Frencheska Farr admits to being frustrated at her singing career; wishes for another acting project after Kokak

Frencheska Farr says she has no projects in line after Kokak as she sums up her wish to have follow-up shows: “Hindi po, ang gusto ko lang po ay magtuluy-tuloy yung work at kahit man lamang maging visible sa TV, na maliban sa Party Pilipinas, mapanood rin ako sa mga program na pang-every day gaya ng Kokak at yung Captain Barbell… Sana, sana."


Nababakante ngayon ang acting career ni Frencheska Farr dahil matapos ang Kokak, na pinagbidahan ni Sarah Lahbati sa GMA 7, ay wala pang follow-up project ang singer-actress.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Frencheska, pabiro siyang naghihimutok tungkol sa status ng kanyang career.

“Wala po talaga… Sana nga po bigyan ako ng panibagong project,” sabi niya.

Meron daw sanang gagawing movie project si Frencheska pero hindi ito natuloy.

“Dapat po sana kasama ako dun sa Just One Summer nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, kaya lang hindi nagka-swak sa schedule, sayang…

“Nanghinayang po ako talaga kasi medyo matagal-tagal na rin yung Emir.

“Pero talagang gano’n, hindi po yata para sa akin yung project… Maghihintay na lang po ako ng bago.

“So, yun po. Panawagan mo!” tumatawa niyang sabi.

“Ipinagpi-pray ko naman na sana masundan yung project ko na Emir, or kahit na anong project na puwede kong gawin.

“Pero as of now, bukod sa Party Pilipinas, meron akong Hope For The Flowers musical.

“Nag-gala na kami at ang regular showing sa August pa.”

NO PROJECTS. Kahit mga bulung-bulungan na magkakaroon siya ng follow-up TV project ay walang naririnig si Frencheska mula sa GMA Artist Center, ang kanyang management office.

“Nalulungkot po ako, nalulungkot po talaga ako!” bulalas ni Frencheska saka tumawa.

Nalulungkot ba siya dahil hindi siya visible sa telebisyon at baka mabawasan ang kanyang popularity?

“Hindi naman po sa popularity dahil wala naman po ako doon,” rason niya.

“Hindi po, ang gusto ko lang po ay magtuluy-tuloy yung work at kahit man lamang maging visible sa TV, na maliban sa Party Pilipinas, mapanood rin ako sa mga program na pang-every day gaya ng Kokak at yung Captain Barbell… Sana, sana.

“Kinukulit ko rin po yung handler ko na sana magkaroon pa ako ng isang pang show bukod sa Party P.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINGING CAREER. Nakilala si Frencheska nang manalo siya sa Are You the Next Big Star singing search ng GMA-7 noong 2009.

Naririnig naman siyang kumakanta ng mga fans niya sa Party Pilipinas, pero ang tanong ng marami: ‘Ano na ang nangyari sa kanyang singing career?’

“Ayun, Party Pilipinas!” sagot niya.

“At saka gumagawa ako ng sarili kong gigs.

“Naggi-gig ako sa may Chef and Brewer sa Ortigas. Guest lang ako dun and one month lang yun.

“Masaya naman kasi kahit paano, nakakapag-praktis naman ako ng live band na hindi Party Pilipinas.

“Iba kasi yung sa live band at sa live stage. Saka nakakanta ko yung mga kantang gusto ko.

“So, ayun, ginawa ko na lang siyang training ground.”

MUSIC ALBUM. Hindi rin nakagawa ng album si Frencheska na dapat sana ay na-achieve niya bilang big winner ng Are You the Next Big Star.

“Hindi ko po alam," sagot ng dalaga nang tanungin namin kung ano na ang nangyari rito.

Dagdag pa niya, “Hindi ko masabi, hindi ko pa talaga alam. Kahit nga po ako nagtataka, e."

Minsan naiisip raw ni Frencheska kung ano ang kinahinatnan ng kanyang pagkakapanalo, pero nanaig pa rin sa kanya ang pag-asang baka dumating pa rin ang kanyang suwerte.

“Baka hindi pa talaga time.

"So, iniisip ko na lang siguro may darating pa sa akin na medyo natatagalan pa or nata-traffic.

“So, naghihintay pa rin po ako.

“At habang naghihintay ako, sumasali na lang ako sa mga workshops ng Artist Center para kahit paano, ma-hone pa yung talent ko at saka may ginagawa ako kahit paano.”

PROFESSIONAL SINGING. Nahihirapang maghagilap ng sasabihin at irarason si Frencheska, gaya ng hindi niya nagawang i-professionalize ang kanyang singing talent.

“Uhm... sa ngayon, gusto ko lang kumanta nang kumanta muna hanggang sa ma-reach ko kung hanggang saan ako.

“Ipinagdadasal ko pa rin na meron pa, meron pa sanang dumating,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napu-frustrate ba siya sa kanyang singing career?

“Minsan… actually, maraming times na siyempre, lahat naman siguro pinagdadaanan yun kapag natengga ka ng saglit, di ba?

“Siyempre, mapa-praning ka ng konti na, ‘Bakit kaya gano’n? Ano na kaya ang nangyayari?’

“Pero ngayon, habang bakante ako na wala pang ginawang projects, nakakapag-isip-isip ako.

“’Ano kayang puwede kong gawin kung hindi talaga para sa akin ang showbiz?’ or ‘Ano pa kayang puwede kong gawin para ma-improve pa sa singing at acting?’”

COMPETITION. Mas nauna pa si Frencheska pumasok sa showbiz kaysa kay Angeline Quinto pero malayo na ang narating nito sa pagkatapos manalo sa Star Power.

Hindi ba siya nakakaramdam ng inggit kay Angeline?

“Actually, hindi—not at all,” mabilis niyang tugon.

“Actually, pinapanood ko nga rin siya, e.

“As a singer, hindi inggit yung napi-feel ko, e.

“Parang, mas nagiging proud ako na, at last, may bago na nandun na sa taas.

“I mean, ang hirap nun, di ba? Kasi ’pag nagsimula ka, ang hirap, ang hirap i-push ang career.

“Happy ako for her na nandun na siya ngayon."

Dagdag pa ni Frencheska, “Everytime na nakikita ko siya, nasasabi ko na lang sa sarili ko na, ‘I’m sure meron rin naman akong siguro ibang direksiyon’ or ‘Baka naantala lang.’

“Pero wala talagang inggit at all...

“Basta, napu-frustrate lang ako… napu-frustrate ako ng konti!” tumatawa niyang sambit saka nagseryoso.

“Hindi, baka ano lang… baka may ibang para sa akin or hindi pa talaga time.

“Kahit naman anong gawin push, kung hindi ibibigay sa iyo ni Lord, hindi pa time, hindi pa ready, e, hindi pa talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN