Djanin Cruz, daughter of Tirso Cruz III, explains why she’s a Vilmanian: “Siya lang yung artista na na-starstruck talaga ako.

Although her father is the other half of the formidable Guy and Pip loveteam of the ’70s, "Mas tsika ko pa si Tita Vi,” says Djanin Cruz, referring to Star For All Seasons and Batangas Governor Vilma Santos. Both happen to be fans of Survivor and Pinoy Big Brother, which Djanin’s brother, Bodie Cruz joined in 2007.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Djanin Cruz sa taping ng My Beloved ng GMA at tinanong namin sa young female star kung okay lang ba sa kanya kung magbabalik-tambalan ang ama niyang si Tirso Cruz III at ang Superstar na si Miss Nora Aunor?

“Ah, if the price is right,” tumatawang sagot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Djanin.

“Why not, if the price is right, go! Bakit naman hindi? Trabaho iyon e,” sinabi pa niya.

Sa mommy ba niyang si Lyn Ynchausti ay okay rin ba kung sakaling buhayin ang tambalang Guy and Pip na naging phenomenal ang kasikatan noong dekada 70?

“Oo naman! Di ba si Mama, Noranian talaga?”

Na-meet na ni Djanin ang Superstar.

“Opo kasi nung nasa States, nung nagsu-show sila ni Papa sa States sinasama kami, iyon pag kakain, nakakasama namin siya, pero hindi yung tsikahan… mas tsika ko pa si Tita Vi,” sabi ni Djanin na ang tinutukoy ay ang Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos.

“Kasi may time na… kasi pareho kaming fan ng PBB (Pinoy Big Brother) ni Tita Vi, so may time, every day yun, pumupunta ako sa bahay niya, hindi pa ako artista nito. Hindi pa nagpi-PBB yung brother [Bodie Cruz] ko.

“Every day nanonood kami 24/7. Magte-text siya ‘Djanin, anong oras ka pupunta dito?’”

CLOSE TO VILMA SANTOS. Paano sila naging close?

"Kasi close sila ni Mama. Nung huling takbo ni Tita Vi nag-campaign sina Mama.”

Alam ni Djanin na masuwerte siya dahil close friends sila ni Governor Vi.

“Sobra! Tsaka ka-BBM ko si Tita Vi, close talaga kami, tsika ko si Tita Vi.

“Kasi sa totoo lang, nung hindi pa kami close, siya lang yung artista na na-starstruck talaga ako.

"As in yung hindi ko ma-contain yung excitement ko nung nandun na siya sa harap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos ngayong friends na kami, tsika na kami, mas sobrang happy ako kasi Vilmanian talaga ako.

“Sobrang bait ni Tita Vi.”

Mas close naman daw si Djanin kay Ryan Recto kaysa kay Luis Manzano.

“Kasi di ba si Luis nasa ano, nakabukod, so si Ryan yung lagi kong nakakasama. Nakilala ko si Ryan, beybing-beybi pa.”

Ayon pa rin sa kuwento ni Djanin…

“Nanonood din si Tita Vi ng Survivor, you know one time dumalaw kami sa shooting niya, yung The Healing, dalaw kami.

“Pagpasok ko sa tent niya, lagi yung may baong TV e, tapos sabi niya, ‘Halika nood tayo ng Survivor!’

“Tapos nung finale na nung Survivor, te-text ko siya, ‘Naku Tita Vi, mag-i-start na ang finale ng Survivor! Nasaan ka na?’

“Wala siyang bet, gusto lang niyang panoorin, nae-entertain siya.”

Kahit daw after the elections at naghihintay sila ng resulta ng bilangan ng balota ay magkakasama pa rin sila sa bahay ni Ate Vi.

As in madalas raw si Djanin sa bahay ni Ate Vi, either sa Alabang o sa Batangas.

“Oo, nag-aaano kami doon, target shooting.

“At di ba fan siya ng PBB? May time na niyaya niya yung mga housemates, yung batch nina Sam Milby na magpunta doon. Mag-target shooting, ganyan.”

ON MARIAN RIVERA. Bukod kay Governor Vi, kaibigan din ni Djanin ang co-star niya sa My Beloved na si Marian Rivera.

Although aminado siya na may pressure pag ka-eksena niya si Marian…

“Kinakabahan ako pag alam kong makaka-eksena ko si Ate Yan [nickname ni Marian Rivera].”

Bakit siya kinakabahan?

“Wala lang, Marian Rivera yun, e.”

Paano niya na-o-overcome ang kaba niya?

“Very ano naman si Ate Yan e, sobra niyang bait, all smiles lang siya lagi tapos…

"Basta nagulat ako kasi nung una ko siyang ka-eksena, una tahimik pa ako, tapos nung ano, nag-relax na ako kasi sobrang bait nga niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos nung unang taping ko, siya pa yung unang lumapit sa akin… hindi naman unang lumapit, kasi nag-iintay kami sa set, tapos lalapit pa lang ako dapat sa kanya.

"Nag-ano na siya, parang lumapit na siyang ganyan. Kasi kilala ata niya ako dahil kay Anna Feleo, e, close sila, di ba?

"Sabi ni Anna kay Ate Yan, ‘Uy si Djanin kaibigan ko yan, makakatrabaho mo siya sa My Beloved.

“So nung nandito na kami siguro, sabi niya ‘Ay ito siguro yun,’ kaya beso-beso, ganyan, tsika.

“Umaalalay rin siya sa mga eksena.

“Kanina nagtsitsikahan kami ni Jennica [Garcia], nagpadala siya ng chichirya. Sobra niyang bait!

“Lagi lang siyang naka-smile tapos lagi siyang nagpapatawa.”

Ang lagi nga raw niyang ka-eksena sa My Beloved ay si Marian, si Jennica, at si Andrea Torres.

PREFERS CONTRAVIDA ROLES. Mabait ang role ni Djanin sa nasabing serye.

“Gusto kong maging salbahe, actually.

“Sa Grazilda noon, nung una, salbahe ako, e di enjoy ako. E, kaya lang bigla kaming ginawang api-apihan so hindi ko talaga siya natuluy-tuloy.”

Hindi pa nakapag-portray si Djanin ng all-out kontrabida role.

“Mas bagay daw sa akin kasi mukha daw akong mataray, e.

“Madami ang nagsasabi kasi na mas bagay sa akin ang mataray at tsaka para maiba kasi halos lahat ng na-portray ko mabait.

“Sa Sinner Or Saint mabait din ako, kaya para maiba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN