Danita Paner open to reconciliation with ex-boyfriend JC de Vera; says she is not entertaining suitors

Danita Paner celebrates her bithday today, April 2, without a boyfriend but she expects ex-boyfriend JC de Vera to greet her. As she says, JC always does.


Ngayong araw, April 2, ang 23rd birthday ni Danita Paner.

Ipinagpapasalamat niya ang maagang pagbati ng mga kaibigan.

Pero ang talagang inaasahan niyang pagbati ay mula sa kanyang Ate Kristina Paner na matagal nang naninirahan sa Barcelona, Spain.

Hindi na hihintayin ni Danita ang pagbati ng ex-boyfriend na si JC de Vera dahil sigurado naman siyang hindi nakalilimot ang aktor.

“Lagi namang bumabati yun, e. So, siyempre, expected na yun," sabi ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

TV5 SERIES. Memorable kay Danita ang birthday niya ngayon dahil nagkataong maganda ang daloy ng kanyang TV career.

Aniya, “Nakakatuwa dahil last night, ibinalita sa amin ng aming executive producer na gumaganda yung ratings ng soap namin, ang Isang Dakot Na Luha.

“Parang yun na rin ang gift ng lahat sa akin," sambit niya.

Sa TV5 serye, isang bar dancer ang role ni Danita. Posibleng bang ang pagpapa-sexy niya ang nakapukaw ng atensiyon ng mga manonood?

“Actually, hindi pa nga lumalabas yung ibang mga scenes na medyo sexy, e. Kaya sana, next week, tumaas pa [ang ratings]," asam niya.

Tanggap niya na ba na pagpapa-sexy ang patutunguhan ng career niya?

“Magiging versatile, pero hindi yung forever sexy.

"Kasi itong show na ito [Isang Dakot Na Luha], hindi naman sexy, e.

“Siguro yung personality ko lang... yung confidence ko dahil yung role ko dun, talagang strong.

“Pero hindi naman nagpapakita ng kung anu-ano dito,” saad niya.

MEN’S MAGAZINE COVER. Mga dalawang taon pa raw bago pumayag si Danita na mag-pose nang sexy sa isang men’s magazine gaya ng FHM.

“Huwag muna, hindi ko pa talaga iniisip ’yan!" bulalas niya.

“Paghahandaan ko ’yan, huwag lang muna ngayon.

“Kasi baka ma-stereotype ako. Natatakot kasi ako na baka mga ganung roles ang ibigay sa akin ’pag nag-pose na ako ng sexy.

“Kasi may tendency na maging gano’n, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ‘pag na-establish ko na ang sarili ko sa acting, puwede ko nang i-try yung sexy.”

RECONCILIATION. Tungkol naman sa ex-boyfriend niyang si JC de Vera, maayos na raw ang kanilang samahan ngayon, ayon kay Danita.

“Magkausap kami kanina at siya’y nasa sportsfest ng Valiente,” banggit niya.

May naibigay na bang regalo si JC para sa kanyang kaarawan?

“Hindi pa kami nagkikita kasi hindi nagkakatugma yung schedule namin,” sagot ni Danita.

Malabo raw na magkabalikan sila ni JC, ayon pa rin sa young actress.

“Ayokong mag-expect. Gusto kong maging magkaibigan muna kami.

“Masaya na akong ganito muna kami," aniya.

Bakit hindi pa binubuksan ni Danita ang puso niya sa iba?

“Hindi. Hindi ako interesado," sagot niya.

“Hindi talaga… kasi kawawa lang yung guy na ie-entertain ko.

“Kasi hindi lang ako magiging sincere.”

Kung ganun, nag-e-expect siya ng reconciliation nila ni JC?

“Kasi kahit paano, may hope pa rin," pag-amin niya.

“Dahil siyempre kahit naghiwalay kami ni JC, alam ko naman sa sarili ko na mahal ko yung tao.

“Pero wala talaga akong planong mag-entertain.

“Kumbaga, kung hindi si JC, ako na lang muna siguro.”

WHY JC STILL? Ano ba ang naiisip ni Danita noong mga panahong hiwalay sila ng aktor at patuloy pa rin ang pag-uusap nila?

“Na-realize ko na importante sa isang tao, lalo na sa isang babae, yung self-worth.

“At saka kailangan talaga hindi mo papaikutin yung mundo sa isang tao.

“Dahil sa isang snap, puwedeng mawala yun at puwede kang bumagsak," sabi niya.

Si JC ba talaga ang ayaw pang bumalik o makipag-reconcile?

“Siya yung nagi-initiate palagi,” mabilis niyang sagot.

“Dahan-dahan lang muna.

“Kasi kinausaup ko siya, e.

"Sabi ko, ‘Ayoko ding maulit yung nangyari dati. Kung mauulit uli yun, huwag na nating aksayahin yung panahon natin sa isa’t isa.’

“So, if ever, we’ll gonna start again from scratch.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero biglang kumambiyo si Danita nang ma-realize kung ano ang mga nasabi niya.

“Bakit ako nagsi-share iyo? Sabi ko, hindi na ako magsasalita about my personal life!” natatawa niyang bulalas.

NO SECRETS. Honest naman si Danita sa press kaya hindi na siya dapat magtaka.

“Yun lang, wala naman kaming itinatago ni JC.”

Ilang beses bang nag-initiate si JC?

“Ahmm… ’pag nagti-text siya, tumatawag… siya palagi ang nauuna.

"Hindi naman namin pinaguusapan yung balikan.

“Pero parang ganun na rin yun.”

Aminado naman si Danita na takot na siyang masaktan uli dahil buhos siya kung umibig.

“Kailangan, e. Mas magandang ibuhos mo nang lahat kaysa pagsisihan mo sa bandang huli at wala ka rin palang nagawa.”

BIRTHDAY WISHES. Ilan sa mga birthday wishes ni Danita ay pagtaas pa lalo sa ratings ng kanyang pinagbibidahang serye at magkaroon ng peace of mind.

Aniya, “May mga personal stuff tayo kasi na naiisip na naba-bother ka.

“May mga gano’n na sana… family, friends, sarili mo mismo, like yung gusto mong i-improve.”

Ang mga materyal na bagay na inaasam niya ay nakuha na raw niya, ’tulad ng Suburban van na nabili niya sa isang kakilala.

Kailangan na raw ni Danita ng ganitong sasakyan para sa tapings niya.

Ang susunod raw niyang gustong i-achieve ay ang pagbili naman ng sarili niyang condo o bahay.

Ngayong Holy Week, naiisip ni Danita na magbakasyon sa La Union kasama ang mga kaibigan niya, kabilang na si IC Mendoza.

Nasa La Union rin daw si JC pero magkahiwalay sila ng lugar. Pupuntahan na lang daw niya ang ex-boyfriend kasama ang ilang mga kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN