Andrea del Rosario presents her miracle baby, Beatrice Anne: "Wala akong ibang ginawa kundi ipagdasal siya, at salamat sa Diyos, isang healthy baby na siya.”

Andrea del Rosario proudly shows off her two-year-old, Beatrice Anne, who was born with a congenital condition called Jejunal Atresia. After four operations and a G-tube attached to her tummy when she was a year old, Bea is now a healthy baby girl, who drinks special milk imported from Singapore.


Ngayong Pasko ng Pagkabuhay, kabilang ang dating sexy actress na si Andrea del Rosario sa nagpapasalamat dahil sa maraming grasya sa kanyang buhay at sa kanyang anak na si Beatrice Anne.

Malaki na nga ang pagbubuti sa kalusugan ng kanyang anak na pinanganak niya na maraming komplikasyon sa katawan. Isa ngang kinatakot noon ni Andrea ay baka hindi maka-survive ang kanyang anak dahil bagong silang pa lang ito ay dumaan na ito sa ilang operasyon at kinabitan na ng maraming tubo sa katawan para lang siya mabuhay.

Ngayon ay almost two years old na si Bea, hindi makapaniwala si Andrea sa mga pinagdaanan ng kanyang anak lalo na kapag nakikita niya itong nakangiti at masiglang-masigla.

“Bilang isang ina, hindi mo mapipigilan ang maiyak kasi nakikita mo ang anak mong healthy, laging masaya at parang walang nangyari sa kanya.

“Kapag naaalala ko ang mga nangyari sa kanya noong pinanganak ko siya, hinahanda ko na ang sarili ko sa kung ano ang mangyayari.

“I already lost a baby bago ko siya pinagbuntis. Tapos noong sinilang ko si Bea, maraming kumplikasyon.

"The doctor told me that they are not giving me any assurance if my baby will survive.

"Wala akong ibang ginawa kundi ipagdasal siya, at salamat sa Diyos, isang healthy baby na siya,” ngiti pa ni Andrea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang April 3 sa kanyang bagong bukas na restaurant sa Mandaluyong.

CONGENITAL. Ipinanganak ni Andrea si Bea na may congenital condition called Jejunal Atresia. Pagkapanganak pa lang ni Bea ay inoperahan ito kaagad para maayos ang kumplikasyon sa small intestine nito. Dumaan nga sa apat pang operasyon si Bea.

Noong bumuti na ang kalagayan nito pagkatapos ng isang taon, kinabitan naman si Bea ng G-tube sa kanyang tiyan dahil sa pagkakaroon nito ng “short gut” syndrome. Kailangan daw ay laging nakakabit kay Bea iyon kahit saan ito magpunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero isang milagro nga raw ang nangyari ng aksidenteng matanggal ni Bea ang G-tube na nakakabit sa kanya.

“Tulog kasi si Bea at siguro nahawakan niya at nahila niya yung tube. Natanggal sa pagkakakabit.

“Tinuruan naman akong ikabit ulit ‘yung tube. Pero hindi ko na siya makabit pa ulit. Inobserbahan ko naman si Bea, wala namang nangyayari sa kanya na ikinabahala ko.

“So pinabukas ko na ‘yung pagkabit. Dadalhin ko na lang siya sa doctor para maobserbahan siya.

“So the next day nang dalhin ko siya sa doctor, sabi sa akin na okey na raw na hindi ko na ikabit ‘yung G-tube. Mukhang kakayanin na ni Bea na wala ito.

MIRACLE. “Isang milagro nga kasi sinabi sa akin before ng doctor na she might be attached to that tube for a long time. Kaya hinanda ko na ang sarili ko sa pagdadaanan ng anak ko.

“Pero malaking improvement nga ito for my daughter. Wala naman siyang nararamdaman na kahit ano. Normal ang pagkain niya at pati na ang bowel movement niya.

“But I still have the G-tube on standby just in case. I pray na hindi na namin magamit iyon kasi nga God has healed my daughter paunti-unti. Kaya I really thank Him for all of this.”

Ingat nga lang si Andrea sa gatas na iniinom ni Bea. Hindi puwede sa anumang gatas si Bea na galing sa mga hayop or kahit na soy milk. May special milk siyang pinapa-deliver na galing pa sa Singapore.

“Kahit mahal yung gatas na iyon, bibilhin ko basta para sa anak ko. Hindi pa adjusted ang bituka niya sa mga dairy products. Yung binibili kong milk formula, para talaga sa mga cases na tulad ni Bea.

“Sabi naman ng doctor, she will slowly adjust naman at maiiba rin ang gatas na maiinom niya. Mabilis nga raw ang improvement ni Bea kaya huwag daw akong magulat kung one day, puwede na siya sa mga normal na gatas na mabibili sa grocery,” ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunud-sunod nga ang mga magagandang nangyayari sa buhay ni Andrea. Bukod nga sa magandang kalusugan ng kanyang baby girl, nakabalik na ulit siya sa school para matapos niya ang kanyang naiwang kurso, nakapagbukas siya ng bagong branch ng Longganisa Sorpresa at nakabalik na rin siya sa pagiging busy sa showbiz.

“Magkakasunod nga ang blessings and I thank the Lord for everything.

RESTAURANT BUSINESS. "Itong restaurant business nga, halos mapabayaan ko na nga ito noong nasa Amerika ako noon. Mabuti na lang at hindi ito pinabayaan at nagkaroon pa kami ng second branch. Yung first ay sa SM City North EDSA. Soon magkakaroon kami ng dalawa pang branches.

“Yung school naman, nag-LOA [leave of absence] nga ako because I was pregnant.

"Pero thank God at nakabalik ako. I need to catch up nga sa ilang subjects kaya I’m taking advance classes this summer para makahabol tayo.

“Sa showbiz naman, I had a great time when I did Munting Heredera. I’d like to thank Direk Maryo J. Delos Reyes for being patient with me kasi ang tagal kong hindi umarte talaga.

"Mabuti na lang close to real life ang ginampanan ko roon. Kaya pinaiyak ako nang husto at bumalik ang confidence ko sa pag-arte.

“Ngayon kasi, puro guesting muna ako. Hindi ko pa kayang mag-regular dahil sa mga ginagawa ko with the business and school.

"Kapag adjusted na ako sa lahat, puwede na akong mag-full-time din sa TV.”

FAITH IN GOD. Sa mga pinagdaanan nga raw ni Andrea, naging mas matapang siya at kahit na anong pagsubok pa ang dumating ay makakaya niya. Wala na nga raw sigurong makakatalo pa sa kanyang pakikipaglaban para mabuhay ng normal ang kanyang anak.

“I always pray that God will guide and protect my daughter. Alam ko na may purpose kung bakit siya nabuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I believe that God has great plans for her kaya kailangan ay hanapin iyon ng anak ko.

“Whatever it is, I know that Bea will grow up to be a very strong person tulad ng mommy niya.

"Gusto kong harapin niya ang buhay with a positive attitude. Sa nakikita ko ngayon, my daughter loves life and life loves her back.

“As a parent, nandito ako para suportahan siya at protektahan siya. Walang nakakatumba sa aming mag-ina.

"We both went through the worst, ano pa ba ang hindi namin kayang gawing dalawa?

“Makita ko lang na nakangiti si Bea sabay sinisigaw niya ang word na ‘Mommy,’ it melts my heart.

"I know that she will live a long and happy life,” pagtatapos pa ni Andrea del Rosario.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN