Manny Pacquiao’s foundation under scrutiny for importing used clothes

The Manny Pacquiao Foundation recently got sued for not paying shipment fees. This was said to be the reason why the Pinoy boxing champ has decided to revamp the board of directors of his foundation—where he included Top Rank promoter Bob Arum and Las Vegas hotel and casino magnate Steve Wynn.


Isa na namang panibagong kaso ang haharapin ng Pinoy boxing champ na si Manny Pacquiao.

Kamakailan ay lumabas ang balita na inirereklamo ang The Manny Pacquiao Foundation dahil sa hindi diumano pagbabayad ng $35,000 bill para sa isinagawang shipment ng mga containers na naglalaman ng used clothes.

Ang kaso ay isinampa mismo ng hindi tinukoy na logistics company na na-hire ng foundation.

Ang shipment ay isinagawa noong 2009.

Ayon sa ulat ng TMZ noong nakaraang linggo, ang shipment ay na-impound diumano dahil nang siyasatin ng customs officials ang mga container, nalaman nilang used clothes ang nilalaman ng mga ito.

Ayon sa batas ng Pilipinas, hindi qualified bilang “relief goods” ang mga damit at kailangan magbayad ng excise tax.

Matatandaan na ipinagbawal na noon ng lokal na na pamahalaan ang pag-i-import ng “used clothes” dahil sa paglaganap ng smuggling para sa mga ukay-ukay sa bansa.

Ginamit na dahilan umano ng foundation ang pagkakakumpiska sa mga container para hindi bayaran ang bill mula sa logistics company na na-hire ng foundation para sa shipment.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang kampo ng Pambansang Kamao.

Subalit may ilang ulat na nagsasabing nagkaroon ng ilang pagbabago sa mga board of director ng foundation noong linggong sinampahan ng kaso ang foundation ni Manny.

Ayon sa mga ulat, isinama na ni Manny sa board of directors ang Top Rank promoter na si Bob Arum at ang Las Vegas hotel, real estate, at casino magnate na si Steve Wynn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN