Regine Angeles on torrid kissing scene with John Lloyd Cruz: “Aarte pa ba ako? E, John Lloyd na yun, di ba? Hindi ko na kailangang umarte!"

Regine Angeles was noticed in Unofficially Yours for her torrid kissing and daring love scenes with John Lloyd Cruz. Some eyebrows raised as she is known to be a member of the Iglesia ni Cristo sect, but she defends: “Daring puwede, yung mga torrid kissing scenes, mga suggestive scenes lang, pero yung maghubad, hindi ko talaga kaya. Baka itiwalag na ako ng relihiyon ko!"


Unti-unting nagiging daring at nagpapa-sexy sa kanyang mga roles si Regine Angeles, bagay na ipinagtataka ng mga nakakaalam ng pagiging isa niyang kapatid sa Iglesia ni Cristo.

Sa Unofficially Yours, ang blockbuster movie nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin, ay nakita ang pagiging aggressive ng character ni Regine.

Nakipag-torrid kiss si Regine kay John Lloyd, bagay na hindi pa niya nagagawa sa mga nagdaan niyang pelikula.

“Ang saya-saya nun!” bulalas niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya sa launching ng ini-endorse niyang Glutamax slimming soap.

Paano siya napapayag na gawin yung ganoong ka-daring na eksena at gampanan ang ganoong katapang na role?

“Aarte pa ba ako? E, John Lloyd na yun, di ba? Hindi ko na kailangang umarte!

“Sabi ko nga sa nanay ko, ‘Mommy, may scene ako, medyo daring pero tatanggi pa ba ako, e, John Lloyd na ito?’

“Isa ito sa mga pangarap ko e, di ba? Tawa lang siya ng tawa," kuwento ng dating Be Bench winner.

TRABAHO LANG. Hindi na ipinagpaalam ni Regine ang ginawa niya sa Unofficially Yours dahil wala naman daw bearing yun para mag-react ang kanyang mga ministro sa INC.

“Role lang naman yun, trabaho lang. Hindi naman ako sinisita o pinakikialaman.

“Kasi role naman yun and it doesn’t necessarily mean na ganun ako sa totoong buhay," sabi niya.

Hindi raw nag-aalala si Regine na baka isang araw ay ipatawag siya ng mga kataas-taasan ng INC para pagsabihan.

“Alam ko rin naman yung limitations ako. Ayoko rin namang mapahiya ako.

“Kasi alam naman ng mga tao na Iglesia ako na, ‘Ano ba ’yan? Si Regine, Iglesia, kung anu-ano ang pinaggagawa!

“Ang hindi lang puwede talaga yung liquor endorsement kasi choice ko rin naman na hindi tumanggap. Kasi ayoko ring matiwalag.

"Kaya ko rin naman kitain yun nang hindi bagsakan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan ko nga lang paghirapan kasi sabihin na nating two million pesos is two million pesos, di ba?”

RELIGION FIRST. Ang ibinunyag niya ay tungkol sa isang liquor deal worth P2 million na tinanggihan niya dahil pinagbawalan daw siya ng INC.

Ayon kay Regine, “Pero hindi ko ipagpapalit yung religion ko…

"Sabi nga ni Shamcey Supsup, di ba? Hindi raw niya ipagpapalit ang beliefs niya with anything kahit sa dyowa… ganun din ako!”


MORE PROJECTS. Masaya si Regine sa kanyang career ngayon kahit hindi siya matatawag na superstar o big star.

Aniya, “There are times na tunganga ako ng isang linggo.

“’Tapos meron namang isang linggo na wala akong pahinga, ganun.

“I mean, the typical artist na hindi sikat, pero nakaka-survive naman.

“Right now, I’m doing a movie again with Star Cinema.

“From John Lloyd, naging Ketchup Eusebio ang kalaplapan ko!" tawa niya.

“Sabi ko nga kay Ketchup, ‘Ketchup! Paurong ako, a! From John Lloyd, ikaw naman ngayon!’

“Tumatawa lang siya. Kaibigan ko naman yun kaya hindi na-offend sa sinabi ko."

Ayon pa kay Regine, “Wala pa siyang final title pero tentative yata is Every Breath You Take.

“It’s the one with Piolo Pascual and Angelica Panganiban.

“Husband ko rito si Ryan Eigenmann. Pero eventually, kay Ketchup ako napunta.”

NO CHOICE. Isa ba si Regine sa mga artistang tanggap lang nang tanggap ng projects kahit daring ang roles para lang maka-survive at maging visible sa showbiz?

“Hindi naman… para lang magkatrabaho!” paglilinaw niya.

“Unang-una, hindi ko naman alam na may gano’n [torrid kissing] yung eksena.

“It’s just that, wala na rin akong pakialam.

“Dati kasi mahiyain ako, e. Iniisip ko pa kung ano ang sasabihin ng magulang ko, kung ano ang sasabihin nila.

“E, ‘pag napanood ka ng mga manonood, sasabihin nila ‘Ay! Wala ito, hindi niya ibinigay yung lahat niya!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala ngang nasabi yung mga magulang ko, pero yung mga nakapanood naman sa akin, yun ang comment.

“Parang normal lang naman yun sa ano, e…

“Di ba nga, sa Hollywood, naghuhubad sila, wala lang sa kanila?

"Siyempre, sa atin, medyo conservative pa rin tayo.”

NUDE SCENES. Ang maghubad ay hindi raw talaga kayang gawin ni Regine sa anumang acting projects niya.

“Daring puwede, yung mga torrid kissing scenes, mga suggestive scenes lang, pero yung maghubad, hindi ko talaga kaya.

“Baka itiwalag na ako ng relihiyon ko!

"Kaya bilib ako sa mga taong willing to do everything for the sake of art.”

Ano sa paningin ni Regine ang kalagayan ngayon ng career niya bilang artista?

“I think I feel like it’s getting better because, before, I only had Bench. Yun lang ang ini-endorse ko.

“Ngayon, I have Glutamax, Her Bench, Hershey’s Kisses which airs in four different countries in Asia.

“So, ngayon, mas masasabi kong may nakikita ako.

“Unlike before na… ‘di ba? Sabi ko, before, wala akong sariling network.

“Ngayon din naman, wala pa rin, pero at least, I get work from ABS-CBN 2, nag-Maria La Del Barrio ako.

"And at the same time, nagti-TV5 din ako.

“Okey naman na ganito yung set-up ng career ko, okey lang na wala akong pirmihang network.

“Kaya nga lang, walang gustong umangkin sa akin, para lang akong kabit ng tatlong network!" tawa niya.

KONTRABIDA ROLES. Kung si Regine ang papipiliin, saang genre niya gusto maging eksperto?

“Nasubukan ko nang mag-comedy, nasubukan ko nang mag-action.

"Pero ang pinaka-favorite ko talaga na nagawa ay maging kontrabida.

“Doon talaga ako petiks na petiks.

"Hindi ko alam kung bakit… hindi naman talaga ako salbahe in real life, pero petiks na petiks siya sa akin.

“’Yan yung Tayong Dalawa with Coco Martin—sobrang salbahe ako doon!”

COMPARISON. Namumula sa hiya si Regine kapag natutukso siya ng press na kahilera na niya si Gretchen Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna kasing endorser ng Glutamax si Greta. Ipinapalagay ng mga press na maganda rin at sosyal ang beauty niya gaya ni Gretchen.

“Hindi naman… nahiya naman ako!

“Gretchen Barretto is Grecten Barretto… parang additional to the Glutamax family.

“Pero I’m very flattered na kinuha ako as their endorser. Kasi, di ba?

“Gretchen Barretto is super-ganda, super-kinis, dyosa naman talaga sa kagandahan.

’“Tapos, biglang ako naisip nilang kunin ko for another brand nila.

“Kaya nagpapasalamat talaga ako. Ito yung sinasabi kong getting better yung career ko.”

Nag-meet na ba sila ni Gretchen?

“I always see her before.

"Nakikita ko lang siya ’tapos mapapanganga lang ako dahil sa sobrang ganda niya.

“Pero hindi ko pa talaga siya nakikita.

"My first commercial, acting extra ako at hindi pa ako lead dun. Doon ko siya unang nakita at ngitian niya ako.

“Akala ko nga suplada siya, e. Pero ngumiti siya sa akin.

“’Pag nagkita kami, sasabihin ko sa kanya...

"Ang dyosa… ang dyosa ng kagandahan, kakinisan… lahat-lahat na!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN