Michelle Madrigal on status of her lovelife: "Parang kung nakikipag-date man ako, e, ano naman ngayon?”

“Parang mas gusto kong isipin… mas gusto kong ipakita sa tao like kung ano ang kaya kong gawin, like as an actress. Gusto kong do’n sila mag-focus kesa sa medyo nonsense na bagay. Because I really don’t get the point of talking about my relationship in public. I mean, ‘yon na lang siguro ang natitirang private sa aming mga artista, so sa amin na lang po ‘yon," says Michelle Madrigal.


Si Michelle Madrigal ang cover girl para sa April 2012 issue ng FHM.

Wala siyang takot na nag-pose nang sobrang sexy na talagang kasing-init ng tag-araw.

“Of course! Daring nga, e!” natatawang sabi ni Michelle nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“At iyon nga ang pinaka-daring na pictorial na nagawa ko.

“I mean, I did one topless pictorial or photo shoot with Xander Angeles before for his exhibit.

"Pero for a cover [sa isang men’s magazine], ito na ‘yon.”

Kaagad-agad ba siyang napa-oo when she was offered to do that daring pictorial?

“Actually, when Mon [photographer Raymund Isaac] texted me, sabi ko, ‘Alright!’ Kasi I really trusted naman Raymund.

“As a creative director, sobrang magaling si Raymund diyan. Forte niya talaga ‘yan.

“And hindi ko naman gagawin ‘yon kung magiging malaswa ‘yong kalalabasan. Alam mo ‘yon?

“So, with me, I’m like, ‘Sige!’

“Akala ko, for May [issue] pa siya. Kasi it [pictorial] happened March.

“Kasi normally for a magazine, di ba, like a month ahead or a month before nila gagawin iyon?

“Then after a week, I got a message na for April issue raw!

“Sabi ko, ‘Huh? Agad-agad?” sabay tawa ni Michelle.

Patuloy niya, “Medyo biglaan siya. But I’m happy.

“Kasi nakit ko na maganda ‘yong mga photos—pati sa loob, ‘yong cover.

“And ako talaga ang namili rin ng mga pictures na ilalabas, na ipa-publish nila.

“Kasi gusto ko naman, like may approval naman ako sa lahat ng lumabas na photos.”

CRASH DIET. Sa Subic, Zambales kinunan ang nasabing pictorial. Bilang paghahanda para rito, nag-crash diet daw si Michelle.

“Yeah! I just didn’t eat carbs [carbohydrates]. As in no bread, no pasta, just protein.

“Pero regular naman akong nagwu-workout so it wasn’t really a problem," sabi ng sexy star.

Will she go for daring and sexy rolespagkatapos ng mapangahas na pictorial niyang ‘yon for FHM?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah… it depends.

“I mean, depende sa story. Kasi hindi naman lahat ng story, kailangang magpa-sexy ka.

“But you know, siguro sa pananamit ko.

“But it doesn’t mean na lahat ng projects o movies na gagwin ko, kailangan may love scene o sexy scene.

“You know, it really depends sa concept and sa story na gagawin.

“But I’m okay with it—as long as it’s needed.”

Wala naman daw problema sa parents o sa family niya kung halimbawa ay maging game siya for sexy roles.

“I’ve been living alone. I’ve been independent since I was 15.

"So I always do whatever I wanna do.

“But I’m not gonna… hindi naman ‘yong nakakahiya na, di ba?

“Like ‘yong pictorial ko, kahit sobrang daring, maganda naman ‘yong kinalabasan niya.

“So I’m proud sa ginawa ko.

“’Yong sa cover na topless ako, I was just wearing a nipplet.

“Tatlong klase ng pose ang ginawa ko na topless ako, but it’s nice.

“At first, of course, I was medyo uncomfortable. Nahihiya ako.

“But you know, the people I’m with during that pictorial, they were so nice and supportive.

“And konti lang kami doon so ang bilis ko namang naging kumportable.

“You know what, parang half-naked na nga ako, might as well, di ba?

“Kung aarte pa ako, mas tatagal pa ‘yong pictorial.

“So gawin mo na with your 200 percent. And… tapos na!” tawa ulit niya.

Ano ba ang reason kung bakit napapapayag ang mga kagaya niyang female celebrities na mag-pose nang daring sa isang men’s magazine? Ano ang ini-expect niyang puwedeng makuha from it?

“You know, I… really for me naman kasi, wala naman siya. Like I’ve done it before.

“For me, pumayag ako because right now, ‘yong cover na ginawa ko before was two years ago pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I did it with my sister [Ehra Madrigal].

“Parang kung noon… ‘yong first cover ko was parang medyo teenager pa ako.

“Then my second one was with my sister nga.

“This one, babaeng-babae na talaga ako,” nangiting sabi ni Michelle.

“And this time, mas fit ako.

“So, parang gusto ko rin ‘yong ipakita sa kanila. Parang ‘yong hardwork ko rin like I workout three, four times a week.

“At ‘yong interview tungkol sa akin [for the cover story] about ‘yong mga life experiences ko.

“So it wasn’t really just… you know, ‘yong nagpa-sexy lang. But it was something more.”

CAREER OVER LOVELIFE. Sunod naman kinumusta ng PEP ang status ng kanyang lovelife ngayon? Parang wala yatang nali-link sa kanya matapos nilang mag-break ni Jon Hall?

“Next question, please!” sabay tawa ni Michelle.

Wala kahit suitors man lang?

“I mean, I don’t wanna talk about it.

“This year, I promised myself na if I’m going to date someone or kung wala akong idi-date, I’d rather talk about my career.

“I’d rather focus on my… you know, I want people to know more about me—not my relationship status.

“You know, parang kung nakikipag-date man ako, e, ano naman ngayon?” tawa na naman ni Michelle.

“Parang mas gusto kong isipin… mas gusto kong ipakita sa tao like kung ano ang kaya kong gawin, like as an actress.

“Gusto kong do’n sila mag-focus kesa sa medyo nonsense na bagay.

“Because I really don’t get the point of talking about my relationship in public.

“I mean, ‘yon na lang siguro ang natitirang private sa aming mga artista, so sa amin na lang po ‘yon.”

Does it mean mas gusto niyang hindi artista ang karelasyon niya para mas pribado?

“Uhm… as of the moment, I’d rather not. You know, parang… opinyon ko ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe after ten years, kainin ko ‘yong ganitong sinabi ko. We’ll never know.

“But right now, I’m happy kung anong meron ako.”

Ang manager niyang si Annabelle Rama ay may mga bagong projects daw na nine-negotiate para sa kanya ngayon.

Pero ayaw muna raw niyang magsalita hangga’t wala pang final na resulta.

“Right now, I’m happy doing Party Pilipinas every Sunday.

“’Tapos, my FHM cover, sana bumili kayo this April. And I do regional shows for GMA," sabi ni Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN