Angelo Castro Jr. had a "beautiful" death according to his son; former President Erap Estrada grieves over his best friend’s death

“Very beautiful. We were all beside him. We saw him through it. He talked through writing. He has lung cancer so he had a hard time talking. His last words were ‘Let me go.’ He’s telling us to let him go," says Diego Castro about the last moments of his father, Angelo Castro Jr. The veteran broadcast journalist passed away on Maundy Thursday, April 5.


Sumakabilang-buhay kaninang 1:11 p.m., April 5, ang multi-awarded broadcast journalist at former actor na si Angelo Castro Jr.

Binawian ng buhay si Angelo sa St. Luke’s Medical Center Quezon City pagkatapos ng pakikipaglaban niya sa lung cancer.

Siya ay 67 years old.

Taong 2008 nang ma-diagnose ng mga doktor ang sakit ni Angelo.

Binigyan siya ng taning na three months to live pero humaba pa ng apat na taon ang kanyang buhay.

Naka-confine din sa St.Luke’s Medical Center ang asawa ni Angelo na si June Keithley dahil din sa sakit na kanser.

BEAUTIFUL DEATH. Ayon sa anak nina Angelo at June na si Diego Castro, dati ring artista, kumpleto ang kanilang pamilya sa bedside ng kanyang ama nang pumanaw ito.

Hawak ni June ang kamay ng asawa hanggang malagutan ito ng hninga.

Kuwento ni Diego sa exclusive interview sa kanya ni Tony Velasquez ng ANC kanina, “Very beautiful. We were all beside him. We saw him through it.

“He talked through writing. He has lung cancer so he had a hard time talking.

“His last words were ‘Let me go.’ He’s telling us to let him go.”

Ang news channel ng ABS CBN na ANC ang huling network na pinaglingkuran ng namayapang broadcast icon.


ERAP’S BEST FRIEND. Si former President Joseph Estrada ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Angelo dahil nagkasama sila noon sa mga pelikula.

Nagbabakasyon sa Hong Kong si Erap nang malaman niya kanina ang nangyari sa kanyang kaibigan.

Sa panayam sa kanya ni Tony Velasquez, sinabi ng dating pangulo ang sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman.

Pahayag ni Erap, “Nabalitaan ko nga ang masakit na balita na namatay ang aking kaibigan na si Angelo.

“He’s been a very good friend of mine ever since. A person of principle, may paninindigan.

“He’s a good family man, a good father, a very good friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala siyang kaaway. He’s a big loss.

“A very respected broadcaster in ANC and ABS-CBN.”

Kuwento pa niya, “Suwerte ko nga, nakabisita ako sa kanya noong nakaraang buwan at nagkausap kami.

“He was in good mood nang mabisita ko siya, pati si June Keithley.

“Nalulungkot nga ako dahil pareho silang may sakit.

“As a friend, I really feel bad about his passing away.

“Buti na lang, nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ko siya.

“Hindi ko akalain... nagbibiruan pa kami. Alam mo na, masayahin naman si Angelo.

“He was one of my good friends in showbiz. He’s a big loss to me as a friend.”

Sa Lunes, April 9, pa ang balik ni Erap mula sa Hong Kong.

Umaasa siya na maaabutan pa niya ang burol sa labi ng kanyang matalik na kaibigan.

Agad na ipina-cremate ang bangkay ni Angelo at nakaburol ngayon sa tahanan nila sa Quezon City ang kanyang abo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN