Former Pilipinas Got Talent finalist Alakim suspect in wife’s death

Pilipinas Got Talent Season 1 grand finalist Alakim is now facing charges of parricide for allegedly shooting his wife last Tuesday, April 3.


Humaharap ngayon sa kasong parricide ang dating grand finalist ng Pilipinas Got Talent Season 1 na si Alakim—Allan de Paz sa tunay na buhay.

Ito ay matapos matagpuang patay ang asawa niyang si Maricar de Paz sa loob ng kanilang kotse noong nakaraang Martes, Abril 3.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ang kaso ay isinampa mismo ng pamilya ng nasawing asawa ni Alakim.

Ang madyikero ang pinaghihinalaang bumaril sa kanyang misis habang nagkakasagutan sila sa loob ng sasakyan.

Ang sasakyan, ayon sa initial report ng pulisya, ay nakahinto lamang sa harap ng kanilang bahay sa Lamar Village sa Marikina.

Base sa paunang imbestigasyon, galing sa birthday party ang mag-asawa noon. Habang nagkakasagutan sa loob ng kotse ay nagbanta umano ang biktima na babarilin ang sarili

Sinubukan daw itong pigilan ni Alakim, na naging sanhi ng kanyang sugat sa kamay.

Gayunman, nagtamo pa rin ng tama ng baril sa dibdib ang biktima.

Samantala, sa isang pahayag mula sa kampo ni Alakim, na nailathala rin sa ABS-CBN News, inamin ng dating PGT grand finalist na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang asawa bago naganap ang insidente.

Subalit hindi na nagbigay ng anumang karagdagang detalye si Alakim.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya kung sino ang nagmamay-ari ng .38 caliber pistol na ginamit sa insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN