Vicki Belo on Hayden Kho Jr.: “Of course nami-miss ko siya, but you have to choose. Kung sobra na yung sakit, aalis ka na lang.”

Dr. Vicki Belo finally agrees to an interview two months after her controversial breakup with Hayden Kho Jr. And how is Dra. Vicki doing? “I’m better now…better, better now. Nakaka-recover na rin kahit papaano, pero nandito siya [Hayden], nakita mo, so ngayon lang kami nagkita. Okay na kami," she says.


Eksklusibong nakapanayam ng Paparazzi Showbiz Exposed si Vicki Belo sa opening ng Mango Tree Restaurant sa The Fort, Taguig, noong March 27 na lumabas sa show, Sabado, March 31.

Ito marahil ang kauna-unahang interview na pinagbigyan ni Dra. Vicki matapos ang kontrobersiya na pumutok tungkol sa kanilang hiwalayan ni Hayden Kho Jr., may dalawang buwan na ang nakalipas.

Unang dumating sa naturang event si Hayden. Matapos ang mga isa’t kalahating oras, dumating naman si Dra. Belo kasama ang anak na si Cristalle Henares at boyfriend nitong miyembro ng Azkals na si Jason Sabio.

Parehong kaibigan ni Hayden at Vicki ang may-ari ng nasabing restaurant na nagmamay-ari din ng clothing line na Maldita kung saan isa sa mga endorsers ay ang pamosong ex-boyfriend ni ng cosmetic doctor.

RECOVERING. Kinumusta ng Paparazzi ang doktora. Tugon nito, “I’m better now…better, better now.

"Nakaka-recover na rin kahit papaano, pero nandito siya, nakita mo, so ngayon lang kami nagkita. Okay na kami.”

Nang dumating si Vicki sa venue ay agad na lumapit si Hayden at bumeso ito sa dating kasintahan. Matapos nito, muling lumayo si Hayden at si Vicki naman ay nakipagkuwentuhan sa maraming kaibigan na imbitado din sa naturang resto opening.

Second time na daw nila itong pagkikita, una na rito ang may kinalaman sa Belo Medical Group kung saan nagtatrabaho si Hayden bilang in charge sa ilang mga serbisyo ng clinic.

Kuwento pa ni Vicki, itinuon niya ang kanyang oras noong kasagsagan ng kontrobersiya sa pag-aaral sa ibang bansa ng mga bagong teknolohiya pagdating sa pagpapaganda upang makalimutan niya ang mga problemang dinadala.

Kuwento pa niya, “Lagi akong umaalis, hindi ako nagbabakasyon, nag-aaral ako or business because that’s the way I get over heartbreaks e.

"Kasi dito, masyadong maraming memories. Kahit saan ako tumingin.

"Pero pagdating doon, medyo bagong environment so nakaka-relax ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXPLAINING THE SILENCE. Noong mainit na mainit ang isyu sa kanila ni Hayden, naging tahimik ang doktora at walang pinagbigyan ng panayam. Bakit nga ba siya nanahimik noon?

Tugon nito, “Kasi out of respect, feeling ko, ayokong magsalita…I mean seven years din kaming nagsama, so ang gusto ko lang din talaga yung…and in fairness naman to Hayden, hindi naman siya nagsalita, parang ang pangit nung nag-aaway kami kapag depressed, so I thought it’s better we keep quiet.”

Inisa-isa ding binigyang linaw ni Dra. Vicki ang tungkol sa mga taong nasasangkot sa kontrobersiya. Una na nga rito ang kanyang yoga instructor na si Al Galang.

ON AL GALANG & EDWARD MENDEZ. Sagot nito, “Si Hayden nag-issue ng Al Galang.

"Alam naman ni Hayden na walang isyu doon, kaya lang medyo nakita niya yung sulat dati kaya gusto lang niyang ipakita…binawi rin naman niya, inamin din naman niya na alam niyang wala.”

Pangalawa ay ang model na si Edward Mendez.

Kuwento ni Vicki, “Edward and I are super close…we were close for so long, before Hayden pa.

"So maraming nag-aano kasi guwapo siya, bata siya…mukhang pag-guwapo at bata, ako na yun.”

ON NANCY CASTIGLIONE. Kasunod niyang nilinaw ang tungkol kay Nancy Castiglione at Hayden. Siya kasi ang naglabas sa Twitter ng diumano’y ugnayan ng dating boyfriend at ni Nancy.

Aniya, “Ang tahimik na ano? Hahaha. Well, I don’t know…tanungin mo si Hayden. Nandiyan siya.

"No comment na lang ako doon para ano…alam naman nila kung ano talaga di ba? Basta ako, alam ko kung ano ang totoo for me.”

Sa ngayon daw, tahimik na ang kalooban niya.

“Basta alam mo lang kung saan ka and alam ko na hanggang doon na lang ako.”

Sa tanong naman kung may panghihinayang ba siyang nararamdaman, sagot ni Vicki, “Of course na mi-miss ko siya, but you have to choose. Kung sobra na yung sakit, aalis ka na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, inamin ni Vicki na moving on na siya ngunit hindi pa daw siya masyadong masaya.

“Hindi pa, pero magiging happy, I believe, by the end of the year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN