Bea Binene on possibility of Jhake Vargas-Kris Bernal loveteam: “Wala naman pong problema sa akin iyon.”

Bea Binene (in photo) knows all about Jhake Vargas’s crush on Kris Bernal. She says: "Si Ate Kris naman po, idol ko po ‘yan. Isa po siya sa mga paborito ko. Bukod po sa maganda at magaling na artista, mabait din po siya. Nababanggit naman ni Jhake noon na crush niya si Ate Kris talaga. Wala naman pong problema sa akin iyon.”


Napangiti na lang ang tween star at bida ng early primetime telefantasya na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis na si Bea Binene nang makarating sa kanya ang balitang gusto raw ng kanyang ka-loveteam na si Jhake Vargas na makatambal ang Kapuso leading lady na si Kris Bernal.

Sa isang interview kasi ni Jhake ay tinanong ito kung handa na ba siya kung sakaling paghiwalayin na sila ni Bea at itambal sila sa iba.

Sagot naman daw ng tween actor ay hinahanda na niya ang sarili niya at kung maaari ay si Kris Bernal ang kanyang makatambal after ni Bea.

Matagal na raw kasing crush ng batang aktor si Kris noong ginagawa pa lang nila ang afternoon drama series na Dapat Ka Bang Mahalin?

Ayon kay Bea, wala naman daw problema sa kanya iyon. Alam naman daw niya na darating ang panahon na mabubuwag din ang loveteam nilang JhaBea at maitatambal sila sa ibang artista.

“Kung iyon po ang ang magiging desisyon ng GMA-7 para sa amin ni Jhake, handa naman po ako,” sabi ni Bea nang makapanayam namin siya sa thanksgiving party ng GMA Afternoon Prime sa Studio 6 ng GMA Annex Building noong nakaraang March 27.

“Sa ngayon naman po, wala pa naman silang sinasabi kaya tuloy pa rin po ang JhaBea loveteam.

“Pero siyempre, kailangan din po na handa kami ni Jhake. Hindi naman forever na JhaBea kami.

"Kailangan din namin na mag-grow at masubukan na makatambal ang ibang artista.”

BEA ADMIRES KRIS. Pabor ba siya na si Kris Bernal ang ma-partner kay Jhake balang araw?

“Opo, okey po sa akin,” mabilis na sagot ni Bea.

“Si Ate Kris naman po, idol ko po ‘yan. Isa po siya sa mga paborito ko.

"Bukod po sa maganda at magaling na artista, mabait din po siya.

“Nababanggit naman ni Jhake noon na crush niya si Ate Kris talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman pong problema sa akin iyon.”

Hindi ba siya nagseselos?

“Ay, bakit naman po?” sabay tawa niya.

“Wala naman kaming relasyon ni Jhake. Working relationship lang po meron kami.

“Malaya naman ang bawa’t tao na mamili nang gusto niyang makatrabaho, ‘di ba?

“Tsaka sabi ko naman po, idol ko po si Ate Kris. Kaya okey na okey sa akin na magtambal sila ni Jhake someday.”

ANYONE WILL DO. Sa parte naman ni Bea, wala pa naman daw siyang naiisip pang gusto niyang nakatambal balang-araw.

“Wala po akong specific na aktor na naiisip pa. Kahit sino naman po puwede. Depende po iyon sa magiging desisyon ng GMA-7.”

Kaya habang nandiyan pa raw ang JhaBea, patuloy na magbibigay ng saya sila Jhake at Bea sa kanilang mga fans. Lalo na raw sa mga tumututok sa kanilang mga shows.

“Nagpapasalamat po kami ni Jhake sa mga fans na patuloy ang suporta sa amin. Hindi lang sa pagpanood ng Reel Love Presents Tween Hearts kundi pati na ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

“Nakakatuwa po kami na mataas ang ratings namin at patuloy na pinapaganda namin ang bawat episode ng show.

“Nagpapasalamat din kami sa aming direktor na si Mark Reyes kasi siya ang nakakaisip ng mga nakakatuwang mga eksena ng aming telefantasya.”

HOLY WEEK PLANS. Itong Holy Week nga raw ay hindi sila magkasama ni Jhake. Uuwi raw ang tween actor sa kanilang bahay sa Olongapo, samantalang may planong mag-abroad si Bea at ang kanyang pamilya.

“Magkahiwalay po kami ng bakasyon ni Jhake. Nasa kanya-kanya kaming pamilya sa Holy Week.

"Yung plan namin ng family ko na mag-out of the country, parang 50-50 pa kasi nga hindi pa kami nakakapagpa-booking.

"Susubukan po naming makakuha ng flight sa pagbabakasyunan namin.

“Kung hindi man kami matuloy, marami naman kaming mapupuntahan na out-of-town.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Promise ko kasi sa mommy ko na magbabakasyon kami. Gusto ko rin makapagpahinga para ma-recharge ako bago magsimula ulit ng trabaho.

“At dahil Holy Week, magsisimba kami ng family ko at magpapasalamat sa mga blessings na dumarating.

"Time din kasi ito para mag-meditate at alalahanin ang mga naging sakripisyo ni Jesus Christ sa ating lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN