MaRiel (Mahal and Ariel Villasanta): A new love team is born

Mahal (right), who is Noemi Tesorero in real life, and Ariel Villasanta (left) form a loveteam for TV in a special episode of Mommy Elvie@18.


Nagpaparamdam nga ulit sa showbiz si Noemi Tesorero o mas kilala bilang si Mahal.

Nakapanayam nga namin ang “little actress” na si Mahal sa set ng Mommy Elvie@18 sa Provident Village in Marikina City. Sa naturang episode ay gaganap si Mahal as herself at magpapa-link sa kanya ang anak ni Mommy Elvie na si Ariel Villasanta.

Magkakaroon nga sila ng loveteam na kung tawagin ay MaRiel (short for Mahal and Ariel).

Matagal ngang nanahimik sa showbiz si Mahal at sinabi nito na naging busy siya sa ilang shows sa probinsiya.

Umiwas din daw siya sa showbiz dahil sa sunud-sunod na mga intriga sa kanya noon.

PROVINCIAL SHOWS. “Okey naman ako. Marami pa ring raket,” sabi ng 37-year old little actress.

“Kadalasan nasa mga probinsiya ako. Mabenta pa rin ako sa out-of-town shows. Paalis-alis din ako. Puro shows ang ginagawa ko.

“Matagal akong nawala kasi maraming intriga sa akin noon, ‘di ba? Kaya umiwas muna ako. Nagagalit sa akin ang pamilya ko.

“Kaya behave muna ako. Trabaho muna ang inasikaso ko.”

Noong tawagan nga raw siya para mag-guest sa Mommy Elvie@18 ng GMA News TV, um-oo kaagad siya dahil na-miss din daw niya ang lumabas sa TV.

“Na-miss ko rin kasi. Tsaka maganda ang story na gagawin namin ni Ariel Villasanta.

MAHAL MEETS MOMMY ELVIE. “Mali-link siya sa akin kasi gusto niyang sumikat at magugulat si Mommy Elvie kasi ako ang iuuwi ni Ariel sa bahay nila.

“Patutulugin niya ako sa kuwarto pero nasa parang duyan ako. Pinapatulog ako ni Ariel na parang baby,” ngiti pa niya.

Okey lang daw kay Mahal na palabasin na ginagamit lang siya ni Ariel sa episode para sumikat ito kaagad. Hirit ni Mahal ay sanay na raw siyang ginagamit ng kung sinu-sino.

“Ilang beses na akong ginamit, ‘di ba? Huwag na nating banggitin ang mga names nila at hindi na sikat,” sabay tawa ni Mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya okey lang. Trabaho naman ito at hindi totoong buhay. Enjoy ako katrabaho yung mag-ina.

“Tuwang-tuwa nga si Mommy Elvie sa akin. First time niya akong makita ng personal.

"Akala niya totoong bata ako. Nagulat siya nang sabihin ko na 37 years old na ako.”

MISSING TV WORK. Hindi naman daw full-time ang balak ni Mahal sa kanyang pagbabalik. Kung may offer lang daw ay doon lang siya lalabas ulit.

“Okey lang ang mga ganitong pa-taping-taping. Na-miss ko rin. Pero mas priority ko ang mga shows sa probinsiya.

“Maraming nai-book ang manager ko ngayon na mga shows. Kaya kung saan-saan ako nakakarating. Kilala pa rin naman nila ako. Natutuwa pa rin sila sa akin.”

Hinahanap nga raw ng ibang mga nanonood sa mga shows niya ang naging partner niya noon sa Magandang Tanghali Bayan (MTB) na si Mura.

“Nasa TV5 si Mura. May show yata siya roon. Sunud-sunod ang mga shows niya sa TV, e.

“Hinahanap nga siya sa akin. Sinasabi ko naman na busy siya sa TV. Minsan nga sana magkasama ulit kami.

“Huli pa yata kaming nagkasama ay noong mag-show kami sa Amerika. Naging busy na siya sa mga TV shows. Sana nga magkasama ulit kami.”

LOVE LIFE. Pinakilala nga ni Mahal ang kanyang manager ngayon na dati palang boyfriend ng singer na si Mystika.

Tinukso namin na baka ito ang bagong boyfriend niya dahil guwapo ito. Mabilis nag-deny si Mahal.

“Uy hindi, manager ko lang siya. Yun lang ang relasyon namin!” sabay tawa niya.

“Lagi nga nilang tinatanong kung boyfriend ko, pero hindi. Manager lang talaga.

“Ayoko munang mag-boyfriend. Sakit lang ‘yan ng ulo.

“Professional kaming dalawa. Siya ang naghahanap ng bookings and show sa probinsiya kasi marami siyang kilala.

“Trabaho lang muna tayo,” pagtatapos pa ni Mahal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN