Nora Aunor reunites with her loyal fans; flies to Tawi-Tawi for movie with Brillante Mendoza

Nora Aunor’s message to her fans: “Sa mga fans na narito, hindi man tayo nagkikita [nang madalas], pero ang aking puso, ang aking isip, at ang aking kaluluwa, ay nasa tabi ninyo. ’Yan ang pinakaimportante sa lahat—puso! At habang nandiyan kayo, mas lalong lalakas ang loob ko, mas lalo akong magkakaroon ng lakas ng loob. Thank you po. Mahal na mahal ko po kayo!"


Matagumpay ang idinaos na reunion/get-together ng mga aktibong tagahanga ng Superstar na si Nora Aunor kahapon, April 9, sa Aberdeen Court, Quezon City.

Dinaluhan mismo ni Ate Guy ang naturang pagdiriwang.

Ang paghahanda ay pinagtulung-tulungan ng mga opisyales at miyembro ng iba’t ibang hukbo ng tagahanga o fans clubs ng singer-actress sa pangunguna nina Albert Sunga at Edgar Castro—’tulad ng GANAP (Grand Alliance of Nora Aunor Philippines), ICON (International Circle of Online Noranians), at Federation of Nora Aunor Followers.

Ang mga samahang ito ng Nora supporters ay nasa iisang malaking samahan na ngayon—pinangalanang Noranians Worldwide (NOW).

Nostalgic ang pagtitipon na ang mga pinabonggang production numbers ay isinagawa sa saliw ng mga nag-hit na awitin o recordings na pinagkakilanlan kay Nora—‘tulad ng “Handog,” “Bongga Ka Day,” “Annie Batungbakal,” at “Pearly Shells.”

Dumalo rin sina Perci Intalan, creative and entertainment head ng TV5; Joanne Banaga, TV5 unit head; ang premyadong screenwriter na si Ricky Lee; actor Edgar Allan Guzman; Boy Palma, Nora’s personal manager; Noel Ferrer, TV5 creative consultant at ngayo’y opisyal na ring handler ni Ate Guy para sa TV5); Glenda Kennedy, kaibigan ni Nora; at ang buong pamilya ni Matet de Leon (husband Mickey Estrada and kids, Mikka and Mishka) with Ate Guy’s Yaya Amy.

Towards the closing ay dumating si John Rendez, Nora’s partner, bilang pagsuporta and to fetch the Superstar.

Naroon din ang mga pinakabata at pinakamatatandang fans ni Nora; ang oldest ay si Aling Ester Estrella, 102 taong gulang, na nakakalakad at matalas pa rin ang memorya at matatas magsalita.

NORANIANS WORLDWIDE (NOW). Bukod sa kasayahan, contest at raffle draws, ang okasyon ay opisyal na paghahayag ng pagiging SEC-registered umbrella organization ng NOW o Noranians Worldwide.

Si Nora mismo ang opisyal na nag-announce ng pinakahuling kaganapang ito sa kanyang pagbibigay-mensahe sa program closing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, ang pagbabalik-aktibo ng naturang hukbo ng tagahanga, bilang isang umbrella organization called NOW o Noranians Worldwide, ay isang samahan.

Saad ng Superstar, "Kung saan lahat ng mga fans na nagmamahal at sumusuporta sa akin, sa buong Pilipinas man o sa ibang bansa, ay mabubuo na parang iisang pamilya. Magkakapatid na nagtutulungan, nagdadamayan, at nagkakaisa."

Naisatinig ni Ate Guy ang adhikaing ito bilang malaon na niyang plano bago pa siya magbalik sa bansa at aktibong pagganap noong isang taon—at ngayon ang katuparan nito.

"Ang pagtitipon pong ito ay isa sa mga matagal ko nang pangarap," ayon pa kay Ate Guy.

"Noong araw, para lamang mairaos ang anibersaryo ko at magkasama-sama tayong lahat, nag-aambag-ambag kayo para mairaos ang party.

“Kahit hindi kayo kumain, basta may maihanda lang po kayo para sa akin at sa mga bisita.

"Ginagawa n’yo po yun taun-taon," pagbabalik-tanaw pa ni Ate Guy.

Natigil nga lang ang ganito nang magtagal siya sa U.S.

Patuloy niya, "Ngayon po ay ako naman... susubukan ko pong tumbasan ang mga sakripisyo at pagmamahal ninyo sa akin.”

NORA’S MESSAGES. Si Nora na rin ang nag-announce ng major plans of action na isasakatuparan ng NOW, simula sa araw ng pagtitipong iyon.

"Magkakaroon po ako ng mga proyekto para sa inyo, ‘tulad ng livelihood programs kung saan tuturuan po kayo ng mga gawaing pangkabuhayan.

"[Magkakaroon din po] ng mga scholarship programs, sa elementary at high school [students], para sa mga anak po ninyo.

"Yung mga fans na mahilig kumanta, ite-train po o ako ang magte-train sa kanila para matuto silang kumanta.

"At kung may gustong matuto sa kung anumang gusto nilang matutunan ay ipaaalam lang po at tutulungan po natin silang matuto.

"Tutulungan ko sila para matupad ang kanilang mga pangarap."

Nabanggit din sa mensahe ni Ate Guy ang pagkakaroon ng lugar o headquarters ng mga Noranians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung saan puwedeng magkita-kita at mag-meeting at magbalak ng mga proyekto.

"Ang mahalaga po, kung nasaan man kayo—sa Pilipinas man o sa ibang bansa—hindi po kayo nag-iisa.

“Naririto po ako para sa inyo!"

Kung itutulot, nais din ni Ate Guy na magkaroon ng ganitong pagtitipon kada buwan.

Sa huli’y pinasalamatan niya ang lahat ng mga dumalong fans—numbering about 300—at mga miyembro ng local showbiz press.

Aniya, "Hindi ko na po iisa-isahin kung sino sila.

“Sa mga fans na narito, hindi man tayo nagkikita [nang madalas], pero ang aking puso, ang aking isip, at ang aking kaluluwa, ay nasa tabi ninyo.

"’Yan ang pinakaimportante sa lahat—puso!

“At habang nandiyan kayo, mas lalong lalakas ang loob ko, mas lalo akong magkakaroon ng lakas ng loob.

"Thank you po. Mahal na mahal ko po kayo!"

INITIAL FUND. Bilang pang-unang pondo o seed fund ng NOW para sa nabanggit ni Ate Guy na livelihood and other development projects for the fans clubs members ay may donasyong P100,000 ang Superstar.

Ito ang inanunsiyo ni Albert Sunga, dating presidente at overall fans’ coordinator na ngayo’y direkta nang nagtatrabaho para kay Ate Guy (handling John Rendez’ projects).

Sabi ni Albert, "From the bottom of our hearts, maraming-maraming thank you po.

"Finally, nang dumating ang oras na ito, lahat tayo ay napapaiyak, lahat tayo ay naliligayahan, lahat tayo ay happy.

"Ito na po ang katuparan. Simula lang po ito, marami pang proyektong darating."

INDIE FILM WITH DIREK BRILLANTE. Sa kanyang previous interviews, at maging kahapon, nabanggit din ni Ate Guy ang nalalapit niyang pagsisimula ng shooting ng indie film with award-winning director Brillante Mendoza—ang The Womb.

"Magsisimula na po kami ng shooting, sa April 15," sabi ni Ate Guy.

Sa Sabado, April 14, ang scheduled na pag-alis ng grupo sa produksiyon. Hanggang April 30 ang timetable para sa project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi masyadong nagdetalye si Nora ng tungkol sa pelikulang gagawin, ayon din sa napagkasunduan ng mga kabilang sa produksiyon.

Mula naman sa source ng PEP ang munting impormasyon hinggil sa magiging "physical look" ni Nora sa pelikulang Thy Womb.

Sabi ng source, "Mahaba ang buhok ng character. Ito ang gusto ni Direk Brillante kaya kakabitan ng hair extension si Ate Guy.

"Kailangan magmukhang authentic ang hitsura niya bilang isang native sa south.

"Ayaw ni Direk Brillante na magsuot si Ate Guy ng wig dahil maraming eksena sa dagat na baka makaapekto sa movement niya kung wig ang suot niya."

Balitang nag-undergo na rin ng acting workshop, specifically for the film, sina Ate Guy at ang magiging co-stars na sina Lovi Poe, Mercedes Cabral, at Bembol Roco.

Sabi pa ng source, "Maganda ang naging reaction sa isa’t isa nina Ate Guy at nina Lovi at Mercedes.

Kuwento pa ng source, “Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga baguhan kasi they feel honored to be working for the first time with Ate Guy.

"Pero siyempre, nahihiya pa sila, lalo si Mercedes.

“Kaya sabi ni Ate Guy, ’Hija, sa ayaw at sa gusto mo, magkakatrabaho tayo kaya ’wag ka nang mahiya sa akin...’

“Yun! Kaya naging kumportable na rin sa kanya sa Mercedes.

"Si Lovi naman, sa umpisa pa lang, nagkagaanan na sila ng loob. Naku, yakap nang yakap kay Ate Guy!"

Ayon naman kay Perci Intalan, TV5 executive, "Kami ang kinausap ni Brillante Mendoza.

“So, nag-meet kami, ‘tapos binasa namin yung proposal, prinisent namin kay Ate Guy at nagustuhan niya."

Kaya nagbigay ng go signal ang TV5 para sa unang pelikula ni Nora mula nang magbalik siya sa bansa.

Sa The Womb (working title) ay papel ng isang Badjao ang gagampanan ni Nora. Sa Tawi-Tawi island kukunan ang kabuuan ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This get-together [among Noranians] is a prelude," banggit naman ni Noel Ferrer, na naatasan ng TV5 na isa sa mga tagapamahala ngayon ng career ni Ate Guy bilang creative consultant ng istasyon.

"Walang script [ang pelikula]. Outline lang, situations lang na ibibigay ni Direk [Brillante], ‘tapos bahala na sila sa dialogue.

PLANS OF ACTION. Nabanggit din ni Noel ang iba pang plans of action for the Superstar.

"May 5 and 6, she will be in Talentadong Pinoy grand finals

"Under negotiations/talks na yung mga gagawing project sa TV5.

"Whatever, she’ll be comfortable with or she’ll perform well, yun muna.

“Yung commitment namin is to give her what she deserves, her status, being the premiere actress.

"Forty-five years of her career, this year [in October], we’re celebrating it to kick-off on her birthday [May 21].”

Ito rin daw ang magsisilbing deadline ng isasagawang Superstar Press Award, kung saan mayroong seminar on feature writing at writing contest.

Iinterbyuhin ng press si Ate Guy about her life at paparangalan ang mapipiling pinakamahusay na Nora write-up. Ibibilang din sa isang compilation ang mga artikulong kalahok.

Earlier, on May 7, the Camera Club of the Philippines will have a special pictorial session with Nora Aunor. Ino-organize din ito ni Noel bilang paghahanda sa nasabing okasyon ng Superstar.

Samantala, ang personal biography on Nora ay inaasahang matatapos na ring isulat at maipalimbag sa taong ito bilang natatanging akda ni Ricky Lee.

Hindi rin nakalimutang banggitin ni Noel ang tungkol sa gagawing pagsuporta ni Ate Guy sa teatro sa Pilipinas, starting off with PETA’s Bona, na iprinodyus ni Guy ang Lino Brocka film in 1980, na binigyan niya ng pahintulot na isalin sa dulang pang-entablado.

Si Eugene Domingo ang gaganap sa dula bilang Bona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN