Roxanne Guinoo returns to showbiz after giving birth and getting married; appears as kontrabida in TV5 soap

While Roxanne Guinoo finds her new role as kontrabida in Valiente very challenging, rearing and watching her baby girl Reine grow up make her more excited. Despite her busy shedules, Roxanne still finds time to go and take up Culinary Arts. Her objective? “Gusto ko rin na sinosopresa ko ang aking husband."


First time gaganap na kontrabida sa isang teleserye ang nagbabalik-showbiz na si Roxanne Guinoo.

Papasok siya bilang si Elaine sa priemtime series ng TV5 na Valiente.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne sa Via Mare along Tomas Morato, Quezon City, last March 27, sinabi niyang ang kontrabida role ay bago para sa kanya at sana raw ay magustuhan ito ng mga televiewers.

“Never pa kasi akong gumanap na kontrabida.

“Before kasi, parating inaapi ako, kinakawawa, at ako yung may kontrabida.

“Ngayon, baliktad na!

“Noong ibigay sa akin ang role na Elaine, siyempre pinag-aralan ko muna.

“Gusto ko kasing mabigyan ko ng sarili kong interpretation yung role.

“So far, sa mga naging tapings ko, wala naman akong naging problema.

“Nangapa lang ako kasi matagal akong hindi nakagawa ng TV series.

“Noong 2009 pa yung huli kong series na Florinda.

“Kaya medyo nag-adjust pa ako ulit.

“Tama nga yung sinasabi nila na para kang kinakalawang sa pag-arte lalo na kapag matagal kang hindi humarap sa kamera.

“At siyempre, hindi ka na rin sanay na mapuyat.

“Noon, okey lang na abutin ako ng umaga sa taping kasi dalaga pa ako noon.

“Ngayon at may anak na ako, gusto ko rin na maaga akong matapos para makauwi ako agad.”

DIREK JOEL AND CAST. First time ding makatrabaho ni Roxanne si Direk Joel Lamangan. Kaya noong unang taping day niya ay kinabahan siya dahil sa mga nababalitaan niyang style ng pagdidirek nito.

“Kinabahan talaga ako… kasi si Direk Joel ’yan!

“Nirerespeto at kailangan makikinig ka sa mga instructions niya sa iyo on the set.

“Natuwa naman ako na okey ang pakikipagtrabaho ko with him.

“Sinasabi lang niya ang mga gusto niya sa role ko at dapat ganito ang ilabas ko.

“Naibibigay ko naman at hindi pa naman ako nasisigawan!” sabay tawa niya.

First time ni Roxanne na makakatrabaho ang halos lahat sa cast ng Valiente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami ni Oyo [Sotto], first time talaga.

“Though magkakilala na kami ng wife niyang si Tin-Tin [Kristine Hermosa] noon pa.

“Ngayon nga, kapag breaktime namin, ang pinag-uusapan namin ni Oyo ay ang mga anak namin.

“Pareho kasing girl ang babies namin kaya nag-e-exchange kami ng stories ng pagiging magulang. Ipinapakita namin ang pictures ng mga babies namin sa isa’t isa.

“Usap-magulang kami parati.

“Si JC [de Vera] naman, nakatrabaho ko na siya before sa isang episode ng Shake Rattle & Roll. Yung pareho kaming nurse sa isang ospital na sinugod ng mga aswang.

“Okey naman si JC at natuwa naman ako na makakatrabaho ko siya ulit sa Valiente.

“At siyempre, I always look forward na makatrabaho sila Ms. Jaclyn Jose, Michael de Mesa, John Regala, Mark Gil, at yung iba pang nasa cast ng Valiente.

COOKING LESSONS. Bukod sa pagbabalik ni Roxanne sa television, sabay rin ang kanyang balik sa pag-aaral.

Kumuha raw siya ng short Culinary Arts course sa Enderun Colleges sa McKinley Hills, The Fort.

Aniya, “Hindi ko kaya ang full-time sa school kasi nga may trabaho ’tapos gusto ko rin na mas marami rin akong time sa bahay.

“I took up a short course lang in Culinary Arts para lang may matutunan ako na bago sa pagluluto.

“Gusto ko rin na sinosopresa ko ang aking husband [Elton Yap].

“Plano ko rin na kumuha ng baking course, pero kapag marami-rami na akong oras.

“Ngayon kasi, medyo hectic at malayo pa ang location ng Valiente.

“Pagod na rin ako sa biyahe pa lang.

“Makuha ko lang ang diploma ko sa Culinary Arts course, happy na ako!

"At least, kahit papa’no, natupad ang isang goal ko na makakuha ng diploma kahit na may pamilya na ako.”

BABY GIRL. Inamin ni Roxanne na sobra niyang nami-miss ang kanyang baby girl na si Reine, who is already one year and five months old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So far, ang mga important moments ay nandoon naman ako.

“Una, sinabi niya ay ‘Mommy.’

“May mga sinasabi na rin siyang iba-iba na hindi ko masyado maintindihan.

“Natutuwa lang ako sa baby ko. ’Tapos, naglalakad na rin siya.

“Natututunan na nga rin niyang tumakbo, pero inaalalayan ko pa.

“Hilig din ni Reine ang manood ng mga TV commercials.

“May ginagaya na rin siya sa mga nakikita niya.

“Yung mga gano’n mga bagay ang gusto ko na nandun ako when it happens. Kasi hindi mo na mauulit iyon, e.

“Kaya kapag nasa taping ako, lagi kong tsine-check sa yaya niya kung kumusta na sila, ano ba ang mga ginagawa ni Reine...’

“Iba pala kapag nalalayo ka sa baby mo.

"Kaya nga dala-dala ko ang isang unan niya. Inaamoy-amoy ko para hindi ako masyadong nalulungkot na magkalayo kami.

“Kaya natutuwa ako kapag maaga akong matapos sa taping. Maaga rin ako makakauwi at maaabutan ko pang gising si Reine.

“Kapag wala naman akong taping or wala akong klase, pinapahinga ko ang yaya ni Reine at ako ang nag-aasikaso sa kanya.

“Gusto ko na hands-on pa rin ako kahit na may yaya," saad ni Roxanne.

CHILD DISCIPLINE. Isang bagay raw na hindi gagawin ni Roxanne ay ang i-spoil ang kanyang anak.

“Kung ano kasi ang kinalakhan ko, gusto kong ituro iyon kay Reine.

“Walang na-spoil sa aming magkakapatid.

“Lahat kami, marunong magtrabaho sa bahay, magalang kami sa mga nakakatanda sa amin, at pinahahalagahan namin ang mga ibinibigay sa amin.

“Kapag may nagawang mali si Reine, hindi ko naman siya pinapalo. Binibilangan ko siya.

"Sinasabi ko na bad yung ginagawa niya at magagalit kami ng daddy niya kapag hindi siya mag-behave.

“’Tapos pagdating sa mga toys niya, sinasabi ko sa kanya na alagaan niya ang mga toys. Huwag lang niyang itapon kung saan-saan.

“Kapag kami lang naman, hindi ko siya sinasanay na magturo ng mga toys na gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mga lolo at lola lang niya ang mapagbigay sa ganyan.

“Okey lang naman kasi unang apo nila kaya may tendency na ibigay nila ang mga gusto ng bata.

“Basta I tell Reine na take care of her toys kasi bigay ‘yan ng mga grandparents niya.

“In a sense, strict akong mother talaga at alam na ng anak ko iyon.

“Si Elton kasi, malambing masyado.

“Kaya si Reine, kapag nandiyan ang daddy niya, doon siya nakadikit parati.

“Pero kapag kaming dalawa lang, malambing kasi si Reine, e.

“Nagmana sa daddy niya. Daddy’s girl talaga siya.”

FAMILY PLANNING. Plano nina Roxanne at Elton na sundan si Reine kapag five years old na ito.

“By that time kasi, hindi na masyadong alagain si Reine.

“Nag-i-school na siya at siguro maghahanap na ng kapatid ‘yan.

“Ngayon kasi, ini-enjoy pa namin siya na mag-isa.

“Marami kaming gustong gawin habang nag-iisa pa lang siya. We like to travel with our baby girl.

“Tsaka mahirap ang magbuntis! Lalo na ngayon at nagsisimula ulit ako sa career ko.

“Tsaka kaka-lose ko lang ng maraming timbang, ayoko pa munang tumaba ulit!

“Pabayaan muna nilang ma-enjoy ko ang kapayatan ko ngayon.

“In five years, kapag ready na ulit akong magbuntis, okey lang na tumaba ulit ako,” sabi ni Roxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN