Jiro Manio graduates from high school; leaves rehabilitation center

Former child actor Jiro Manio has graduated from RESPCI (Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries) in Pasig City today, March 29. Right photo shows him with his dad Andrew Manio during his graduation.


Ginaganap ngayon sa RESPCI (Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries) sa Pasig City ang high school graduation ng dating child star na si Jiro Manio.

Nabigyan ng special award si Jiro bilang Most Inspiring Student.

Pumasok sa drug rehabilitation center na Home Care si Jiro noong nakaraang taon dahil sa pagkalulong nito sa droga.

Inamin ni Jiro na naging unprofessional siya at binalewala niya ang kanyang showbiz career dahil sa kanyang bisyo.

Ang huling TV series na nilabasan ni Jiro ay ang GMA-7 afternoon soap na Little Star. Pero tinanggal siya sa cast dahil hindi na siya nagre-report sa taping.

Kasabay ng graduation na ito ni Jiro ay ang kanyang paglabas mula sa Home Care para makauwi na siya sa kanyang pamilya.

Miss na miss na raw ni Jiro ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak na three years old na ngayon.

Nangako si Jiro na ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa college.

Gusto raw niyang kumuha ng Culinary Arts o kaya ay maging isang piloto.

Gusto raw niyang makatapos ng pag-aaral para ipagmalaki siya ng kanyang anak paglaki nito.

Gusto rin ni Jiro na makabalik sa pag-arte dahil nami-miss na raw niya ito.

Sana raw ay tanggapin siya ulit at nangako siyang hindi na siya babalik sa masamang bisyo.

Isa si Jiro sa hinahangaang child actors noon dahil sa pagkapanalo niya ng ilang Best Actor awards para sa pelikulang Magnifico (2004).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN