Part 2 JC de Vera open to joining Cosmo Bachelor Bash: "Bakit ako tatanggi? ...Okay lang, paghahandaan.”

JC de Vera’s dream role? A boxer. He says, "Iyong mapapakita mo kung ano talaga ang lifestyle ng mga boxer, kung paano sila nabubuhay kung paano sila nakaka-survive hanggang ma-reach nila yung top, kung paano sila bumabagsak, yung mga ganun.”


Hindi pa nagpo-pose for Cosmo si JC de Vera at hindi pa rin siya nakakaranas rumampa sa Cosmo Bachelor Bash.

“Wala pa kasi nasa Bench ako dati. Magkasunod yun, Bench muna tapos Cosmo,” pahayag ni JC.

Sa Bench ay nakarampa na si JC ng dalawang beses.

In-offer-an ba siya ng Cosmo?

“Hindi ko alam. Hindi ko rin alam, e.”

Bakit hindi siya nagko-Cosmo?

Iyon din ang tinatanong ko nga rin,” at natawa ito.

Papayag siya?

“Bakit naman hindi?

“Oo e, ano yun, parang malaking tulong din yun para sa akin, exposure din siya, bakit ako tatanggi? Siguro kung may offer at kung alam ni Tita Annabelle [Rama], okay lang, paghahandaan.”

TOUGH SCENE. Anong eksena sa Valiente ang nahirapan si JC nang husto?

“Ah, marami! Pinaka? Hmmm. Well merong isang eksena na kasi yung transition ng character ko from Gardo naging Nicholas Valiejo so from mahirap, naging CEO ng isang kumpanya.

“So pinag-aral siya sa iba’t-ibang bansa, pinag-aral ng English pinag-aral ng business. Nung naging CEO kailangan corporate English ang gamit mo di ba?”

Mahirap iyon?

“First time ko na gumawa na ikaw talaga yung CEO, yung pinaka-boss ng buong kumpanya, lahat ng tao ang tawag sa iyo boss, tapos lahat ng conversations ninyo, lahat ng eksena ninyo English, kailangang confident, bossy.

“E, di ba lahat ng ginagawang kong soap puro ganito lang, mahirap, simpleng karakter.”

Magaling naman siyang mag-English…

“E, siyempre pag hindi ko napapraktis madalas yan e mangangalawang din yan, di ba?

“Kaya nahirapan ako plus nahirapan ako talaga kapag kaeksena ko si Tito Pip [Tirso Cruz III] at si Tito Mike [Michael de Mesa], e. Magagaling e, magaling talaga sila, e!

“Talagang remarkable, alam mo yun? Kaya sasabay ka sa kanila kasi parang pag hindi ka nakasabay e, hindi ako Valiente, di ba?

“Kaya ayun hirap na hirap ako pag silang dalawa kasi lines nila memorized nila, hindi sila marunong mag-buckle, hindi sila marunong mag-take 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag nagte-take 2 sila pumapalakpak ako, ‘Yehey, nagkakamali pala kayo!’

“Yung mga ganun,” at napatawa si JC.

“Kaya iyon yung aim ko, na kailangang makasabay ako sa kanila.

“Tinutulungan naman nila ako, sinusuportahan nila ako. Minsan magpapaturo ako sa kanila, minsan hihingi ako ng tips.

“E, ako naman ever since ganun ako, pag hindi ko talaga alam, magtatanong talaga ako na ‘Pasensiya na po kayo pero hindi ko po talaga alam atakihin itong eksena na ito.’”

DREAM ROLE. May dream role pa ba si JC na gusto niyang hilingin sa TV5?

“Gusto ko si Ben 10,” at muling natawa si JC. Siyempre kahit sino naman siguro gustong makagawa ng isang superhero na role na yung alam mong kilala, di ba?

“So iyon, isa yun, Ben 10.

“Tapos meron akong isang character na gustong gawin, yung basta ano rin siya e, anime rin.

"Isa siyang boksingero, ang pangalan niya si Ippo Makunotchi. Knockout ang pangalan ng show, anime din siya.

“Japanese siya, parang isa siyang boxing show. E, di ba, dito sa atin, hindi pa talaga nagkakaroon ng talagang full-length na boxing show.”

Gumanap na siya dati bilang isang boksingero noong nasa GMA pa si JC.

“Siyempre since malaki na yung popularity ng boxing dito sa Philippines, siyempre kahit papaano gusto ko ring maging part nun.

"Iyong mapapakita mo kung ano talaga ang lifestyle ng mga boxer, kung paano sila nabubuhay kung paano sila nakaka-survive hanggang ma-reach nila yung top, kung paano sila bumabagsak, yung mga ganun.”

PROSTHETICS. Twenty minutes ang inaabot para mailagay ang prothetics ni JC sa Valiente, na kung saan nasunog kasi ang mukha ni Gardo [JC] sa kuwento. First time ni JC na malagyan ng prosthetics.

“Oo kahit sa GMA wala, ito yung mga naliligtasan ko doon.

“Ngayon hindi ako nakaligtas wala akong choice,”sabay-tawa muli ng hunky actor.

Hindi ba siya naiilang sa prosthetics niya; naaapektuhan ba ang acting niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman. Ano lang minsan, talagang hindi mo maiiwasan kasi talagang mainit sa mukha. So talagang gusto mong tanggalin talaga dahil sa sobrang init.

“Pero wala e, ano’ng gagawin ko?”

Hindi siya nag-aalala na baka matanggal during the take?

“Hindi, hindi naman. Maayos pa rin naman. Mas smooth pa siya kasi nakakadagdag naman talaga sa character, so kung ano yung inis na napi-feel ko dito sa prosthetics, ganun din naman talaga sa character kaya bagay lang, sakto lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN