Singer Cathy Go is a huge fan of John Lloyd Cruz: “Si John Lloyd po ang crush na crush ko. Akin siya.”

Because of her looks and choice of songs, Cathy Go has been compared to Yeng Constantino. “Gusto ko ang mga kanta niya at saka magaling siyang sumulat. Idol ko rin po siya. Nirerespeto ko po siya. Given the chance, gusto ko rin po siyang makasama sa isang collaboration," says Cathy.


Aminado ang baguhang singer na si Cathy Go na malaki ang paghanga niya sa Box-Office King na si John Lloyd Cruz.

Kinikilig pa nga ito nang sabihing si Lloydie (palayaw ni John Lloyd) ang kanyang showbiz crush dahil bukod daw sa gwapo ay magaling pang umarte. Lahat nga raw ng mga pelikula ng aktor ay pinapanood niya.

“Si John Lloyd po ang crush na crush ko. Akin siya,” biro ni Cathy.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer bago ang kanyang gig sa Chic-Boy restobar sa Timog Avenue, Quezon City. Regular na nagpe-perform si Cathy sa Chic-Boy tuwing Lunes at Biyernes.

Sana nga raw ay maging leading man niya si John Lloyd sa isang music video na gagawin niya.

Anong kanta naman niya galing sa kanyang debut solo album na Cathy Go: Find My Way To You ang gusto niyang gamitin sa music video nila ni Lloydie?

“Yun pong ’Ngayong Gabi,’” na tila gusto niyang sabihin na for one night ay sa kanya muna si Lloydie.

Ang ultimate wish nga raw niya ay ma-meet sa personal ang aktor at maka-date ito kahit sa isang gabi lang.

“Friendly date lang naman po. Sana ma-meet ko siya sa personal. Mahihimatay talaga ako. Sana kung may time siya, mabisita niya ako dito sa Chic-Boy Timog at mapanood niya ang gig ko.”

Wala naman daw siyang intensyon na agawin si Lloydie sa girlfriend nitong si Shaina Magdayao. Para sa isang babaeng humahanga sa aktor gusto lang daw niyang makilala ito nang personal.

SIMILARITIES BETWEEN CATHY & YENG. Kapansin-pansin na may anggulong hawig si Cathy sa isa pang singer na si Yeng Constantino.

Inamin nga ni Cathy na ngayon pa lang ay may mga nagkukumpara na sa kanya kay Yeng dahil bukod sa hitsura, pati sa tugtugan ay halos pareho raw sila. Pero ayon kay Cathy, hindi raw siya nakikipagkumpitensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana hindi na kami ma-compare kasi magkaiba naman po kami. Nood po sila ng gig ko at masasabi nila magkaiba kami.

"Pero siyempre nakaka-flatter na maikumpara kay Yeng kasi sikat na siya e.

"Salamat din na ma-compare ako sa kanya. Pero yun nga mas masarap yung makilala ka sa sarili mong talento at kakayahan.”

Isa raw sa mga idolo niya si Yeng at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niya itong maka-collaborate sa isang kanta. Kaya sana raw ay huwag na silang intrigahin.

“Gusto ko ang mga kanta niya at saka magaling siyang sumulat. Idol ko rin po siya. Nirerespeto ko po siya. Given the chance, gusto ko rin po siyang makasama sa isang collaboration.”

STARTING OVER. Nineteen years old pa lang si Cathy pero matagal na siyang nagpe-perform sa live music circuit. Nagbabalik nga siya sa recording scene bilang solo artist matapos maging bokalista ng bandang Sopiz noong 2008.

Ano ang mga nagbago sa kanya since her Sopiz days?

“Marami po. Unang-una yung buhok. Then yung musicality ko mas nag-mature.”

Ano ba ang nangyari sa banda nila noon at tila hindi ito nagtagal?

“Siguro seven months lang po kami. Honest lang, talagang hindi nagkakaintindihan sa grupo.

"Kaya parang okay na maghiwa-hiwalay na lang. Pero ngayon po okay na kami.

"Minsan nagkikita kami. Pero hanggang ganun na lang. Siguro hindi na ulit mabubuo yung banda.

“At saka masaya na rin po ako ngayong solo na ako. Si Lord din parang dinala ako para mag-solo ako e.

"At saka mas grabe po yung blessings ngayon e, kaya okay na po.”

Feeling nga ni Cathy ay parang nagsisimula ulit siya pero mas fulfilling daw ang pakiramdam niya ngayong solo na siya.

“Ganun talaga parang simula ulit. Pero siguro ang masasabi ko lang mas confident na ako ngayon.

"At saka mas fulfilling yung magkaroon ng sariling album na nakapangalan talaga sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba yun e, nakikita mo yung ginawa mo, yung paghihirap mo, yung mga kanta na sobrang binuhos mo lahat. Iba po yun, masaya.”

Malaki nga ang pasasalamat niya sa kanyang album producer na si Mike Villegas pati na rin sa kanyang manager na si Chen Sarte sa pagbibigay ng break ulit sa kanya.

Paano ba siya na-discover nina Mike at Chen?

“Last year po may kumausap po sa akin, ‘Hoy, magpronta ka kay Aiza [Seguerra].’

"Family friend yun na sila yung nag-produce ng concert ni Aiza.

"Actually, sa backstage ako talaga parang na-discover ni Sir Mike. Nagdya-jam lang po kami nung gitarista ko tapos may kurtina kasi doon.

"Hindi ko alam na may nakikinig na pala, na may sumisilip-silip. Hanggang sa yun na, siya pala yun si Mike Villegas pala.

"Sabi niya, ‘Sino yung kumakanta? Ikaw ba yun? Ang galing mo.’ Tapos kinuha niya yung number ko.

“The next day pinapunta niya agad ako sa studio. Nakita ko na yung pangarap kong studio.

"Tapos dun na po nag-start. Hanggang sa dumating si Ate Chen [ex-girlfriend ni Aiza]. Napanood din po niya ako dun sa concert ni Aiza.

"Sakto naman na kailangan ko po ng magma-manage sa akin. Kasi producer si Sir Mike, hindi naman siya manager.”

ALL-ORIGINAL ALBUM. Paano naman nabuo ang album niya?

“Si Sir Mike kasi marami na siyang na-compose na mga kanta. Nung makita niya ako parang narinig niya yung boses na kakanta dun sa mga nasa baul niya, parang ganun.

"E, nagkataon na nagsusulat din ako, may reserba rin ako. So, pinagsama namin. Nagtulungan kami.”

Ang carrier single ng solo album ni Cathy under Mayumi Records ay "Ayaw Na Kung Ayaw," na patok na patok sa mga kabataan at palaging pinatutugtog sa radyo.

Dalawa raw sa sarili niyang mga komposisyon ang pumasok sa album, ang "Let Me Put My Arms Around You" at "Sana Bumalik."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa lang na sa first album ko ay pumasok agad yung dalawang ginawa kong kanta. Sana sa susunod mas marami pa.”

Kasama rin sa original songs sa album ang "Ngayong Gabi," "Hanggang Ngayon," "This Circle," "Cupid," "Atin Lang Ito," "Start Kissing," "Alon," "Bangungot," at "Find My Way To You."

Bakit mas pinili nila ang all-original album at hindi siya nagsama ng revival tulad ng ginagawa ng ibang artist?

“Ako po kasi confident ako dun sa mga kanta, e. Talagang nung narinig ko, ‘Ay naku, isang buong album ito na puro original.’

"Ganun ko po kamahal yung mga songs.”

Bakit kailangang pakinggan ng mga tao ang mga kanta niya? Bakit dapat bilhin ang album niya?

“Una po sa lahat, matagal ko itong hinintay at pinaghandaan.

"Yung mga kanta sa album talagang magugustuhan nila, walang patapon sa mga kanta ko. Binusisi talaga nang mabuti ni Sir Mike ang album na ito.

“At saka talagang parang hinintay ako ng mga kantang ito kasi ang tagal na nitong nakabaul kay Sir Mike.

"I feel honored na ako ang napili niya para kumanta ng mga komposisyon niya.

"Sabi nga ni Sir Mike, ‘Lahat ng kuwento ng pag-ibig deserves a song.’ And I think itong album na ito iba-ibang kuwento siya ng love.

"So, nasa mga tao yun kung ano yung song na para sa kanila at para sa pag-ibig nila.”

SOUL ROCK SIREN. Ngayon pa lang tinatawag na si Cathy bilang "Soul Rock Siren" dahil sa variety ng mga kantang kaya niyang awitin. Name it—from rock to ballads and diva songs ay kaya niya raw kantahin.

Sinong mga artist ba ang music influences niya?

“Naku, ang dami po. Pag luma, Guns ’N’ Roses, Beatles, mga ganun po talaga.

"At saka Heart, Aerosmith, yan ang mga gusto ko. Pag mga bago, sina Adele, Sarah McLachlan, Pink.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon pa lang daw ay may collaboration na siyang nagawa kasama ang ibang Pinoy artist.

“Nakasama po ako ni Gloc-9 para sa isang kanta niya sa ginagawa niyang album. Kailan lang nag-record po kami. Natutuwa po talaga ako.”

Sino pa ang iba niyang dream collaboration?

“Gusto ko po sina Sampaguita, Noel Cabangon, Gary Granada, Cookie Chua.

"Ang sarap kasing makasama yung OPM legends natin. Sobrang idol ko po sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN