Michael de Mesa says he prefers to act rather than direct: “Siguro magdidirek ako, gagawa ko ng pelikula, mga indie."

As one of the pioneers of Valiente, Michael de Mesa (who played the lead role of Gardo in the original ’80s soap), is happy to give advice to the cast of the re-booted teleserye, including JC de Vera (who plays the new Gardo). He says, "Tulung-tulong, pag may nagtatanong, yeah. Pag hindi naman nagtatanong hindi naman ako nag-aano."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor/director na si Michael de Mesa, at naitanong namin sa kanya kung hanggang kailan siya maglalagi sa Pilipinas.

“Hanggang matapos, hanggang May daw ang taping namin ng Valiente,” sagot sa amin ni Michael na sa Amerika na naka-base at umuwi lamang dito upang gawin ang Valiente na drama series ng TV5.

Uuwi ba siya talaga?

“Oo, pero meron akong offer sa GMA e, pero kailangan kong umuwi, muna.”

Tinanggap na niya ang alok ng GMA?

“Hindi pa pinag-aaralan pa, soap siyempre.”

Magkasama kaya sila ng anak niyang si Geoff Eigenmann sa project na ito?

“Hindi siguro, may Legacy si Geoff, e.

“June daw ito, e.

“Umuwi ako noong Christmas tsaka New Year tapos bumalik ako, January.”

Nasa Valiente na rin si Tirso Cruz III na tulad ni Michael ay isa sa original cast member ng orihinal na serye noong dekada otsenta.

“Oo nga, exciting, sobrang exciting!

“Una kaming nagkita once nung October, yung unang dating ko, nagkaroon ng welcome party.

"Dumating siya tapos hindi ko na siya nakita after that. Tapos sa taping na ulit kami nagkita.”

Inalala raw nila yung dati nilang pagsasama sa unang Valiente.

“Naman! Yung ibang mga tao dito, nandun sa original, e. Yung isang cameraman namin, nandun sa original, e.”

TIME SLOT CHANGE. Tulad ng ibang cast members ng bagong Valiente, naapektuhan rin si Michael nang iurong ang time slot nila para bigyan-daan ang Nandito Ako na mini-series ni David Archuleta sa TV5.

“Nanghinayang, parang, ano’ng klaseng move yun? Di ba one week pa lang tapos…

“Ako, personally sana iniwan yung timeslot tapos yung Nandito Ako ang nilagay dun sa ano, e, kami yung tinaas.

"Siyempre affected kami, di ba, tapos balik ngayon [sa earlier timeslot].”

Hindi rin daw na-inform si Michael na iuurong sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi! Hindi sinabi, walang sinabihan. Nagulat na lang [kami].”

Alam niyang naapektuhan ang ratings nila sa naganap na pag-a-adjust noon.

“Definitely! Of course, of course.

"Gabing-gabi, tapos siyempre may mga kalaban kami sa ibang istasyon, di ba?

"Iyon ang gustong panoorin ng mga tao so wala na talagang manonood sa time slot mo.”

ADVICE. Bilang isa sa mga “pioneers” ng Valiente, may input ba siya sa taping or sa kabuuan ng production? May advice ba siya kay JC de Vera na gumaganap sa role niya (as Gardo) twenty years ago?

“Tulung-tulong, pag may nagtatanong, yeah. Pag hindi naman nagtatanong hindi naman ako nag-aano.

“Kay JC, it was more of ano e, a particular scene na he asked me how to attack.

"Yung supposedly wedding nila ni Leona [Niña Jose] tapos meron siyang ire-reveal doon sa wedding.

“Iyon tinanong niya ako kung how to attack. Ayun, binigyan ko naman ng… tinulungan ko naman siya ng konti.”

Napapanood raw niya si Geoff sa Legacy.

“Minsan. Ang laki ng iginaling ni Geoff, ang laki-laki ng improvement.”

Magkatapat silang mag-ama ng show.

“Patapos na, bago kami.”

Pero iyon nga, masasabing magkalaban sila sa ratings. Ano ang masasabi niya doon?

“Wala. It will not affect our relationship, di ba? Parang ano lang yun, part of the job.”

HE PREFERS TO BE AN ACTOR. Bukod sa pagiging artista, direktor rin si Michael dati; wala na ba siyang planong mag-direk ulit?

“Gusto ko rin pero ayokong magdirek ng teleserye siguro for now. Mag-aartista na lang ako.

"Masakit sa ulo e. Kasi ewan ko, malaki ang problema ng sistema, e. Di ba? The system is very unprofessional. Ever since.

“I mean, not just the punctuality, everything, the whole system. Kasi punctuality naman, that’s only one part of being professional but generally the whole industry, the whole system is unprofessional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kung ganun na rin lang, ayokong… paano ko ba sasabihin ito… I’m part of it, I’m part of that unprofessionalism, di ba kasi ganun talaga so, mag-aartista na lang ako.

“Kumbaga kasi pag nagdirek ka, ang sakit sa ulo, e.

"Bibigyan ka ng sequence breakdown which is impossible. Let’s say bibigyan ka ng fifty sequences shoot in a day, airing the next day, meron kang limang baklas [lipat ng lokasyon], di ba kalokohan?

“So kung ikaw ang director niyan, maloloka ka, di ba? Para kang kumuha ng bato, pinukpok mo ang sarili mo sa ulo! Mag-aartista na lang ako.”

At mas malaki ang bayad sa pag-aartista?

“Pareho lang.

“Pero gusto ko magdirek. I’m not closing the doors, I mean magdidirek ako ng teleserye pero huwag naman yung 50-60 sequences. Huwag namang ganun.

“Siguro magdidirek ako, gagawa ko ng pelikula, mga indie [films].”

TERMS. Bakit sa GMA ang next project niya; wala bang follow-up offer ang TV5 after Valiente?

“Wala. Dalawa ang nag-o-offer; ang ABS nag-offer pero hindi nagkasundo sa usapan.

"And then GMA nag-offer so pinag-aaralan namin. Kasi meron akong terms, mahirap e, kasi hindi naman ako dito nakatira so marami akong kailangan, di ba? E hindi na-meet ng ABS yun.

“Ito kung ma-meet ng GMA, fine! Pero kung hindi rin nila ma-meet, e, babalik na lang ako sa Amerika, doon na lang ako ulit, di ba?”

Naghihintay pa rin naman ang iniwan niyang trabaho sa Amerika, at hindi rin naman daw siyang masyadong naapektuhan ng recession sa U.S.

“Health care ako e, basic neccessity. Apektado ng konti pero hindi masyado na yung sagad-sagad talaga.”

Sa Orange County nagtrabaho si Michael bilang director of marketing ng isang ambulance provider.

Isa rin siyang BLS (Basic Life Support) instructor na nagtuturo ng CPR at first aid sa mga nurses at caregivers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN