Marian Rivera, Alden Richards, Bea Binene, and other stars reveal how they maintain their closeness to God

(Top row, L-R) LJ Reyes, JM de Guzman, Marian Rivera, Martin Escudero, and Sarah Lahbati; (bottom row, L-R) Mike Tan, Angelika dela Cruz, Alden Richards, Ryza Cenon, and Paolo Contis.


Sabi nila, iba ang mundo ng showbiz.

Ibang-iba sa normal na ginagalawan ng mga ordinaryong tao. Narito na nga raw sa showbiz ang iba’t ibang klase ng temptasyon. Iba’t ibang klase ng kinang na kung mahina-hina ka, posibleng sa maling paraan ito magagamit.

May nagsasabi rin, madalas, nakakalimot lalo na ang mga artista sa Itaas na kadalasan ay dala na rin ng uri ng trabaho at mundong ginagalawan. Iba ang oras. Iba ang mga prayoridad.

Madalas din, ang mga artista ay nahuhusgahan na agad.

Pero naniniwala kami na ang pananampalataya ay personal na relasyon ng tao sa Diyos kahit ano at sino ka man.

Ngayong Mahal Na Araw, ilan sa mga artista ang kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano ang relasyon nila sa Diyos.

Mas lumalim ba ang intimacy o relasyon nila sa Panginoon mula nang pumasok sila sa mundo ng showbiz o nabawasan? Nawala kaya?

Ilan sa kanila, nang marinig ang naturang tanong ay tila napatigil, at saka lang napaisip. Kumusta nga ba ang relasyon nila sa Itaas?

SAM CONCEPCION

“Habang tumatagal ka sa industry, kailangan yung foundation mo, mas nagiging strong din. Kasi, mas maraming ine-expect sa ‘yo ang mga tao. Yung responsibility, mas mataas so kailangan mas grounded ka. So, I think, I’ve come closer [to God].

“Kasi, the more na marami ang nang-iintriga sa ‘yo, mas marami kang kailangang i-face na challenges, mas strong ka dapat in the Word and kay God.”

JM DE GUZMAN

“I’m more intimate. Simula po nang ibigay sa akin ang mga blessing, simula po noong Kristine, Midnight Phantom, yung maliliit na roles... Sa Kanya lang po akong talagang naniniwala. Naniniwala ako sa Kanya. Naniniwala ako na ibibigay Niya.

“Kaso, dumating po na ang dami nang nangyayari, medyo napalayo ako. At hindi ko po ginusto yung nangyari sa akin. Parang mabilis akong mapagod. Gusto ko nang umayaw. Hindi ko na naa-appreciate yung maliliit na bagay. So, bumalik po ako sa Kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARTIN ESCUDERO

“Sa totoo lang, sasabihin ko sa inyo at sa inyo ko lang ‘to sasabihin. Noong ako’y bata pa, naririnig ko Siya sa mga magulang ko. Nagdarasal kami. Pero hindi ko talaga alam kung ano ang tunay na ibig sabihin.

"Nalaman ko lang noong matuto akong magbasa ng Biblia. Noong ako’y disi-nuebe. Noong ako’y maraming pinagdadaanan. Pero ngayon, masasabi ko na mas kilala ko ang Diyos kesa sa sarili ko.”

ENZO PINEDA

“Noong naging artista ako, mas naging close ako kay God. Especially because I have so many blessings to be thankful for. And I know na nilagay ako ni God dito sa show business, not just to perform or to do this and that but also to inspire other people.

“So, yun, marami akong napapasaya na tao. Nakakatuwa na maraming tao ang nagmamahal sa ‘yo. And you’re doing this not because you want fame or you want money or anything else but you [want to give] back to other people."

MIKE TAN

“Mas napalayo ako kasi, may ups and downs sa showbiz. Siyempre, nakuwestiyon ko rin ang faith ko kung saan ako nagkulang. Pero ngayon, pinipilit kong ibalik. Kaya lang, hindi ko rin maiwasan na may trabaho ka.

"Sana mas maging intimate ako. Pero sinisigurado ko naman na sa isang araw, nakakapagpasalamat ako sa Kanya.”

SARAH LAHBATI

“I personally think that my relationship with God got more intimate when I entered showbiz and it made me realize a lot of things also. Through trials ko, natutunan magtiwala sa Kanya not on my own.”

ANGELIKA DELA CRUZ

“Mas naging intimate [ako sa Diyos] lalo sa dami ng mga pinagdaanan ko the past years, mas lalo akong kumapit sa Kanya. Mas happy ako.”

CARLO GONZALEZ

“I can say that my relationship with God grew stronger now that I’m doing what I love to do and He’s been giving me blessings after blessings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He has always been by my side throughout this path I’ve taken so I just [want to] give back the glory to Him by learning, excelling, and sharing my craft.”

CHYNNA ORTALEZA

“Wala namang difference. Sustained pa rin ang relationship ko kay God. Ever since bata ako, hanggang ngayon. If ever man, nag-deepen ang conversations namin, because of my age, not because of showbiz.”

BEA BINENE

“Mas naging malapit po ako sa Kanya. We go to church everytime na kaya po. At hindi ko po nakakalimutang mag-pray.”

LJ REYES

“Feeling ko, mas naging intimate. Napakagulo ng buhay-showbiz at tanging si Lord lang talaga ang masasandalan mo.”

ALDEN RICHARDS

“Simula po nang mag-showbiz ako, mas naging matindi po ang kapit ko sa Diyos. Noong estudyante pa lang po ako, aaminin ko po, sometimes I take Jesus for granted. Minsan po, mas gusto ko pang gumala kesa magsimba. Pero noong mag-showbiz ako, marami po akong kamaliang natutunang baguhin. Parang lahat po ng ginagawa ko ngayon, para sa Diyos.

“I owe everything to Him and lagi ko pong dasal sa Kanya—your will be done at Siya na po ang bahala sa akin. Hindi na po ako hihiling kasi alam ko po may plano siya para sa akin at sa ating lahat po.”

RYZA CENON

“Pareho po. May nadagdagan at nabawasan. Nadagdagan kasi, lalo na ngayon na nag-iisa lang ako, si Lord lang ang lagi kong nakakausap kapag may problema ko. Siya lang ang kakampi ko sa lahat ng bagay.

"Nabawasan kasi minsan, hindi na ako nakakapagsimba dahil sa schedule ko. Pero bago ako matulog, kinakausap ko po siya palagi.”

PAOLO CONTIS

“Masyado akong bata nung nag-showbiz to say that, e. But I can say that I became closer to God when I started my own family. Mas naging madasalin at lumakas ang faith ko sa Kanya noong may pamilya na ako. Lalo na ngayon, naa-addict kami ni Lian [Paz] sa Bible.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIAN RIVERA

“Simula noon, hanggang ngayon, same pa rin. Kasi, pinalaki ako ng lola ko na kailangan nagsisimba at hindi nakakalimot. Mas tumindi lalo kasi napakarami kong blessings na ibinibigay Niya at unexpected lahat kaya never mawawala ang pagmamahal ko sa Kanya. Pagod man o busy palagi, Siya ang nasa isip ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN