Barbie Forteza on having a new loveteam partner: "Kahit ayoko, hinahanda ko na ang isip ko na hindi ako mabibigla."

Barbie Forteza is one of the leading tween stars of GMA-7 and has appeared in several teen shows. Being a teen star, she has also been paired with other male teen stars, notably Joshua Domingo. Both have gained a throng of fans as a loveteam. To keep track of her fans, Barbie maintains a Twitter account.


Among the cast of the weekly youth-oriented series Tween Hearts, si Barbie Forteza lang ang nagsuot ng two-piece sa summer episode nila na kinunan sa La Virginia Resort sa Mataas Na Kahoy sa Batangas noong isang linggo.

Pero nilinaw naman ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kahit naka-two-piece siya, may suot pa rin daw siyang shorts.

Kaya sabi namin sa kanya, wala pala siyang inhibition pagdating sa pagsusuot ng mga sexy swimwear.

“Pinaghirapan ko yun, e. Nag-diet ako nang bongga ’tapos itatago ko lang, di ba?” natatawa niyang sabi.

“Pero actually, hindi naman po ako ganoon katagal nag-diet.

“Noong nag-Palawan kami, medyo tumaba po kasi ako ng konti kaya kailangan ko pong mag-diet ulit.”

Pero natatawang pag-amin niya rin, diet lang daw talaga ang ginagawa niya dahil tamad siyang mag-exercise.

Paanong diet ang ginawa niya?

“Kasi po madalas, mahilig akong magkutkot ng mga junk foods. So, yun po ang iniwasan ko.

“’Tapos, more on tubig lang po. Nakakabusog po kasi ang tubig, e.”

NEW LOVETEAM. May mga fans naman ng loveteam nina Barbie at Joshua Dionisio, ang JoshBie, ang nagre-react na hindi na ang binata ang kasama niya sa kanyang bagong show, ang Tweets For My Sweets.

Si Elmo Magalona ang kapareha rito ni Barbie.

Paano niya mabibigyan ng konsuwelo ang mga tagahanga nila ni Joshua?

“Ano po kasi, parang ang hirap nilang paliwanagan lahat.

“Yung iba, kapag sinasabi ko na hindi naman personal, work lang naman, sasabihin nila, ‘Hindi, gusto ko talaga kayo ni Joshua!’

“Alangan naman na makipagkulitan pa ’ko, e, ang dami-dami nila!

“So, doon sa mga naniniwala sa akin at patuloy na sumusuporta, maraming salamat… pati yung kay Joshua," sabi ng teen actress.

Sa mga hindi nakakaunawa, paano?

“Thank you na rin kasi, kahit papaano, naging concern sila na maghihiwalay na kami ni Joshua.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talagang maghihiwalay na ba sila as loveteam at sa Tween Hearts na lang sila mapapanood? May kumausap na ba sa kanila sa management?

“Hindi po, e. Basta na lang po namin nalaman," sabi niya.

Malakas ang loveteam nina Barbie at Joshua at malakas din sa mga fans ang loveteam nina Elmo at Julie Anne San Jose.

Hindi ba siya natatakot na may mga fans din ng dalawa ang magalit?

“Siyempre, ang lakas din ng team-up nila. Ewan ko po, nagulat lahat.

“Pati ako, nagulat na lang din ako. Siguro po, makakaraos din," sagot ni Barbie.

PRESSURE. May pressure ba siyang nararamdaman din sa loveteam nila ni Joshua?

“Siyempre po, kasama na rin po yun. Pero karamihan naman po, kilala ko na rin po.

“Nagpupunta sa mall show kaya close na rin kami ni Joshua.

“At para sa kanila, doon sa karamihan, nagi-get nila na desisyon ng network.

“At nirerespeto ko naman po ang desisyon ng GMA kasi sila naman po talaga yung may alam kung ano ang mas nakakabuti para sa amin.”

On her part, okay na rin ba siya na susubukan naman ang tambalan nila ni Elmo ngayon?

“Opo… magkaibigan na rin naman po kami ni Elmo.

“Nagkasama na po kami sa Pilyang Kerubin at saka sa Party Pilipinas, nagkikita po kami.

“At saka, hindi ko naman po sinasara yung isip ko na porke’t si Joshua… siyempre darating din naman ang point na iba na ang partner ko.

“Actually, dati pa… kahit ayoko, hinahanda ko na ang isip ko na hindi ako mabibigla.

“Well, nabigla ako, pero hindi ako ganoon kahirap mag-a-adjust kasi handa na ko.”

Sila ni Joshua, napag-usapan din ba nila kapag ipinapareha na sila sa iba?

“Wala naman po. Kumbaga, nandoon naman kami na part na ng trabaho yun.

“At saka, kami naman ni Elmo, ang pagkakaalam ko po sa bagong show ni Ate Marian [Rivera], hindi kami as loveteam, magkasama lang kami," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOW WITH MARIAN. Kung may isang ikinatutuwa man daw si Barbie, ito ay ang makasama niya sa isang show si Marian na mula pa noon ay iniidolo na raw niya.

“Sobrang sikat na po ni Ms. Marian ’tapos mapapasama pa po ako.

“First time ko pong nakatrabaho si Ms. Marian.

"Actually, nakasama ko na siya, pero extra pa lang po ako noon, sa Darna po.

“Ako po yung isa sa mga bata sa bahay-ampunan," sabi ni Barbie.

Ano naman ang inaasahan niya ngayong makakatrabaho na niya si Marian?

“Masaya po. Hindi po sa nagpapaka-plastic, pero idol ko po talaga si Ate Marian, MariMar pa lang.

“Sinusubaybayan ko na po ang DongYan [loveteam] hanggang sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

“Yung Amaya, hindi ko na po masyadong nasubaybayan kasi nga, medyo busy na po.

“Pero, iba po yung loveteam nila kasi nga, hindi pilit. Alam mo ang totoo.

“Ewan ko, nasu-sweet-an ako sa kanila.”

TWITTER. Isa rin si Barbie sa mga masipag mag-post ng status sa kanyang Twitter account. Sa kanya, ano ang nakikita niyang advantage ng paggamit ng naturang online site?

“Mas nakikilala po kami ng mga fans, lalo na yung mga nasa ibang bansa. Doon ko nakakausap sa Twitter.

"Ang disadvantage naman po, walang privacy.

“Kumbaga, may mga bagay na gusto kong i-tweet, pero hindi puwede kasi masyado nang public ang Twitter ko," sabi niya.

Kapag may mga bashers, ano ang ginagawa niya?

“Dedma!” natatawang sabi niya.

“Kasi, kapag may pinatulan ako, magtatampo ang mga fans.

“’Bakit sila nire-replayan mo, ikaw, wala ka nang panahon sa amin?’

“Kapag may sinagot po akong isa, kahit basher man o hindi, nagtatampo ang iba.

“Minsan po nire-replayan ko ang iba kaso minsan nagtatampo po. Kasi minsan, sunud-sunod na po, hindi ko na ma-replayan lahat.”

May mga below-the-belt na rin bang tweet sa kanya ng iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami! Natatawa na lang ako kasi pina-follow pa nila ako, e, haters ko sila.

“Parang bakit pa nila ako pina-follow, e, ayaw nila sa akin?

“Bandang huli, parang sila pa yung naasar kasi, hindi ako sumasagot.”

HOLY WEEK. Ngayong Holy Week daw ay sa bahay lang mananatili si Barbie.

“Sa condo lang po kami.

"Kung saan-saan naman na po kasi kami nagpunta—Palawan, kung saan-saan pa po.

“So, papahinga muna po ako.

“Hindi naman po kasi talaga kami masyadong lumalabas kapag Holy Week, kumbaga, pahinga lang,” panghuli niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN