Angel Locsin says rumored boyfriend Phil Younghusband has seen her hot scenes in Unofficially Yours

Angel Locsin told rumored boyfriend Phil Younghusband not to watch Unofficially Yours because of her love scene with leading man John Lloyd Cruz. But it turned out, Phil watched the movie anyway. “Oo. Nanood siya, pero hindi kami magkasama. Napanood niya, twice.”


Naganap ang launching ng DVD ng Unofficially Yours kaninang hapon, March 30, sa SM The Block, kung saan dumalo ang lead female star ng pelikula na si Angel Locsin.

Naroon ang aktres para sa autograph signing at picture-taking sa mga mauunang bumili ng DVD copy ng kanyang pelikula, kung saan katambal niya si John Lloyd Cruz.

Maingay man at magulo ang atmosphere, naibalita pa rin ni Angel na malapit na silang magsimula ng bago niyang pelikula kasama si Bea Alonzo at iba pang Kapamilya stars.

“Magugulat kayo kung sino pa ang kasama,” sabi ng aktres na magiliw na hinarap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang showbiz reporters ng ABS-CBN.

Masaya ring ibinalita ni Angel na napanood na ng napapabalitang kasintahan niya na si Phil Younghusband ang Unofficially Yours.

Matatandaang naging usap-usapan na baka hindi magustuhan ni Phil ang mga maiinit na eksena nina Angel at John Lloyd.

“You’re not allowed,” sabi pa nga raw ni Angel kay Phil noon.

Pero dalawang beses na pala napanood ng Azkals player ang pelikula.

“Oo. Nanood siya, pero hindi kami magkasama. Napanood niya, twice.

“Maganda daw, sabi niya.

“Sabi nga niya, tingin niya, mas better daw yung performance ko sa Unofficially Yours.

“Siyempre, sumisipsip. Sabi niya maganda daw!” natatawang kuwento ng PMPC Star Awards for Movies Best Actress.

Dagdag pa ng aktres, mas nagulat pa raw si Phil noon sa mga ikinuwento niyang gagawin nila ni John Lloyd sa Unofficially Yours.

Ine-expect daw tuloy ni Phil na mas grabe ang mapapanood nito sa pelikula.

“Siyempre mas tinodo ko na yung kuwento ko [noon]!” natatawang sabi uli ni Angel.

Sa isang interview ni Angel kamakailan, sinabi nitong wala pa talaga silang balak ni Phil na lumagay sa tahimik dahil aniya nga, “Masyado pa po siyang young para maging husband.”

“Dyinowk [joke] ko lang kasi yun,” ani Angel na pinatutungkulan ang apelyido ni Phil na kumbinasyon nga ng mga binanggit niya sa interview na “young” at “husband.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang nagsasalita pa si Angel, panay naman ang tapik at sita ng isa sa mga tauhan ng nagpapunta sa press sa mga nag-i-interview.

Pinapatigil na nito ang interview mismo dahil marami na raw ang nakapilang gustong magpapirma ng DVD kay Angel.

Ginagawa ang pagpapatigil at pagsita, kahit na nagsasalita pa si Angel.

“Pero pareho pa kaming bata pa and marami pang priorities.

“Hindi pa. Malayo pa sa utak namin. Sobrang layo pa!” naudlot na lang na sagot ni Angel sa press na pinahinto nang interbyuhin ang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN