Mariel Rodriguez on plans for a church wedding with Robin Padilla: "Malabo na matuloy."

According to Mariel Rodriguez, the Church, whether Catholic or Christian, requires that the couple getting married be both Catholic or Christian. Although Mariel is Catholic, Robin Padilla is Muslim. So it’s unlikely that a church wedding will happen anytime soon.



Malabo na raw matuloy ang church wedding ni Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Ito ang unang nabanggit ni Mariel nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Paparazzi Showbiz Exposed kahapon.

Ang gusto raw kasi ng simbahan, parehong Katoliko o Kristiyano ang ikakasal.

E, Muslim nga si Robin kaya malabo itong mangyari.

Kung sabagay, nakadalawang kasal na naman silang dalawa.

Una ay ‘yong Muslim wedding nga nila ni Binoe sa India.

Ikalawa ay ‘yong Igorot wedding naman nila sa Baguio.

Ayaw ba niyang magpa-convert sa pagiging Muslim na rin?

“Di ba ‘yong mga gano’n, hindi mo naman binabalak? Na dapat may hihintayin kang parang calling?

“E, so far, hindi ko pa naman nakukuha iyon.

“Athough siyempre ‘yong mga nakapaligid sa akin, marami akong nakakausap na mga Muslim. Di ba?

“So… nakikita ko ‘yong beauty ng Islam. Naa-appreciate ko.

“Kaya lang nga, dapat bago mo iwan ang isang bagay… dapat alam mo muna kung ano ito. Di ba?”

Nagpi-preach ba sa kanya ng Islamic teaching ang mga kamag-anak ni Robin na na-convert na rin sa pagiging Muslim?

“Hindi.

“But when they talk about it, I hear it. Ganyan.

“Pero hindi ‘yong… kasi wala namang sapilitan ‘yan.”

Sa kanyang pananampalataya, bilang Katoliko pa rin daw nakakapit si Mariel. At hindi naman umano ito nagiging isyu sa kanilang dalawa ni Binoe.

“Minsan, siya pa nga ang naghahatid sa akin sa Church kapag nag-a-attend ako ng Mass.”

SHOWBIZ CAREER. Napunta ang usapan sa kanyang showbiz career. Kahit nadagdag na siya bilang co-hosts nina Ruffa Gutierrez, Cristy Fermin, Zoren Legaspi, at Dolly Ann Carvajal, nananatiling wala pa rin daw siyang pinirmahan NA exclusive contract sa TV 5.

“Alam n’yo kung saan ako exclusive? Sa totoo lang… sa Wil Time Big Time [bilang isa sa co-hosts ni Willie Revillame].

“My contract is with Wil Production.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaka-tatlong linggo na siyang nagku-co-host for Paparazzi. Parang ang bilis nga raw ng pangyayari na biglang nando’n na lang siya sa nasabing Saturday afternoon showbiz-oriented talk show ng Kapamilya network.

“Alam mo… hindi ko nga alam kung babayaran nila ako rito!” sabay tawa ulit ng actress-TV host.

“’Yon nga ang hindi ko alam, e! Ha-ha-ha!

“Kasi hindi ko naman tinatanong.

“Hindi ako nagtatanong. Go lang ako nang go.

“Pero… masaya.”

Sino pala ang nakipag-usap at nakipag-coordinate para sa pagiging pinaka-bagong co-host niya sa Paparazzi?

“Si Jay Montelibano [ang business unit head ng Wil Production]. And… hindi nga ako nagtatanong kung ano ba ‘yong naging usapan.”

BROTHERS AND SISTERS. Ano nga pala ang plano nila ni Robin this Holy Week?

“Dapat sa Nueva Ecija kami,” kasama ang iba pang miyembro ng pamilya Cariño at Padilla.

“Pero dahil medyo hindi nagkakaintindihan sina Robin at Bebe [Gandanghari, ang alyas ni Rustom Padilla nang mag-out na ito bilang gay]… hindi na.

“Kailangan nila ng konting time.

“So hindi naman natin puwede ipilit ‘yon, di ba?” na magkita o magkaharap sina Robin at Bebe [Rustom].”

Gusto raw niyang mamagitan sa dalawa. Pero tumitiyempo pa raw siya.

“Tama!” tawa ulit ni Mariel.

“Ako ang magiging ambassador of peace.

“So… bibigyan muna natin sila ng time to rest apart. Tapos pagdating ng takdang panahon, dadalhin natin silang dalawa sa peace talk.”

Ano ba ang gustong mangyari ni Robin, bumalik si Bebe sa pagiging lalake at maging si Rustom ulit?

“Ay, hindi naman po siguro. Hindi naman siguro gano’n," sabi ni Mariel.

Kailangan lang daw sigurong makapag-heart-to-heart talk ang dalawa bilang magkapatid. Para mas maintindihan ng mga ito ang side ng isa’t isa.

MOROCCO. This Holy Week, kung hindi sa Nueva Ecija, saan na nila balak pumunta ni Binoe?

“Sa Morocco.

“Uhm… live kami sa Wil Time Big Time on Monday (April 9). So I’ll be back on Monday.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit doon nila naisipan pumunta this Lenten Season?

“Actually kasi Morocco is an Islamic country [8 percent ng tao roon, Islam ang relihiyon].

“Kasama namin si Queenie [Padilla, eldest daughter ni Binoe]. At saka ‘yong cousin ko. First time naming lahat na pupunta doon.”

NO PORK. Dati, favorite ni Mariel ang pork. Pero tumigil na raw siya ng pagkain ng karne ng baboy mula nang ikasal sila ni Robin.

“Oo.

“Iyon lang ang ini-request sa akin ni Robin. Na huwag akong kumain ng pork.

“Kasi pala, kapag kumakain ako ng pork, hindi niya ako puwedeng i-kiss.

“Ipagpapalit ko ba naman ‘yong mga halik sa pork? Hello!” sabay tawa ulit ni Mariel.

“So ang kinakain ko na lang… beef, chicken, veggies, and fish.

“And I realized na lahat pala… laging may alternative.

“Dati iniisip ko… paano na ‘yong bacon? E… may turkey bacon naman pala. May chicken Vienna sausage. Alam mo ‘yon?

“Lechon? May lechon manok. Di ba?

“And… hindi na naman ako nagki-craving sa pork.

“Kapag nag-u-order nga kami ngayon sa restaurant… sinasabi namin agad na walang pork.

"Kasi siyempre, minsan hindi na nila naiisip na ‘yong chorizo, baboy pala. ‘Yong mga gano’n?” panghuling nasabi ni Mariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN