PEP EXCLUSIVE: Jaya says, “No to piracy”

Jaya explains: “Ang problema d’yan [piracy] is the songwriters, yung mga talagang nagtuon ng pawis, buhay, oras, para lumikha ng isang kanta. Tapos nanakawin mo lang, ‘yon masakit para sa kanila ‘yon.”


Nagkaroon ng pagkakataong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Philippine Queen of Soul na si Jaya sa isang recent OPM launching kung saan ipinakita nito ang kanyang suporta sa Original Pinoy Music.

Alam natin na talamak ngayon ang piracy, maski ‘yong mga illegal downloading ng music.

Anong pakiramdam ni Jaya kapag ‘yong music nila ay nakita niyang pina-pirate o parang dina-download sa maling paraan?

Unang nasambit ni Jaya, “Ang problema d’yan [piracy] is the songwriters, yung mga talagang nagtuon ng pawis, buhay, oras, para lumikha ng isang kanta.

“‘Tapos nanakawin mo lang, ‘yon masakit para sa kanila ‘yon.

“Pero yung mga singers lang yung kumakanta lang no’n—parang hindi rin tama, pero wala kaming magagawa, hindi naman kami lumikha, e.

“Pero, siyempre, ‘No to piracy’ pa rin.”

Dagdag niya, “So for the songwriters this is one way of really preserving yung kung ano yung nilikha nila mababayaran sila ng tama.

“So, kung iiwasan nating huwag mag-download, I mean isipin niyo kung anak ninyo gusto maging songwriter, papaano na lang siya kikita kung lahat nanakawin yung nilikha niya?

“So, ‘tapos may a way of awakening, e, kailangan talaga.”

SUMMER. Naikuwento na rin ng Queen of Soul ang balak nito sa mainit na tag-araw.

Una’y nagbiro muna ito, “Well, magtago ’no! Ayokong maarawan!

“Hindi na nga ako makita, magpapa-araw pa ako?!

“Masusunog lang mukha ko!”

Sabay bawi, “Hindi, joke lang!

“Ahm… di ko pa alam kasi nagtatrabaho, e.

“So I work… marami namang blessings na dumarating.

“I think I’m just gonna be working during the summer.”

FROM BORACAY TO IRELAND. Nang tanungin naman tungkol sa kanyang dream summer destination, na-excite naman ito sa kanyang pagsagot kung saan.

Aniya, “Oh my gosh! Oh my gosh!

“Okay, there’s Ireland. There’s... nakalimutan ko lang yung pangalan ng probinsya na ‘yon, pero yung isa Camiguin—hindi pa ako nakakapunta do’n. Siguro, Boracay, cos my husband has never been there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve been there many times. Ayon, dadalhin ko sila sa Boracay.”

Pagpapatuloy niya tungkol sa kanyang dream place, “That’s my dream place Ireland, Sweden, Denmark—wala lang, maganda ang tulips do’n, no!

“Mura at hindi namamatay,” sabay tawa ng singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN