Julie Anne San Jose declines to comment on Elmo Magalona’s "private life"

After announcing to the press that her leading man, Elmo Magalona, has a girlfriend, Julie Anne San Jose (in photo), prefers to keep mum on the subject.


Nag-e-enjoy daw si Julie Anne San Jose sa youth-oriented show na Tween Hearts.

Bago lang sa show si Julie Anne, pero masasabing ilang beses na rin niyang nakasama ang mga cast kaya hindi na rin siya masyadong naninibago.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa taping ng Tween Hearts sa La Virginia Resort sa Mataas na Kahoy sa Batangas noong Huwebes, March 29, kunsaan sinu-shoot ang summer special episode nila.

Puwedeng ang maging impression sa karakter niya, panggulo o kontrabida sa loveteam nina Jhke Vargas at Bea Binene.

Pero ayon kay Julie Anne, “Hindi naman po siya yung parang inagaw ko si Jake kay Bea, hindi naman po ganoon.

"Parang yung story naman po, focused pa rin po sa kanila. Parang nabi-brainwashed lang ako rito sa story.”

Nangiti naman si Julie Anne nang sabihin namin na siyempre, hindi naman niya gugustuhing kontrabida siya lalo na sa mga JhaBea fans.

“Opo, hindi naman. Mabait naman po ako rito at nag-e-enjoy naman po ako. Sobrang nakakatuwa silang kasama.”

Parang naging training ground na raw kay Julie Anne pagdating sa pag-arte ang pagkakapasok niya sa Tween Hearts.

“Parang magandang training ground na rin po. Parang during the shooting days sa movie namin ni Elmo [Magalona], ang Just One Summer, mas lalo pa po akong nahahasa.”

Nag-overnight ang ibang cast ng Tween Hearts sa resort dahil tuhog na dalawang araw ang taping nila sa naturang lokasyon.

Pero si Julie Anne, uuwi rin daw ng gabing yun dahil may shooting pa siya sa pelikulang Just One Summer kinabukasan.

“Hindi po ako mag-o-overnight. Sayang nga po!” natatawang sabi niya.

ON ELMO MAGALONA. Sa pagkakataong yun, tinanong naman namin ang aktres hinggil sa lumabas na artikulo, dito rin sa PEP, kunsaan sinabi raw niya na may girlfriend na ang ka-loveteam at leading man niya na si Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Mabilis namang sagot ni Julie Anne, “I won’t comment on that na lang po.”

Pero sinabi niya nga ba yun?

“Hindi naman po kasi gano’n... or parang na-misquote po siguro ’ko ro’n.

"Parang ano po kasi, ngayon po, work lang po talaga.

"Gagawin po naming lahat para maging okay ang loveteam namin.

“It’s a private life naman po, e.

"Kung nasaan naman po siya [Elmo], susuportahan ko naman po yun.”

Sa kabila ng sinabi ni Julie Anne na "na-misquote" siya sa kanyang naging pahayag tungkol sa estado ng lovelife ni Elmo, pinaninindigan ng PEP ang unang lumabas na artikulo.

Kinamusta namin kung marami bang nag-react, lalo na sa mga fans nila?

“Siguro po, pero sa ngayon po, wala pa po, hindi ko pa po alam ang mga reaksiyon nila.

"Basta po para sa akin, concentrate lang po ako sa movie na sinu-shoot namin. Siyempre, malapit na rin po.”

PRESSURE? May pressure rin ba sa part niya dahil karamihan sa fans nila ni Elmo, tila may pagka-possessive at gusto na sila talaga ang magkatuluyan?

“For me, hindi naman. Wala naman.

"Basta kami, nag-e-enjoy lang naman. Although yung iba, may ibang fans na possessive, obsessed.

"Pero siguro po, kahit naman sinong artista, nakaka-encounter ng ganoong fans.”

Si Elmo ay may bagong sitcom kunsaan sila naman ni Barbie Forteza ang magkakapareha. Ito ang Tweets for My Sweets.

Kung tutuusin, ilo-launch pa lang ang loveteam nila sa pelikula, pero ipinapareha na si Elmo sa ibang tween stars.

Okay lang ba sa kanya yun?

“Sa akin po, okay lang. Wala naman pong kaso yun.

"Kung ipa-partner siya sa iba, ako, ipina-partner rin sa iba. As long as ginagawa namin yung best namin."

LOVETEAM LAUNCHES A MOVIE. May isang taon pa lang ang loveteam nila ni Elmo. Pero heto’t pinagkatiwalaan na agad sila ng launching movie ng GMA Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Julie Anne, “Siyempre nakakatuwa rin po. At sobrang thankful po kami sa GMA na nabigyan po kami agad ng opportunity, ’tapos lead role.”

Sa palagay ba niya, handa na sila ni Elmo sa launching movie nila?

“Oo naman po. Handa naman po kami and ongoing pa rin po ang process ng pagti-train sa amin.

"Mga workshops na pinagdadaanan namin at mas lalo po kaming natututo.

“We gain more experiences, ganoon po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN