Kris Lawrence denies he wanted a DNA test to prove he’s the father of Katrina Halili’s baby

“Every day, we see each other and we talk about it and I said, ‘Baby [Katrina Halili] nakita mo ba yung article? Gusto ko raw ng DNA test!’ Sa amin dedma, because why would we let that affect us? What’s important is that we’ll support the baby and that’s it,” says Kris Lawrence on the DNA testing issue.



Pinabulaanan ng RnB singer na si Kris Lawrence ang intrigang hindi raw ito masaya sa pinagbubuntis ni Katrina Halili at humingi raw ito ng DNA test.

Ani Kris, “What’s important is my relationship with Katrina.

“We all know that I’m proud. We all know that sobrang suporta ako sa kanya, and at that time...the thing is when I read those articles...

"It’s like something so positive, [yet] the press can still find something negative to think about, porke’t hindi pa ako nagsasalita.

“The only reason hindi ako nagsalita was, I told her dapat siya mauna."

Dagdag pa niyang pahayag, “Like I said, out of something positive, they still find something so negative.

“It never came from me. I never said that. My parents never said that.

"Nalulungkot lang daw siya dahil nababahiran pa ng mga ganung intriga, gayung masaya naman daw silang lahat lalo na ang kanyang Mommy.

“Actually, when we found out, nandito po ang Mom ko for vacation, and prior to that siguro mga one week, parang naglalambing siya sa akin, ‘Anak kelan mo ko bibigyan ng apo,’ so we had a feeling that we are at [the right] age na,” patuloy niyang pahayag.

Napag-usapan din daw nila ni Katrina ang mga intriga at hindi na lang daw sila magpapaapekto.

“Every day, we see each other and we talk about it and I said, ‘Baby nakita mo ba yung article? Gusto ko raw ng DNA test!’

“Sa amin dedma, because why would we let that affect us? What’s important is that we’ll support the baby and that’s it,” ang sabi ni Kris.

Totoong nabigla raw siya nang ibinalita sa kanya ito ni Katrina. Nag-isip daw siya sandali kung kakayanin na ba niyang maging daddy.

“I was shocked and didn’t know how to react.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, sobrang kinabahan, sobrang daming questions pumasok, like in five milliseconds, like ready ka na ba?

“But at the end of the day, two seconds [were] finished, I smiled, I hugged her, and I said to her, ’This is it.’"

PREGNANCY HORMONES. Araw-araw ay dinadalaw nga raw niya si Katrina, at totoong medyo nahihirapan daw siya minsan dahil may mga sumpong daw ang aktres at mas type pa raw nitong magluto kesa sa makita siya.

“I talked to my friends, yung mga nagka-baby na and they keep saying ‘Pare ganyan talaga.’

“So sige, it’s fine ’cause for me, it’s like I wanna be there for her. I wanna support her.

"I don’t want her to move so much pero sabi niya ’Gusto ko lang magluto.’ Bakit?” natatawang kuwento ni Kris.

“Sobrang hilig niya ngayong magluto, which is good for me kasi ang sarap ng kinakain ko lagi. She’s become a very good cook— super!”

Ngayon ay inspired daw siya at pinaghahandaan na raw niya ang panibagong chapter sa kanyang buhay, at tingin daw niya, handa na siyang maging ama.

“I’ve already opened an account for the baby, yung pang deliver ng baby nandiyan na.

“Siguro first six months na gatas andiyan na. Pampers andiyan na.

“Last week, I was shopping. It was the first time I was shopping at Bench, tapos I found myself at the baby section and I already got some baby clothes,” bulalas nito.

Kung si Kris ang tatanungin, gusto raw sana niya ay baby boy ang first baby nila ni Katrina.

Pero tingin daw niya ay girl ito dahil lalong gumanda raw ang aktres at iyun naman daw ang gusto nito.

BABY NAMES. Kung si Kris ang masusunod, Kristina ang ipapangalan sa kanilang baby—kumbinasyon ng pangalan nila ni Katrina.

Puwede rin daw Melody kung girl nga ito, at Lyric naman daw kung boy para may koneksyon pa rin sa musika na nakahiligan naman nila ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinayagan naman daw niya si Katrina na magbakasyon muna sa bayan nito sa Palawan, pero dito [sa MetroManila] raw ito manganganak.

Sasamahan daw niya sandali na magbakasyon sa El Nido, Palawan.

May mga nag-suggest din daw na sa Amerika na ito manganganak dahil US citizen naman siya [Kris].

“My mom suggested na dun siya manganak para maging U.S. citizen siya... I did some research. Kung gustong pumunta ni Baby sa States, I don’t think mahihirapan siya since U.S. citizen po ako,” sabi ng RnB singer.

Pagdating naman sa wedding plans, pareho sila ng pananaw ni Katrina na hindi na muna sa ngayon.

“Wedding plans, we’ve talked about that. We almost did.

"Her father talked to me, her mother talked to my mom. They want us to get married.

“We talked about it and we both agreed that we will know when the time is right. Just because the baby was rushed doesn’t mean we have to rush into it as well.

"So as of now, we’re gonna take care of the baby,” pahayag nito.

Lalong minahal daw niya ngayon si Katrina, at lalo raw siyang inspirado sa trabaho.

“Sobra, I tell her every day she’s the most beautiful pregnant woman I’ve ever seen.

“Like I said, it’s a blessing, sobrang blessing and sobrang aalagaan ko ‘tong blessing na ‘to.

“I would give all my love for the baby. [I’ll] give [her/her] a good future, everything I will do, everything.

“We’re so excited. Like I said, walang feeling [like this].

"Lalo na when the baby is here, I know it’s gonna be a great feeling, [one] I’ve never experienced,” masayang pahayag ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN