Jaya optimistic that OPM2Go will be patronized by the youth

Jaya on Holy Week ritual: “Ang pinaka-panata ko na I think sa sarili ko, is to be good every day. Just do good to others every day—just the best you can do. Makasalanan tayong lahat, hindi natin kayang maging perfect in one week lang. We have to try and try to be a good person every day—that’s my panata.”


“Ito downloading, you can store it in your computer.

“You can easily, readily enjoy music with the help of your fingertips, so gano’n siya ka-bagets, gano’n siya ka-useful lalo na ngayon,” sabi ni Jaya nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sa tingin ba niya’y tatangkilikin ng kabataang Pinoy ang OPM2Go.

Ang OPM2Go ay isang proyekto ni Ogie Alcasid at iba pang Pinoy artists na naglalayong mai-promote ang original Filipino music sa pamamagitan ng pagda-download ng mga kanta sa Internet. Ito ang local version ng iTunes sa Amerika.

Isa si Jaya sa dumalo ng launching ng OPM2Go sa Eastwood Citywalk noong March 28.

Sabi ng Queen of Soul, “Kasi I think, dati ang ang problema was the price.

“Now, you can buy patingi-tingi Filipino culture, e—the sachet culture, patingi-tingi.

“You can buy one, you can buy a whole album.

“A whole album will cost 90 pesos, I think.

“So, compare mo ‘yon sa 300 pesos na may CD [na] minsan nanakawin pa, e.”

Ano ang kasiguraduhan na tatangkilikin ng mga Pilipino ang OPM2Go

“Right now, I think ahm… besides the... ako lang ’no, besides what we’re trying to do with the OPM thing na, you know, it’s something na ‘yan nakaka-download ka na…

“Nakakapag-enjoy listening with the OPMs—it’s more of we also need to create new OPM music again.

“You know what I mean? Dapat meron ulit bagong tunog na pagkakaguluhan, pagkakaaabalahan, but OPM.

“So I think that also needs to be done aside from this.”

HOLY WEEK. Dahil malapit na nga ang Holy Week, tinanong na rin ng PEP si Jaya kung ano ang plano niyang gawin sa mahabang bakasyon na ito.

“Wala naman.

“Wala namang work, so I’m just gonna spend time with my kids, sa bahay lang siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If we decide to go somewhere, wala lang ‘yon, bigla-biglaan,” sabi niya.

Meron ba silang mga panata kapag ganitong Semana Santa?

“Wala naman,” mabilis niyang tugon.

“Ang pinaka-panata ko na I think sa sarili ko, is to be good every day.

“Just do good to others every day—just the best you can do.

“Makasalanan tayong lahat, hindi natin kayang maging perfect in one week lang.

“We have to try and try to be a good person every day—that’s my panata.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN