiary, ang mga batang may sakit na cancer sa Philippine Children’s Medical Center.

Dugtong niya, "Kaya po yun ang napili ko kasi it was my Tito’s birthday a couple of weeks ago.

"’Tapos he held his birthday party there with the kids and I got the chance to perform for them.

"This is actually my fourth, and I’m very glad to say that this is my fourth charity work.

"And of course, I could have not done it without the help of my supporters at saka ng GMA Artist Center."


BIRTHDAY CONCERT. Ayon pa kay Julie Anne, magagamit niya raw ang mga t-shirts sa kanyang gagawing birthday concert sa Mayo na gaganapin din sa Hard Rock Cafe. Magdiriwang siya ng kanyang ika-18 kaarawan sa Mayo 17.

"Kasi I’ll be having a birthday concert, so I’m planning to give more designs and to give out ideas [na] parang may connection dun sa birthday concert ko. Yun ang parang magiging giveaways ko sa fans."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May participation ba ang ka-loveteam niyang si Elmo Magalona sa concert na ito?

"Actually, we’re still working on it po. Pinag-uusapan pa namin."

NO DEBUT PARTY? Bukod sa kanyang birthday concert, hindi ba siya magkakaroon big party para sa 18th birthday niya?

"Ano lang po... kasi wala pa naman akong masyadong pinaghahandaan kasi malayo pa yun, e... Sa May pa yun, e. Siguro, simpleng celebration lang."

Bakit simple lang ang magiging debut celebration niya?

"Kasi nowadays, parang wala nang masyadong naggaganun like yung cotillion, nagga-gown, ganun. Pero it’s up to them naman kung gagawin talaga nila yun.

"Pero ako kasi, gusto ko simple lang talaga, just to celebrate my 18th birthday."

Posible bang si Elmo ang maging escort niya sa birthday niya?

"Kasi po the fans, they keep on asking me na, ’Puwede ba si Elmo ang escort mo?’ ganyan, ganyan...

"Kung gusto naman nila na si Elmo ang maging escort ko, makakatanggi pa ba ako? And kung papayag din naman si Elmo."

May gusto ba siyang matanggap na regalo galing kay Elmo?

"Okay lang po. It’s up to him naman po kung magbibigay po siya ng birthday gift. Pero actually, pag binibigyan po ako ng gift, nahihiya po ako, e."

Ano na ba ang naibigay na regalo sa kanya ni Elmo?

"Wala po," natatawang sabi ng GMA Artist talent.

So, hindi na siya nag-e-expect ng regalo galing kay Elmo?

"Hindi naman po talaga ako nag-e-expect ng kahit anong gift. Basta just to celebrate my birthday and to make it more special."

Ano na lang ang birthday wish niya?

"Siyempre po good health and maging successful po ako sa lahat ng gagawin ko. Maging successful ang takbo ng career."


FIRST KISSING SCENE. Speaking of her career, ongoing na ang shooting para sa pelikula ni Elmo, ang Just One Summer, under GMA Films at sa direksiyon ni Mac Alejandre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kuwento ng singer, "Medyo mangangalahati na po. Marami pa rin po kaming kailangang i-shoot. Basta maganda po and abangan n’yo po.

"Wala pa rin pong playdate pero baka sa May po, bago mag-start ang classes sa June."

Balitang may kissing scene daw sila ni Elmo sa movie. Nakunan na ba ito?

"Ah, nagawa na po namin yung scene na yun. Siyempre, pinagbutihan naman namin ni Elmo para mapaganda yung scene, of course with the help of our acting coaches at siyempre, si direk Mac nandun din siya."

Ano ang naramdaman niya nung gawin nila ang eksenang ito?

"Parang kinabahan din po kasi, first time po namin na gagawin yung scene na yun."

Paano nila pinaghandaan ito?

"Siyempre, nagmo-motivate po kami para magkaroon kami ng connection."

Ano pa ang mga dapat abangan sa kanilang movie?

"Of course, marami pong aabangan kasi marami pong lessons na matututunan.

"It’s not just about us, between the two of us, pero siyempre po yung bawat pinagdadaanan namin."

POSSESSIVE FANS. Totoo bang very possessive ang fans nila ni Elmo na ayaw silang payagan na makipag-partner sa iba?

"Meron din pong mga ganun. Parang siyempre, hindi naman po namin maiiwasan na ganun kasi iba-iba nga po ang opinyon ng mga tao, di ba?"

Paano nila kinakausap ang mga fans tungkol dito?

"Kasi nga po love team kami, of course I want to thank them for their support. Pero siyempre po, meron po naman kaming individual careers. Kinakausap naman po namin sila."


ELMO HAS A GIRLFRIEND? Maraming fans nila ni Elmo ang nag-e-expect na sila ang magkakatuluyan. Hindi pa ba siya nagsasawa sa tanong kung sila na ba?

"Yun nga po ang madalas na tanong sa amin. Pero wala po, e, friends lang po talaga kami."

Never bang nanligaw o nagpalipad-hangin si Elmo sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko po sa kanya."

Pero hindi naman itinatanggi ni Julie Anne na humanga rin siya sa ka-loveteam.

"Siyempre po noong una kaming magtambal, hindi po mawawala yung admiration na siyempre he’s the son of the Master Rapper [the late Francis Magalona]. E, idol ko po yung tatay niya. Parang nakikita ko siya kay Elmo."

Isang writer ang biglang nagtanong kung type ba ni Julie Anne si Elmo?

Ang mabilis na sagot ni Julie Anne, "May girlfriend po yun."

So, kaya hindi sila pwedeng magkatuluyan dahil may girlfriend si Elmo?

"Hindi naman po kasi... hindi ko po alam," tila bawi niya. "Siguro depende po yun sa kanya.

"E, kasi naman, ako po kasi, ang goal ko po kasi talaga is straightforward sa work. Focused talaga ako."

Na-meet na ba niya ang girlfriend ni Elmo?

"Oo naman po."

Showbiz o non-showbiz ba ito?

"Showbiz."

Si Lauren Young ba ang girlfriend ni Elmo ngayon?

"Ayoko na hong magsalita," natatawang pag-iwas na ni Julie Anne. "Alam naman na po ng mga fans yun, e.

"Kasi, kahit hindi naman po sabihin, alam nila. Kasi yung tweet nito, yung tweet nitong isa, napagko-connect nila. Kahit hindi tina-tag, alam nila yung story."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN