Edgar Allan Guzman clarifies “separation” from Johlan Veluz: “Separate lang po kami ng bahay, pero kami pa rin po.”

Edgar Allan Guzman, in an earlier interview, revealed that he is "moving out" of the house he shares with live-in partner Johlan Veluz. His statement seemed to be a non-issue since he first shared it—until now. Edgar says that while he has moved out of his partner’s house, it should not be taken to mean a breakup or a separation.


Medyo nalito ang press at ilang mga tagahanga tungkol sa tunay na estado ng relasyon ni Edgar Allan Guzman at ng kanyang kasintahang si Johlan Veluz.

Naulat kasi kamakailan ang “paghihiwalay” ng award-winning actor sa ka-live in niyang dating miyembro ng SexBomb Dancers.

(CLICK HERE to read related story.)

May mga nagsasabi namang very much on pa rin ang dalawa kahit hiwalay na sila ng tirahan.

CLARIFICATION. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Edgar, nilinaw nito ang tunay na kaganapan sa kanilang relasyon ni Johlan.

“Okey naman po kami, nakakapag-usap naman po kami.

“Pero no’ng nagpaalam ako na babalik na ako sa family ko, nalungkot kami, malungkot rin siya.

“Pero kumbaga, iniisip namin na para sa amin yun—parang maging better pa kami."

Diin pa ni Edgar, “Separate lang po kami ng bahay, pero kami pa rin po.”

“Kumbaga, siguro ilalagay lang namin ang sarili namin sa tamang lugar, kung saan kami puwedeng magkita.

“Okey kami, okey po kami!”


JOHLAN’S TWEETS. Nag-post ng mga mensahe si Johlan sa kanyang Twitter account tungkol sa kanyang sama ng loob, na ikinagulat ng mga taong nagmamalasakit sa career ng aktor.

Nakausap ba ni Edgar si Johlan tungkol sa ginawa ng dancer?

“Opo. Sinabi ko po sa kanya na bakit niya ginawa yun. Sana nag-usap na lang kami, ganyan.

"Hindi naman po siya sumagot.

“Kumbaga, nakipag-deal ako sa kanya nang maayos… Nagulat po talaga ako, e.

“Sabi ko sa kanya, ‘Kung may mga ganyan, sa atin na lang yun.’

“’Alam mo naman sa Twitter, marami ang nasasaktan kapag may tini-tweet ka na ganyan.

“’Kumbaga, hindi naman alam ng tao kung kanino ba talaga yun.’

“’Kumbaga, itong mistake natin, yung mistake na nagawa mo, matuto tayo dito.

“’Huwag na nating gawin ito.’"

Sabi pa ni Edgar, “Ako naman po talaga, kaya nag-quit ako sa Twitter, ayokong…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaka-tempt mag-tweet ‘pag may nararamdaman ka—masaya ka or malungkot.

“So, ako po, if ever, sabi ko sa kanya na ano… ‘Huwag na lang tayong mag-Twitter, huwag ka na lang mag-Twitter. Para wala nang masabi yung tao, para hindi ka na rin mapasama.’”

BAD INFLUENCE. Sa tweets ni Johlan ay inilabas niya ang sama ng kanyang loob dahil "B.I." o bad influence daw siya kay Edgar.

“Yun nga raw po na parang sinasabing B.I. siya.

“Ako naman po kasi, yung B.I., yun lang po ang pagkakaintindi ng tao dahil nga sa mga nangyayari sa akin, di ba?

“Yun lang ang nakita, at ginamit na word. Siguro hindi naman totoo yun.

“Nagsisisi rin naman siya kung bakit niya nagawa yun.

“Hindi po ako sure kung aminado siyang mali siya, pero may mali din naman sa point na pagtu-tweet niya," saad ni Edgar.

BALANCING ACT. Paano ba niya babalansehin ang kanyang career, family, at lovelife?

“Siguro po, tahimik lang po muna.

“Sa career naman, mas magiging focus, kailangan kong mag-build up ng katawan para maging leading man ng TV5.

“At sa pag-arte naman, always naman na ibinigay ko yung 100 percent ko.

“Sa family naman, yung time ko, after work, sa kanila ko ginugugol.”

THE REAL STORY. Bakit nga ba nakipag-live-in si Edgar Allan?

“Actually, hindi po talaga kami magli-live in—dahil lang po talaga sa parking ko.

“Kasi po, nakatira po kami sa maraming tambay na... alam mo yun, na umiinom.

“May mga tambay dun na pinagri-tripan. Kasi kilala nila kung sino ang may-ari.

“Yung kotse kong Getz, binasag yung salamin.

“So, ako naman po, para sa akin, pinag-ipunan ko yun ’tapos gaganunin ng ibang tao.

“Sino ba naman ang magpapagawa nun? Ako rin naman po, e.

“Kaya sabi ko sa Mommy ko, ‘Lipat tayo sa magandang bahay na may parking.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sayang yung pera, e. Ipapagawa ko tapos gaganunin na naman nila.

“So, sabi ng Mommy ko, ‘Sige, mahanap tayo.’ ‘Tapos nakita nga namin yung studio type.

“’Tapos nag-decide kami na kami muna, susunod na lang sina Mommy.

“’Tapos, maghahanap na lang kami within the area na malapit lang para sama-sama kami.

“Yun yung reason, pero hindi talaga pinag-usapan na, ‘Tara, live-in tayo!’ Wala pong ganun.

“Kumbaga, hindi lang namin naisip na, ‘Ay, baka may makakita sa atin, ganun ang pag-iintindi sa atin…’

“Ganun lang po... ganun lang talaga.

“Doon lang talaga ako nagkamali at hindi ko naisip na live-in pala yung gagawin namin.”

HOW ABOUT JOHLAN? Hindi naman daw magiging kawawa si Johlan, ayon kay Edgar, sa hiwalayan nila ng tirahan.

“She’s dealing with her family at babalik rin naman siya sa pamilya niya,” sabi niya.

Itinanggi ni Edgar na suportado niya financially si Johlan at kahit hindi na sila magkasama sa bahay, susuportahan pa rin raw niya ito.

“A, wala naman po kaming problema sa finances.

“Yun pong nag-iipon kaming dalawa, hindi po.

“May sarili siyang pera, may sarili rin naman ako.

"Kumbaga, hindi namin pinakikialaman yung pera ng isa’t isa.

“Kung ano yung pera niya, pera niya. Kung ano yung pera ko, pera ko.

“Bumalik siya sa family niya, inaayos niya yun. Na-miss rin siya ng mommy niya.”

FAMILY’S REACTION. Ano ang naging reaksiyon ng pamilya ni Edgar nang umuwi na siya sa kanila?

“Ay, yung pamangkin ko, masaya. Kasi yung pamangkin ko, lumalaki na kasi, wala naman siyang daddy.

“Yung ate ko ang tumatayong magulang saka yung mommy ko.

“So, ako na lang yung tumatayong tatay niya… naggagabay sa kanya sa pag-aaral.

“So, yun nga, natuwa yung pamangkin ko sa pagbabalik ko. Kung ano yung gusto niya, naibibigay ko.

“Natutuwa naman ako dahil matataas yung grades niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga kapatid ko, natuwa naman dahil na-miss nila ako.

“Nakakausap na nila ako sa gabi pagdating ko galing work and ‘pag wala akong masyadong ginagawa,” kuwento niya.

Nanibago rin si Edgar nang bumalik siya sa poder ng ina at mga kapatid matapos ang isang taong pagkakahiwalay niya sa kanila.

“Siyempre, maninibago ka sa pagtulog pero masaya ka.

“Masarap sa pakiramdam kasi wala kang iniisip na kailangan mo pang gawin ito… yung ganyan.

“Kumbaga, yung focus mo nasa kanila at sa trabaho.”

CLOSE TO FAMILY. Sa paniniwala ni Edgar, tanggap daw ng pamilya niya si Johlan.

“Opo tanggap naman po, nagkaroon lang ng problema nung last year, nung malaman nga tungkol sa amin.

“Kasi siyempre, hindi nagkausap-usap nang maayos.

“Kumbaga, hindi nagkalabasan kung ano ang nararamdaman talaga.

“Pero as of now naman, isa rin sa mga dapat kong ayusin para maging mas light yung…

“If ever na magkita yung family ko at siya, okey sila, walang isyu o walang ilangan.”

DEPARTED FATHER. Naikuwento ni Edgar na isa sa mga pinaglalabasan niya ng sama ng loob ay ang yumao niyang ama.

Kamakailan ay bumisita si Edgar sa puntod ng ama dahil hindi na niya kayang dalhin ang mga problema niya.

“Bago po ako manalo sa EnPress [Golden Screen Awards], malungkot lang po ako no’ng mga araw na yun dahil nga sa mga issues na naririnig ko.

“Pumunta ako sa kanya, doon ako umiyak.

“Kumbaga, na-miss ko lang siya… kailangan ko ng tatay nung araw na yun.

“Pumunta ako doon, naglabas lang ako ng lungkot ko.

“Yun nga, may natanaw akong aso… malayo. As in talagang malayo, seryoso… ikot siya nang ikot.

“Sabi ko, ‘Dy, kung nasaan ka man, alam kong nandito ka lang, bigyan mo naman ako ng tamang pag-iisip, mga desisyong gagawin ko.’

“’Tapos, after 30 minutes, palapit nang palapit yung aso. Alam mo yung asong naglalaro sa damo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natanaw ko siya doon ‘tapos huminto yung aso, doon nagkamot, doon humiga. Kasi ang sarap ng hangin, e.

"Sabi ko, ‘Daddy alam ko ikaw yan.’ Although, takot ako sa aso, ha!

“Alam kong siya ’yan, kasi yung aso puti, ‘tapos maamo yung mukha.

“Alam mong hindi ka tatahulan, hindi ka hahabulin.

“Tapos, sabi ko sa kanya, ‘Dy, yung kotse ko. Alam ko nakita mo na ’yan, magwa-one year na sa March.’

"After kong magdasal, lumapit yung aso sa kotse ko, inamoy niya yung tambutso… yung likod lang ang inamoy niya.

“Sabi ko, ‘Dy, aalis na po ako.’ Nakita ko yung aso, lumayo siya.

“Pagpunta ko sa [puntod ng] lola ko at nagdasal ako… kasi malapit lang naman, e.

“Pagkadasal ko sa lola ko, paglapit ko sa kotse, yung aso tumatakbo nang palayo.

“’Tapos text agad ako sa mommy ko. Kasi before, nagparamdam na rin siya—may butterfly naman.

“Then yun nga, yung sa Golden Screen, ipinakita ko sa kanya [his late father] yung award ko, pumunta ako sa kanya 12:30 ng tanghali, bitbit ko yung award ko.

“Sabi ko, ‘Dy, pangalawa na ito, alam kong kasama mo akong lagi... sana bigyan mo pa ako ng pangatlo.’ Ayun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN